You are on page 1of 18

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Himagsikang Pilipino

1
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Self-Learning Module (SLM)


Unang Markahan – Modyul 3: Himagsikang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rowelyn S. Lamery


Editors: Acremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel S. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Rowelyn S. Lamery
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

i
Alamin
Magandang araw! Kumusta ka? Ako ang iyong guro na gagabay sa iyo
upang patuloy na alamin ang kasaysayan ng ating bansa. Paano kaya tayo
nakalaya sa kapangyarihan ng mga Espanyol? Ano-ano kayang mga hakbang
ang ginawa ng ating mga makabayang Pilipino noon upang labanan ang mga
mapang-aping dayuhan?

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-usbong ng himagsikan.


Malalaman mo ang pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa
Kolonyalismong Espanyol. Matututuhan din sa modyul na ito ang
pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagbuo ng iba’t ibang hakbang ng kilusan at
matatalakay din ang naging implikasyon kung bakit hindi naging
matagumpay ang bawat kilusan sa kanilang mga layunin.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:
• napahahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa Panahon
ng Himagsikang Pilipino.
• natutukoy ang ginampanang papel ng mga natatanging tao sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato.
• nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon
ng Himagsikang Pilipino (AP6PMK-Id-6).

Subukin
Bago mo lakbayin ang modyul na ito na magdadala sa iyo sa
makasaysayang kaganapan sa ating bansa ay subukin mong sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa kalakip na sanayang papel.
1. Kailan unang naganap ang Sigaw sa Pugad Lawin?
a. Agosto 19, 1896 c. Agosto 23, 1896
b. Agosto 22, 1896 d. Agosto 29, 1896
2. Anong pangyayari ang naging hudyat ng himagsikan ng mga Pilipino
laban sa Espanyol?
a. Republika ng Biak na bato
b. Tejeros Convention
c. Pagkamatay ni Andres Bonifacio
d. Unang Sigaw sa Pugad Lawin
3. Alin ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang
punitin ang kanilang sedula?

1
a. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!
b. Mabuhay Tayong Lahat! Mabuhay ang Katipunan!
c. Para sa Pagbabago! Mabuhay ang Katipunan
d. Para sa Kalayaan! Mabuhay ang Katipunan!
4. Ano ang naidulot ng kawalang pagkakaisa ng mga lider ng kilusan?
a. kabiguan c. katiwalian
b. kapangyarihan d. tagumpay
5. Sino ang tinaguriang Ama ng Katipunan?
a. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo
b. Emilio Jacinto d. Dr. Jose Rizal
6. Ito ang kasunduang nilagdaan ni Emilio Aguinaldo at ng Pamahalaang
Kastila para sa kapayapaan.
a. Kasunduan sa Biak na Bato c. Kasunduan sa Espanya
b. Kasunduan sa Bulacan d. Kasunduan sa Paris
7. Ano ang layunin ng pagpupulong ng dalawang grupo ng katipunan sa
Tejeros?
a. Bumuo ng bagong kilusan
b. Palakasin ang depensa sa Cavite
c. Maghalal ng bagong pinuno ng grupo
d. Pagsuko sa kapangyarihan ng Pamahalaang Kastila
8. Kailan nilagdaan ang kasunduan sa Biak-Na-Bato?
a. Nobyembre 1, 1897 c. Disyembre 24, 1897
b. Disyembre 14, 1897 d. Disyembre 30, 1897
9. Saang bansa nais ng mga Kastila na magtungo si Emilio Aguinaldo na
nakasaad sa Kasunduan sa Biak-Na-Bato?
a. Guam c. Japan
b. Hongkong d. Paris
10. Bakit hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-Na-Bato?
a. dahil sa pagtutol ng ibang Katipunero
b. dahil sa pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino
c. dahil sa pagpapaalis kay Emilio Aguinaldo papuntang Hongkong
d. dahil sa paghahati-hati ng pera ng mga Pilipino sa ibinayad ng mga
Kastila

Nasagutan mo ba ang katanungan? Huwag mag-alala kung ang mga ito ay


hindi mo nasagot nang tama. Sa pagpapatuloy mo sa pag-aaral ng modyul
na ito, mas marami ka pang matututunan. Magkakaroon ka pa ng
pagkakataon na maitatama ang mga maling konsepto o ideya tungkol sa
aralin. Handa ka na bang matuto? Maaari ka nang magsimula.

