You are on page 1of 2

Reporter: Leanne Christie C.

Mendija Pangalan ng Klase: Burloloi ni Quiboloy

Paksa: Aralin 2: Katangian, Manifestasyon, at mga Komponent ng Kultura

Q and A

Ang mga katanungang maaaring itanong sakin:

1. Ano-ano ang tungkulin ng isang kutura sa isang pangkat? / Paano naging mahalaga ang
kultura sa isang pangkat?
Ang kultura ay isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng
pangkat para mabuhay. Ito din ay nagbibigay sa bawat indibidwal ng isang pangkat na
makibagay sa sitwasyon ng kapiligiran. Ang kultura din ang syang nagiging tsanel upang
makipag-interak o makipag-komunikasyon ang bawat miyembro ng isang pangkat at
upang maiwasan ang anumang alitan.

2. Maaaring bang magkaroon ng komon na kultura na makikita sa lahat ng pangkat sa bawat


lipunan?
Oo, ito ay matatawag na Universal Pattern of Culture.

3. Ano ang halimbawa ng Universal Pattern Culture?


Isang halimbawa nito ay ang Wet Rice Agriculture. Sa Wet Rice Pattern, maraming
katangian ng kultura katulad ng paggamit ng kalabaw, araro, sakahan, varayti ng palay,
varayti ng paraan ng pagtatanim.

4. Ano ang kahulugan ng Universal Pattern Culture?


Ayon kay Winsker, ang lahat ng tao ay may wika at pananalita at materyal na kultura.

5. Ano-ano ang mga materyal na kulutra?


Ayon kay Winsker, ang mga halimbawa materyal na kultura ay food habits o
kinasanayang pag-uugali sa pagkain, pamamahay, transportasyon, kagamitan, pananamit,
sandata, at trabaho at industriya.
6. Maaari ba na ang isang lipunan ay may kaugaliang hindi sinusunod?
Oo, tinatawag itong alternatibo kung saan ikaw ay maaaring makapagpili ng kung ano
ang sa tingin niya ay makakapagdulot ng kabutihan at kasiyan sa kanya.

7. Ano-ano ang mga halimbawa ng alternatibo?


Ang mga halimbawa ng alternatibo ay ang pagpili ng relihiyon ng isang indibidwal na
naaayon sa kanyang kagustuhan at kung saan sya gustong mabilang; pagpili ng
trasnportasyon sa pagbiyahe na maaaring bus, dyip, tren at iba pa; pagpili kung saan
gustong kumain na maaaring sa restawran, bahay o tabing dagat. May mga lipunan
naman na tanggap ang pag-aasawa ng marami at kung saan tanggap din ang diborsiyo.
May mga lipunan naman na tanggap ang mercy killing at aborsiyon at mayroon naming
mga lipunan na tinitingnan ang mga ito bilang nakapakabigat na kasalanan tao at lalo na
sa Diyos.

You might also like