You are on page 1of 1

Ano nga ba ang Diskriminasyon?

Ang Diskriminasyon ay isa sa mga bagay na kinakaharap ng ibang mga tao dito sa ating lipunan.
Ito ay ang hindi patas na pagtrato or pagtingin sa kanila dahil iba sila compared sa nakasanayan natin.
Dahil dito, bumababa ang confidence nila sa kanilang mga sarili at maaari pang maging dahilan ng mga
mental health problems katulad na lamang ng anxiety disorder, depression, at iba pa.

Mayroon tayong iba’t-ibang uri ng Diskriminasyon:

Ang una ay ang Racial Discrimination o ito yung pagtrato ng hindi patas sa mga taong naiiba ang
lahi o pinagmulan. Ang pangalawa naman ay ang Gender Discrimination, isa rin itong uri ng
diskriminasyon kung saan yung gender naman ang tinitira ng mga tao. Pangatlo ang Religious
Discrimination, isa itong klase ng diskriminasyon kung saan tintratato ang ibang tao ng hindi tama dahil
sa knilang relihiyon. Ang susunod naman ay ang Disability Discrimination kung saan kapansanan naman
ng ibang tao ang dinidiscriminate ng iba. At ang panghuli ay ang Socioeconomic Discrimination kung
saan ginagawang basehan ng ibang tao ang kita or income ng isang tao kung paano nila sya itatrato.

Paano natin malalabanan ang Diskriminsayon sa ating lipunan?

Upang malabanan ang diskriminasyon, kinakailangan ang legal na mga batas at regulasyon,
kampanya para maging updated ang publiko, at pagbibigay ng patas na pagkakataon sa lahat ng tao sa
ating lipunan sa iba't ibang klase ng bagay ktulad ng paghahanap ng trabaho, edukasyon, at mga
pampublikong serbisyo. Bilang isang lipunan, ang paglaban sa diskriminasyon ay nangangailangan ng
kolektibong pagsisikap upang itaguyod ang pantay na pagtrato, katarungan, at paggalang sa lahat ng tao,
anuman ang kanilang pagkakaiba. Sa pamamagitan ng pagtugon sa ugat ng diskriminasyon, maaari
tayong maglakbay patungo sa isang mas makatarungan at mapayapang mundo.

You might also like