You are on page 1of 6

Mga Padrong Kultural sa

Komunikasyong Filipino
at
Mga Taksonomiya:Padrong
Kultural at Komunikasyon

Vince Posugac

Donnabel Durin

Jicel Blanca

Daniel Keling

Aira Mae Arroyo

Jozabelle Galangue
Global na Kultura

Kulturang kinasasangkutan ng mga mamamayan ng daigdig. Mga kulturang kapansin-pansin dahil na rin
sa kanilang kariktan at dami ng mga tagasunod.

Padron/Pattern- pag-aaral ng kultura mahalagang matukoy ang mga gawi o mga pangyayaring gaanong
napapansin sa kadahilanang makapagbibigay ito ng malinaw na interpretasyon sa mga taong nabibilang
dito.

Mga Elemento ng Padrong Kultural

1. Paniniwala- Ideya na pinaniniwalaang totoo dito sa mundo.

a. Sentral na Paniniwala- nakapaloob dito ang mga pundamental na mga turo kaugnay sa
realidad at kung paano nagagamit ang mga ito sa daigdig

b. Paniniwalang Periperal- tumutukoy ito sa mga personal na paniniwala na kahit papaano ay


nakapagambagsa mga ideyang umiinog sa daigdig.

2. Pagpapahalaga- nabibilang ang patingin sa konsepto ng mabuti at masama, tama at mali,


patas at hindi patas, pangit at maganda, mahalata at di mahalaga, angkop at di angkop.

3. Kaugalian- Napagkasunduang panlipunang ekspektasyon sa mga gawi o dapat iasal na may unibersal
na katanggapan.

4. Lipunang Gawi- tumutukoy sa padron ng mga tiyak at inaasahang asal ng mga myembro ng isang
pamayanan na lahat ay inaasahang sumusunod.

Mga Tungkulin ng Padrong Kultural

1. Sagot sa suliranin 2. Kahit


maraming pagpipilian ay may limitasyon din.
3. Nagbibigay ng mga pagpipiliang solusyon
4. Tagapaghubog

Kaligran ng Padrong Kultural

1. Oryentasyon sa mga gawain-kung paano tinatanaw ng mga tao sa isang kultura ang kanilang mga
kinikilos at paglalantad sa pamamagitan ng gawain.

2. Oryentasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Lipunan- paano inoorganisa ng mga tao mula sa isang kultura
ang kanilang sarili at pakikitungo sa kanilang kapwa.

3. Pansariling Oryentasyon- Paglalarawan ito ng tao sa kaniyang sarili at paano niya hinuhubog ang
kanyang identidad upang maging angkop sa isang kultura.
4. Pandaigdigang Oryentasyon- kung paanong iniaangkop ng isang tao ang kanyang sarili sa daigdig:
paniniwala, relihiyon, kalikasan.

5. Oryentasyon sa Oras- Ito ay pinal na aspekto. Konsepto ng oras panahon.

Mga Taksonomiya:Padrong Kultural at Komunikasyon

-cultura- espanyol, Culture- english, Kahulugan sa tagalog-kalinangan

Kalinangan- linang na nangangahuluguhan Ng pagyabong at pagyaman,karaniwan na Ng lupang sakahan.

Taksonomiya- Termino para sa proseso o sistema ng paglalarawan ng paraan kung paanong ang iba't
ibang bagay ay magkakaugnay sa pamamagitan ng pagkapangkat- pangkat.

Teodoro A. Agoncillo- gumawa ng libro para sa karaniwang katangian ng mga pilipino, mga batas, wika at
nakasentro sa kultura ng pamilyang pilipino.

- Ayon sa kanya sa kulturang pilipino sentro ang pamilya. Hindi kamag-anak- ninong at ninang (extended
family)

Tatlong antas Ng Paggalang Ng mga pilipino

1. Paggamit ng PO sa kausap kahit Hindi kilala

2. Paggamit Ng ikalawang panauhang pangmaramihan tulad Ng KAYO, INYO, at NINYO.

3. Paggamit Ng ikatlong panauhang pangmaramihan tulad ng NILA, SILA, at KANILA.

Sa lahat Ng iton ang PO ay Hindi inaalis ayon Kay agoncillo.

Ang Mataas at mababang Konteksto Ng taksonomiyang hull

Hull- Maikling termino Mula sa "Kingston upon hull"

-Galing sa silangang Yorkshire sa inglatera

- Sinasabi na Dalawa Lang ang uri ng kultura.