2
Aralin

1 Himagsikang Pilipino

Maligayang araw! Alam kong mayroon ka ng natutunan sa kasaysayan


ng ating bansa. Napag-aralan mo kung ano ang naging epekto ng kaisipang
liberal ng mga Pilipino na nag-udyok sa kanila upang ipangtanggol ang
bansa at ang mamamayan nito sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Espanyol.
Sa pagpapatuloy mo sa paglalakbay ng iyong kaalaman, ang modyul na ito
ang magbibigay sa iyo ng mga mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang
pag-aaklas na ginawa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
Handa ka na ba sa muli mong paglalakbay-aral?

Balikan
Maalala mo pa ba ang iyong nakaraang aralin tungkol sa
pagkakatatag ng Propaganda at Katipunan? Susuriin muna natin kung alin
ang mga naaalala mo.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik


ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.
A B
___1. Ito ay samahang itinatag ng mga ilustradong a. La Liga Filipina
Pilipino upang isulong ang pagbabago o
reporma sa mapayapang paraan.
___2. Ito ang opisyal na pahayagan ng mga b.Kilusang Propaganda
Propagandista.
___3. Siya ay tinaguriang Supremo ng Katipunan. c. La Solidaridad
___4. Ito ay samahang itinatag ni Dr. Jose P. Rizal. d. Andres Bonifacio
___5. Layunin ng kilusang ito na magkaisa e. Katipunan
ang mga Pilipino para sa kalayaan ng bansa
mula sa Espanya sa pamamagitan ng himagsikan.

3
Tuklasin

Handa, Hanap at Sulat!


Panuto: Subukin mo ang iyong kakayahan sa paghahanap ng
mga salita na may kaugnayan sa himagsikang Pilipino. Maaaring ito ay tao,
grupo ng tao, o pangyayari. Bilugan ang iyong sagot at isulat ito sa hanay na
nasa ibaba. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Sagutin Mo:

Sa iyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ng mga salitang iyong


nahanap sa kasaysayan ng ating bansa?
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Nahanap mo ba ang lahat ng mga salita? Magaling! Aalamin natin ngayon
kung ano ang kaugnayan ng mga salitang iyong nahanap sa kasaysayan ng
ating bansa. Basahin mo ang mga sumusunod na teksto nang malaman mo
kung tama ang iyong sagot. Handa ka na ba?

4
Suriin
Bago ka magpapatuloy, tandaan na sa pagbabasa mo ng teksto, ito ay
iyong isaisip at unawain ng sa gayon ay lubos mong maintindihan ang mga
kaganapan noong panahon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga
mananakop na Espanyol. Simulan mo na ang pagbabasa!

Sigaw sa Pugad Lawin

Nang matuklasan ng mga Espanyol


ang Katipunan noong ika-19 ng Agosto
source:https://www.vigattintourism.com 1896, maraming napahamak na mga
katipunero. Ngunit, nakatakas sina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Procopio Bonifacio, at ilang mga pinuno.
Kasabay ng pagtakas nila ay ang
pagpapatawag ng pulong sa Balintawak
na gaganapin sa ika-24 ng Agosto upang

