You are on page 1of 2

Mariah Ysabela L.

Sanchez VIII – STE Marigold


Filipino 8 – Quarter 1, Weeks 7-8 Oktubre 11, 2022

Ang Kadena ng Diskriminasyon

"Injustice anywhere is a threat to justice everywhere." - Martin Luther King, Jr.


Sabihin, ang isang tao ay mapayapang tumatahak sa kaniyang daan, nang may humadlang at nagsaad
sa kanya ng pagkapoot, panghuhusga, at pang-aapi hinggil sa kanyang kulay ng balat? O ang kanyang
kasarian, o lahi? Ito ay isang halimbawa ng isyung panlipunan, diskriminasyon. Ito ay ang negatibong
pananaw, pagbubukod, paghihigpit ng mga karapatan at pagpapamalas ng poot dahil sa pagiging bahagi sa
isang partikular na grupo. Saanman tayo naninirahan sa iba't ibang panig ng daigdig, sa mga tao ating
nakakasalahuma, umiiral pa rin ang diskriminasyon hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa mga pangkat
minorya. Marahil, ito ang kinakaharap nila sa pang-araw-araw na pamumuhay, na humahantong sa hindi
makatarungang realidad.

Ang ating lipunan ay patuloy na nagbabago habang ito ay tumatanggap o tumatanggi sa mga
nakasanayan. Subalit, ang diskriminasyon ay patuloy na lumalaganap mula noon, hanggang sa kasalakuyang
panahon. Sa kasaysayan, ang mga pangkat tulad ng Aprikano Amerikan ay nakaranas ng matinding
diskriminasyon sa kulay ng kanilang balat, o ang tinatawag na racism. Ito ay isa sa mga maraming anyo ng
diskriminasyon. Ang rasismo o racism ay ang paniniwala sa pagkakahiwalay, at ang isang lahi ay nakahihigit
sa iba. Bunsod dito ang gumanap at gumaganap na opresyon, maging ang pagpatay, na dumadanas ng walang
katapusang pagdurusa hangga't hindi nabibigyan ng hustisya. Isa pa sa mga anyo ng diskriminasyon ang
nararanasan ng LGBTQ+ communities, batay sa sekswal na oryentasyon at gender identity ng isang tao.
Kabilang dito ang lesbian, gay, bisexual, transgender, at iba pa. Ang pangkat ay sumailalam ng abuso, dahil sa
uri ng sex na ginagampanan sa lipunan, na nagbunga ng mga protesta at paglalaban, at ito'y nagbigay-daan sa
pag-usbong sa pagiging totoo sa sarili. Ang diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa terminong sexism o
pang-aapi batay sa kasarian, lalo na sa mga kababaihan. Dito, umiiral ang double standards at ang sistemang
patriyarkal, kung kaya't umusbong ang women empowerment at pagsulong ng pagpapahalaga tungo sa mga
kababaihan. Anuman ang anyo o porma ng diskriminasyon, ang pagbibigay ng nararapat na hustisya sa mga
biktima ay ang landas tungo sa pagbabago.

Bilang konklusyon, lahat tayo ay may karapatang pantao. Walang sinuman ang karapat-dapat na
mawala ito sa isang tao anuman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, at katayuan sa buhay. Samakatuwid,
natatamo ang hustisya sa pamamagitan ng paninindigan laban sa hindi makatarungan. Nagsisimula ito sa
pagbibigay-wakas sa diskriminasyon sa lahat ng aspeto, tulad ng pakikinig, pagbibigay-alam sa sarili at kapwa,
paggalang, paglaban, at pagtindig para sa tunay na inklusyon. Hindi maisusulong ang pagkakapantay-pantay
kung hindi natin kikilalanin ang mga pagkakaiba ng bawat isa sa atin.

Mariah Ysabela L. Sanchez VIII – STE Marigold


Filipino 8 – Quarter 1, Weeks 7-8 Oktubre 11, 2022

Ang Kadena ng Diskriminasyon

SIMULA:
"Injustice anywhere is a threat to justice everywhere." - Martin Luther King, Jr.
Sabihin, ang isang tao ay mapayapang tumatahak sa kaniyang daan, nang may humadlang at nagsaad
sa kanya ng pagkapoot, panghuhusga, at pang-aapi hinggil sa kanyang kulay ng balat? O ang kanyang
kasarian, o lahi? Ito ay isang halimbawa ng isyung panlipunan, diskriminasyon. Ito ay ang negatibong
pananaw, pagbubukod, paghihigpit ng mga karapatan at pagpapamalas ng poot dahil sa pagiging bahagi sa
isang partikular na grupo. Saanman tayo naninirahan sa iba't ibang panig ng daigdig, sa mga tao ating
nakakasalahuma, umiiral pa rin ang diskriminasyon hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa mga pangkat
minorya. Marahil, ito ang kinakaharap nila sa pang-araw-araw na pamumuhay, na humahantong sa hindi
makatarungang realidad.

GITNA:
Ang ating lipunan ay patuloy na nagbabago habang ito ay tumatanggap o tumatanggi sa mga
nakasanayan. Subalit, ang diskriminasyon ay patuloy na lumalaganap mula noon, hanggang sa kasalakuyang
panahon. Sa kasaysayan, ang mga pangkat tulad ng Aprikano Amerikan ay nakaranas ng matinding
diskriminasyon sa kulay ng kanilang balat, o ang tinatawag na racism. Ito ay isa sa mga maraming anyo ng
diskriminasyon. Ang rasismo o racism ay ang paniniwala sa pagkakahiwalay, at ang isang lahi ay nakahihigit
sa iba. Bunsod dito ang gumanap at gumaganap na opresyon, maging ang pagpatay, na dumadanas ng walang
katapusang pagdurusa hangga't hindi nabibigyan ng hustisya. Isa pa sa mga anyo ng diskriminasyon ang
nararanasan ng LGBTQ+ communities, batay sa sekswal na oryentasyon at gender identity ng isang tao.
Kabilang dito ang lesbian, gay, bisexual, transgender, at iba pa. Ang pangkat ay sumailalam ng abuso, dahil sa
uri ng sex na ginagampanan sa lipunan, na nagbunga ng mga protesta at paglalaban, at ito'y nagbigay-daan sa
pag-usbong sa pagiging totoo sa sarili. Ang diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa terminong sexism o
pang-aapi batay sa kasarian, lalo na sa mga kababaihan. Dito, umiiral ang double standards at ang sistemang
patriyarkal, kung kaya't umusbong ang women empowerment at pagsulong ng pagpapahalaga tungo sa mga
kababaihan. Anuman ang anyo o porma ng diskriminasyon, ang pagbibigay ng nararapat na hustisya sa mga
biktima ay ang landas tungo sa pagbabago.

WAKAS:
Bilang konklusyon, lahat tayo ay may karapatang pantao. Walang sinuman ang karapat-dapat na
mawala ito sa isang tao anuman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, at katayuan sa buhay. Samakatuwid,
natatamo ang hustisya sa pamamagitan ng paninindigan laban sa hindi makatarungan. Nagsisimula ito sa
pagbibigay-wakas sa diskriminasyon sa lahat ng aspeto, tulad ng pakikinig, pagbibigay-alam sa sarili at kapwa,
paggalang, paglaban, at pagtindig para sa tunay na inklusyon. Hindi maisusulong ang pagkakapantay-pantay
kung hindi natin kikilalanin ang mga pagkakaiba ng bawat isa sa atin.

You might also like