1. Mataas na konteksto- mas pinipili ang mensaheng may matatayog ang kahulugan ng karamihan.

2. Mababang konteksto- mas nais ang paggamit ng mensaheng madaling maunawaan.

Ang Taksonomiyang kultural ni Shalom Schwartz

Shalom schwartz- isang psychologist, cross cultural researcher at lumikha Ng Theory of basic human
values.

Pagsasarili/Awtonomiya Laban sa pagkataal(embededness)- Nauukol sa preperensyang kultural para sa


uri ng pakikipagugnayan(relationship) at kahangganan( bounderies)
Dalawang uri ng awtonomiyang kultural

1. Awtonomiyang intelektwal

2. Awtonomiyang pangdamdamin

Kulturang Pagkataal- Tinitingnan na ang mga tao ay nakapirmi lamang sa isang kolektibong pangkat
panlipunan.Higit na pansin ang pagkilala sa grupo at pagpapanatili ng kaayusan Ng ugnayang palipunan
ang pinakamahalaga.

Egalitarianism Laban sa Herarkiya

Kulturang egalitaryan- hinihikayat sa mamamayan na tingan ang kapwa bilang kapantay nila sa lipunan at
moralidad

Kulturang herarkiya- ang hindi pantay na pamamahagi ng kapangyaring sosyal, political, at ekonomiko ay
lehitimo at kanais- nais.

Harmony Laban sa Mastery- Nauukol ang paghahambing na into sa oryentasyon ng mga tao sa yamang
Likas at panlipunan.

Kultura ng Pagkakaisa( Harmony)- Humihikayat na tanggapin at makihalubilo sa mga mundong Likas at


Panlipunan, pagkat ang pagtingin sa tao ay integral na bahagi ng kalikasan (nature).

Kultura Ng kapantasan (Mastery)- Hinihikayat ang kanilang mga myembro na patnubayan (direct) at
pamahalaan (control) ang mga mundong Likas at Panlipunan

Ang Taksonomiyang Kultural no Geert Hofsteed

Geert Hofsteed- Isang Dutch social psychologist, Dating impleyado ng IBM, Professor Emiritus ng
Organizational Anthropology and International Management

Agwat ng Kapangyarihan ( Power Distance)- Tumutukoy sa antas ng paniniwala ng kultura na ang


kapangyarihang institusyonal at organisasyonal ay dapat na ipamahaging hindi magkakapantay pantay at
ang mga pagpapasya ng mga may kapangyarihan ay hinahamon at tinatanggap.

Dimensyon sa Pag-iwas sa kawalang katiyakan- Ang hangganan na ang kultura ay nanganganib sa mga
sitwasyong malabo at di tiyak, at sinusubuk na iwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba
pang istruktura.

Dimensyong Indibidwalismo-kolektibismo (Individual-Collectivism)- Antas na ang kultura ay umaasa at


may katapatan sa sarili o pangkat.

Dimensyong Pagkalalaki at Pagkababae- Tumutukoy sa mga ekspektasyong pangkasarian at ang lawak na


namimili Ang mga mamamayan sa pagitan Ng kagkakamit at kapusukan o ng paghubog at suportang
panlipunan.
Dimensyong panahon-oryentasyon- Tumutukoy sa punto ng pagpili ng tao sa buhay at Gawain.
Sumasaklaw Ito Mula sa terminong pangmatagalan hanggang sa maikling panahon lamang.

Dimensyong Pagpapalayaw Laban sa Pagpipigil- Ang indulhensya o Pagpapalayaw ay isang pananaw na


ang kasiyahan at pagpapakasaya sa buhay at kanais- nais sa pagtugon sa kaligayahan bilang pagtugon sa
buhay.

Hedonismo- Paniniwalang ang kasiyahan o kaligayahan ay ang pinakamahalagang layon ng buhay.

Proyektong GLOBE (Global Leadership and Organizational Behavior Effectiveness)- pag-aaral sa


pagkakaiba-iba ng padrong kultural.

Siyam na dimensyon na ginamit sa upang ilarawan ang dominanteng padron ng isang kultura.

Mula Kay Hofsteede:

1. Agwat ng kapangyarihan

2. Pag-iwas sa kawalang katiyakan-

3. Pangkatang kolektibismo

4. Kolektibismong institusyonal

5. Kasariang egalitarianismo

6. Mapamilit

Mula kay kluckhohn at strodtbeck

7. Oryentasyon sa pagsasagawa

8. Oryentasyong panghinaharap

9. Oryentasyong makatao

You might also like