talakayin ang kanilang marapat na hakbang. Ngunit, noong ika-20 ng


Agosto ay natunton sila ng Espanyol na si Pio Valenzuela kung kaya’t sina
Andres Bonifacio kasama ng 500 pang mahigit na katipunero ay tumulak
patungong Kangkong, tumuloy sa bakuran ni Apolonio Samson at noong ika-
22 ng gabi ng Agosto ay dumating sila sa Pugadlawin sa tahanan ni Juan A.
Ramos, anak ni Melchora Aquino, kilala bilang “Tandang Sora” at “Ina ng
Katipunan.” Kinabukasan ng Agosto 23, 1896, itinakda sa mismong bakuran
ni Juan A. Ramos ang pulong. Pinagpasyahan ng lahat na simulan ang
himagsikan laban sa Espanyol noong Agosto 29 ng taon ding iyon. Sa utos
ni Andres Bonifacio, sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang sedula at
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!” Ito ang
naging hudyat ng rebolusyon sa Pilipinas. Sa pagpapatuloy ng kaganapan,
nilusob ng hukbong Espanyol ang pook ng mga katipunero noong Agosto 26,
1896. Napaatras ang grupo ni Bonifacio dahil sa napakaraming kalaban.
Noong Agosto 30, 1896, nilusob naman ng mga katipunero ang garison ng
mga Espanyol sa San Juan del Monte. Maraming Pilipino ang nasawi sa
labanang ito ngunit hindi sila natinag sa hangaring makamit ang kalayaan.

Tejeros Convention Source:https://www.pinterest.ph

Mayroong dalawang grupo ng


katipunan, ang Magdiwang
na pinamumunuan ni Mariano
Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio
at ang Magdalo na
pinangungunahan ni Baldomero
Aguinaldo na pinsan ni Emilio
Aguinaldo. Nagkaroon ng pagpupulong noong Marso 22, 1897 ang dalawang

5
grupo sa lalawigan ng Tejeros, isang baryo sa San Francisco de Malabon
Cavite. Ito ngayon ay tinatawag na Kumbensyong Tejeros. Layunin ng
pulong na ito na palakasin ang pwersa sa Cavite. Gayunpaman, hindi
naisakatuparan ang nasabing plano. Sa halip nagdesisyon ang mga lider ng
katipunan na magkaroon ngbagong gobyerno at ito ay ang rebolusyonaryo
kapalit ng katipunan.
Hindi ito sinang-ayunan ni Andres Bonifacio dahil ayon sa kanya may
kasalukuyan pang kilusan at gobyernong umiiral at ito ay ang katipunan.
Gayunpaman, pinanguluhan pa rin niya ang halalan at ito ay igagalang ng
nakararami ano man ang maging resulta. Sa halalang ito ay nanalo si Emilio
Aguinaldo, bilang presidente kahit wala siya sa pagpupulong; Mariano Trias,
bilang bise-presidente; Artemio Recarte, bilang kapitan-heneral; Emiliano
Riego de Dios, direktor ng digma; at si
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Andres Bonifacio, bilang direktor ng
interyor. Inusisa ni Daniel Tirona ang
naging posisyon ni Bonifacio bilang
direktor ng interior. Ayon sa kanya, dapat
may pinag-aralan ang magukopa ng
posisyon.
Bunga ng pangyayaring ito,
ipinawalang-bisa ni Andres Bonifacio ang
nasabing halalan. Ngunit nanaig pa rin ang
Source:https://www.flickr.com
kagustuhan ng Magdalo na ituloy ang
pagpapairal ng halalan sa Tejeros at mabilisang ipinanumpa si Emilio
Aguinaldo bilang bagong pinuno. Itinuring na hadlang si Bonifacio sa bagong
gobyerno, ipinadakip at hinatulan siya ng kamatayan. Nang mamatay si
Andres Bonifacio, nawalan ng sigla ang mga rebolusyonaryo.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ng hukbo ni Emilio Aguinaldo ang
paghihimagsik ngunit naging sunod-sunod rin ang kanilang pagkatalo. Nang
dahil sa panggigipit ng mga Espanyol, nagdesisyon
Emilio Aguinaldo na ilipat ang kanyang punong himpilan sa Biak-na-
Bato sa San Miguel, Bulacan dahil sa lokasyon nitong mahirap matunton.
Dito niya itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato noong Nobyembre 1, 1897
at nagpatawag siya ng isang pagpupulong kasama ang mga rebolusyonaryong
mamamayan upang ilahad ang pansamantalang kostitusyon. Ito ay ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato. Ayon sa konstitusyon, pamumunuan ito ng
Kataas-taasang Kapulungan. Subalit, hindi rin ito naisakatuparan dahil sa
panahong iyon nakipagkasundo si Aguinaldo sa pamahalaang Espanyol.
Sa kasunduan ng dalawang panig, si Gobernador-Heneral Primo de
Rivera ay ang kinatawan ng Espanya at si Pedro Paterno naman para sa
Pilipinas. Nilagdaan ang kasunduan noong Disyembre 14, 1897. Ayon sa
kasunduan, magbigay ng 400,000 ang mga Espanyol kung ang pangkat ni
Aguinaldo ay magtutungo sa Hongkong at 200,000 kapag isinuko na ang mga
armas. May karagdagan pang 1,700,000 bilang bayad-pinsala sa mga
ariariang nasira ng digmaan. Ngunit sa kadahilanang kawalang-tiwala ng
magkabilang panig, hindi naisakatuparan ang nasabing kasunduan.

