You are on page 1of 1

Ang kuwentong pinamagatang “Manika” na isinulat ni Ginoong Mubarak Tahir ay

isang kuwentong kathang-isip lamang. Ito ay nagpapakita at tumatalakay sa mga


personal at emosyonal na hamon na nararanasan ng isang binatilyong napabilang sa
LGBTQA+ na komunidad. Base sa mga pangyayari sa kuwento, nakararanas ng
pangungutya, pambubulas, at pisikal na pang-aabuso si Nino dahil sa kaniyang
kasarian at sa mga aksyon. Sa kuwento mapapapansin na hindi tanggap ng mga tao
kung sino at ano si Nino na nagresulta sa mga hindi makataong gawai. Isa sa mga
suliraning pangkasarian na makikita sa kuwento ay ang diskriminasyon sa kasarian.
Ayon sa U.S Equal Employment Opportunity Commission, ang diskriminasyon batay sa
kasarian ng isang tao ay ang hindi kanais-nais na pagtrato sa isang tao base sa
kaniyang kasarian. Dagdag pa ng Human Rights in British Columbia “Ang
diskriminasyon ay nangyayari kapag ang isang tao’y trinato nang masama o
pinagkaitan ng isang serbisyo o benepisyo dahil sa kanilang identidad ng kasarian o
pagpapahayag nito.”
Ang diskriminasyon ay maaaring magdulot na pangmatagalang pagdurusa ng
isang tao. Maaari itong magdulot ng depresyon, matinding karanasan sa kaharasan,
problema sa kalusugan at sa trabaho, edukasyon, pisikal na kalusugan, at lalong lalo na
sa paghubog ng isang tao.
https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-batay-sa-kasarian
https://www2.gov.bc.ca/assets/gov/law-crime-and-justice/human-rights/human-
rights-protection/filipino-gender-id.pdf

You might also like