You are on page 1of 4

Sto. Niño Academy of Bamban, Inc.

Rizal Ave., San Nicolas, Bamban, Tarlac

Elementary Department

Aralin 9: Ang Ating Kultura


Kultura – ito ang kabuoang paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Dalawang Uri ng Kultura:
1. Materyal – pisikal ng bagay na nililikha, ginagamit, at pinapahalagaan.
2. Di-materyal – mga ideya, pananaw, paniniwala, wika, panuntunan, at batas.
Migrasyon – ito ang pagdating at paninirahan ng mga iba’t ibang dayuhan sa ating bansa.
Impluwensiya ng mga Tsino:
 Intermarriage o Pag-aasawa ng magkaibang lahi
o Manila-nilaw ang balat at singkit
Impluwensiya ng mga Espanyol at Amerikano:
 Rehiyon ng Visayas, Zamboanga, at ilang lalawigan sa Luzon – nasalihan ng katangian ng mga
Espanyol.
o Mataas, maputi, matangos ang ilong at manipis ang labi.
 Cavite, Olongapo, at Angeles – nasalihan ng katangian ng mga Amerikano.
 Kristiyanismo – naging relihiyon dahil sa mga Espanyol
 Bisaya – pinakamalaking pangkat ng mga Kristiyano at ikalawa sa pinakamalaking pangkat-
etniko.
 Tagalog – ikalawa sa pinakamalaking pangkat ng mga Kristiyano at pinakamalaking pangkat-
etniko.
 Ilokano – ikatlo sa pinakamalaking etnolingguwistikang pangkat.
Impluwensiya ng mga Arabo:
 Muslim – mga Pilipinong nakatira sa Mindanao, at naimpluwensiyahan ng mga Arabo.
Pangkat-etniko o Pangkat-etnolingguwistiko
 mga taong may sariling wika at kultura o paraan ng pamumuhay.
Luzon Visayas Mindanao
1. Tagalog 1. Cebuano 1. Badjao (Sea Gypsies)
2. Ilokano 2. Boholano 2. T’boli
3. Aeta o Ita 3. Mangahat 3. Yakan o Sama Yakan –
4. Bago 4. Eskaya pinamumunuan ng imam
5. Bontoc 5. Negrense 4. B’laan – nabubuhay sa
6. Ifugao 6. Ilonggo - masayahin pagtatanim
7. Mangyan 7. Hiligaynon 5. Bagobo – sinasamba ang
8. Aklanon mga diwata
8. Tagbanua
9. Waray (Samar at Leyte)
– masinop
10. Ati
(Ayta/Baluga/Negrito) –
mangangaso,
mangingisda
11. Sulod – matatagpuan sa
Panay
12. Eskaya – matatagpuan sa
Bohol.
Kultura ng mga Pangkat ng Pilipino
Tanong: Paano malalaman ang kultura ng iba’t ibang pangkat?
- Makikita ang kultura ng iba’t ibang pangkat ng Pilipino base sa kanilang tradisyon, relihiyon,
kaugalian, kasuotan, tirahan, kagamitan, pangkabuhayan, at paniniwala.

Mga Kaugalian:
1. Paggalang – ilang pangkat sa Luzon
o Magandang umaga/hapon po
o Po at Opo
o Tito/Tita; Kuya/Ate; Lolo/Lola; Manong/Manang

2. Malugod na Pagtanggap sa Bisita


o Pagbibigay ng meryenda o pagkain
o Pagpapadala ng regalo o pabaon bago sila umalis

3. Mabuting Pagtutulungan
o Bayanihan – tawag ng mga tagalog sa espesyal na pagtutulungan sa komunidad.
o Dagyaw – tawag ng mga Cebuano sa kanilang espesyal na pagtutulungan.

4. Pakikiramay
o Pakikipaglamay
o Pagbibigay ng bulaklak at abuloy
o Pagdarasal at pagpunta sa libing
o Pagbibigay donasyon sa mga nasalanta ng bagyo, sunog, lindol, o anumang sakuna.

Mga Pagdiriwang:
1. Undas o Araw ng mga Patay – idinaraos tuwing Nobyembre 1.
2. Bagong Taon – idinaraos tuwing hatinggabing Disyembre 31 hanggang Enero 1.
3. Pasko – idinaraos tuwing Disyembre 25. Katoliko, Protestante, at iba pang Kristiyano. Pagsilang
ni Hesus.
4. Pista (Fiesta) – pinagdiriwang ng mga Katoliko bilang parangal sa kanilang patron.
5. Ramadan – pinagdiriwang ng mga Muslim at ito ay tumatagal ng 30 araw. 6am to 6pm: pagiwas
sa pagkain at kasiyahan.
6. Eid ul-Fitr – pagtatapos ng Ramadan. Ginagawa sa Mosque o Eid gah (Eid Field)
7. Santa Cena at Araw ng Pasasalamat – ipinagdiriwang ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC).
8. Mahal na Araw – dinaraos tuwing Marso o Abril. Katoliko, Protestante, at iba pang Kristiyano.
Nagkakaroon ng senakulo, ito ay isang pagsasadula kung paano naghirap at namatay si Hesus.
Formation: Hindi makakaila na kahit parepareho tayong Pilipino ay meron pa rin tayong
pagkakaiba-iba kagaya ng ating relihiyon, mga pagdiriwang, kultura, kasuotan, tirahan, at mga
gawain. Ngunit kahit meron mang pagkakaiba, laging tandaan na irespeto o igalang ito dahil ginawa
tayo ng Diyos na kawangis niya.
“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya
nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae” (Genesis 1:26–27).”
Paniniwala at Relihiyon
Kristiyano – naniniwala kay Poong Hesukristo bilang Diyos. Katoliko, Protestante at Born Again
Christian.
Animismo – Aeta, Igorot, at Ifugao. Ito ang doktrina na ang buhay ng tao at iba pang bagay na may
buhay ay may kaluluwa.
Iba pang Relihiyon:
o Islam
o Iglesia Ni Cristo
o Jehovah’s Witnesses

Tandaan: Magkaiba man ng relihiyon, karamihan sa atin ay naniniwala sa iisang Diyos. Tayo ay
sumusunod sa utos at itinuro ng ating relihiyon. Naniniwala tayo na ang pagmamahal at paggawa ng
mabuti sa kapwa ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.

Mga Pamanang Pook


1. Simbahan ng San Agustin sa Intramuros, Maynila (NCR)
o Pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.
2. Simbahan ng Paoay, Ilocos Norte (Rehiyon I)
o Kilala rin bilang San Agustin Church. Isa sa mga natitirang baroque churches sa
Pilipinas.
3. Simbahan ng Miag-ao, Iloilo (Rehiyon VI)
o Kilala sa eskulturang relyebeng inukit sa harapang bahagi nito.
4. Ifugao Rice Terraces, Banaue (CAR) o Hagdan-hangdang Palayan ng Banawe
o May sukat na 400 kilometro kuwadrado. Gawa ng mga Ifugao.
5. Puerto Princesa Subterranean River National Park (MIMAROPA)
6. Lungsod ng Vigan, Ilocos Sur (Rehiyon I)

Reference:
o KAYAMANAN (2020): Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan (pp. 208 – 238)
Inihanda ni:

______________________
MR. ERICK P. WAGE
AP Teacher

You might also like