6
Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang mga pangyayaring naganap sa himagsikang


Pilipino, maaari mo na itong gawin sa susunod na pagsubok sa modyul na
ito. Maaari ka nang magsimula.
Gawain 1- Punan Mo!
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ipakita ang mga pangyayaring
naganap sa Sigaw sa Pugad Lawin. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Gawain 2- Isa, Dalawa, Tatlo, Liwanag Ayusin Mo Ako!


Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, pagsunod-sunurin ang mga
pangyayaring naganap sa Kumbensiyon sa Tejeros. Lagyan ng bilang 1-5 ang
mga araw sa ibaba, 1 ang pinakaunang naganap at 5 ang pinakahuli.

Paghalal kay Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor

Pagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

Nahalal na Presidente si Emilio Aguinaldo

Pagpawalang bisa ni Andres Bonifacio ng halalan

Pagtanggi ni Daniel Tirona ky Andres Bonifacio bilang


Direktor ng Interyor

7
Gawain 3 - Saloobin Mo, Ihayag Mo!

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong saloobing tungkol sa nangyari


sa Kumbensyong Tejeros. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Gawain 4: Sino Ako? Ano ang Ginampanan Ko!

Panuto: Ibigay ang ginampanang papel ng mga sumusunod sa Kasunduan


sa Biak-na-Bato. Isulat ang sagot sa linya sa kalakip na sanayang papel.

Emilio Aguinaldo
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____

Fernando Primo de Rivera


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
________________________________________________
____
____________________________________________________

Pedro Paterno
____________________________________________________
____________________________________________________
______________
______________________________________
____________________________________________________

8
Isaisip

Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa mga pangyayaring


naganap sa himagsikang Pilipino. Punan ng salita ang bawat patlang
upang mabuo ang diwa ng pahayag. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.
1. Naganap ang pagpunit ng sedula at Sigaw sa _____________ noong
Agosto 23, 1896 sa bakuran ni ___________na anak ni Melchora Aquino.
2. Ang katipunan ay nahati sa dalawang pangkat ito ay______ at ________.
3. Sa pamunuan ng____________________ ang nagdesisyon na magkaroon
ng bagong pamahalaan ito ay ang _____________________________.
4. Itinatag ni _____________ ang Republika ng _________________.
5. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga naghihimagsik ng mga
Pilipino at Kastila ngunit masasabing hindi ito nagtagumpay dahil sa
__________________ ng magkabilang panig.

Isagawa
Sa lahat ng iyong natutunan sa modyul na ito, alam kong
handang handa ka na at may tiwala sa sarili sa gawaing ito.

Gawain 5- Gawin at Damhin


Sa mga nabasang kasaysayan, isulat sa loob ng bawat puso ang
pangyayaring tumatak sa iyong damdamin at isipan. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
______________________ ______________________
_________________ _________________
___________ ___________

Sigaw sa Pugad Lawin Tejeros Convention

_______________________
_______________________
___________________
____________
_____

Kasunduan sa Biak-na Bato


9
Gawain 6- Malikhaing Panghihikayat

Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan para


sa kapayapaan.

Halimbawa:

“Kapayapaan Hindi Digmaan ang Susi


sa Magandang Kinabukasan” “

Pagkakaisa at Pagtutulungan ng
Sambayan ang Daan tungo sa
Kapayapaan”

Gamitin ang rubriks na nasa ibaba bilang gabay.

Rubriks para sa Paggawa ng Islogan


5 3 1 Puntos

Nilalaman Ito ay Ito ay Ito ay


nagpapakita nagpapakita nagpapakita
nang nang nang hindi
mahusay na digaanong mahusay na
mensahe mahusay na mensahe.
mensahe
Kaugnayan sa May Di- gaanong Kunti lang
Paksa malaking may ang
kaugnayan kaugnayan kaugnayan
sa paksa ang sa paksa ang sa paksa ng
islogan islogan. islogan.
Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda
at malinaw malinaw ang ngunit
pagkakasulat digaanong
ang malinaw
pagkakasulat ang
pagkasulat

10
Tayahin

Galingan mo ang pagsagot! Alam kong kayang-kaya


mo. Sana mataas ang iyong makuhang marka.

Panuto: Basahin at suriing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon
sa inilalarawan nito. Isulat ito sa hanay bago ang bilang. Gawin ito sa
kalakip na sanayang papel.

a. Agosto 19, 1896 f. Kasunduan sa Biak-Na-Bato

b. Pedro Paterno g. Republika ng Biak-Na-Bato

c. Daniel Tirona h. Magdiwang

d. Emilio Aguinaldo i. Gobernador-Heneral Primo de Rivera

e. Magdalo j. Tejeros

k. Disyembre 14, 1897

____1. Siya ang kinatawan ng mga Kastila sa Kasunduan sa Biak-na-


Bato.
____2. Ito ang petsa ng pagtuklas ng mga Kastila ng samahang
katipunan.
____3. Siya ang kinatawan ng Pilipino sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.
____4.Dito naganap ang pagpupulong sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang
na ang layunin ay palakasin ang depensa sa Cavite.
____5. Siya ay nahalal na Pangulo ng Rebolusyonaryo.
____6. Ito ay ang grupong pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo.
____7. Ito ay ang pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyunin ni Andres
Bonifacio.
____8. Siya ang tumutol sa pagkahalal kay Andres Bonifacio bilang Direktor
ng Interyor.
____9. Ito ay ang pamahalaang itinatag ni Emilio Aguinaldo na kilala rin
bilang Konstitusyon ng Biak-na-Bato.
___10. Ito ang kasunduang nilagdaan ni Emilio Aguinaldo para sa
kapayapaan.

11
Karagdagang Gawain

Magaling at natapos mo ang mga pagsasanay sa modyul


na ito. Para magkaroon ka pa ng pagkakataong malinang ang iyong
kasanayan, gawin ang karagdagang gawain sa ibaba.
Ano ang ipinagdiriwang sa bansang Pilipinas tuwing ika-30 ng Nobyembre?
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Almario, Virgilio S. Kumbensiyong Tejeros, Sagisag Kultura (Vol 1) 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/kumbensiyong-tejeros/.
Almario, Virgilio S. Unang Sigaw, Sagisag Kultura (Vol 1) 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/unang-sigaw/.
Antonio, Cánovas del Castillo y Vallejo. “Fernando Primo de Rivera.”
August 10, 2019.
https://en.wikipedia.org/wiki/Fernando_Primo_de_Rivera.
Guia, Jhaypee. “Cry of Pugad Lawin Monument: The Beginning o the
Philippine Revolution.” August 7, 2017.
https://www.vigattintourism.com/tourism/articles /Cry- of- Pugad-
Lawin Monument The Beginning of the Philippine Revolution.
- - - - - - -

Montemayor, Shang. “Tejeros Convention Site.” March 23, 1897.


https://www.pinterest.ph/pin/550142910700499474/visualsearch/?
cr opSource= 6&h=217&w=445&x=14&y=10.
Mortel, Daryl A. Bayanihan 6. Quezon City: Inteligente Publishing Inc.,
2017.
NCCA Official. “Biyak na bato.” June 3,
- -

2015.https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18250500789/play
er /d7f3d6e2 de.
NCCA Official. “0001 -Emilio Aguinaldo.” May 28, 2015.
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18187031611/in/photos
tre am/.
Sevilla, Jose N. “Mga Dakilang Pilipino.” 1922.
https://tl.wikepedia.org/wiki/Pedro_Paterno.
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning


Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like