You are on page 1of 6

VI.

Bansa noong Dantaon 19 (1800-1872)


- Pagbukas ng Maynila; Mga Bahay-Kalakalan; Unang Bangko; Monopolyo sa
Tabako

JOSE DE BASCO Y VARGAS


- Governor General ng Pilipinas
- Ayon sa kaniya walang magandang bunga sa ekonomiya ang galleon trade sapagkat
piling opisyal at mga prayle lamang ang nakikinabang rito.
- Isinuhestiyon na sa halip ay pagtuunan ng pamahalaan ang malakihang produksyon ng
mga cash crops para iluwas sa kalakalan.
- Para pondohan ang programang ito ay itinatag niya ang Royal Company of the
Philippines.
- Sa kasamaang palad ay isinawalang bahala ng Espanya ang kaniyang mga suhestiyon.
- MGA NAGAWA NI BASCO:
1. Pinawalang-bisa niya ang pagbabawal sa mga Tsinong mangangalakal na
makilahok sa kalakalan sa Pilipinas
2. Binuksan niya ang Maynila para sa lahat ng uri ng kalakalan, pandaigdigan man
o lokal
3. Ipinatupad niya ang monopolyo ng tabako na isang uri ng “tax farming” kung
saan ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan sa produksyon,
pagbebenta at pagpapatakbo ng monopolyo.

PAGBUBUKAS NG MAYNILA
- Nagsimula sa pagbukas ng daang “Cape of Good Hope” noong 1766
- Pagtatag ng “The Royal Company of the Philippines”
- nilalayon nitong gamitin ang Maynila para makipagkalakalan sa Espanya at iba
pang bansa sa Europa
- Noong Setyembre 6, 1834 binuwag ang “The Royal Company of the Philippines” dahil
sa hindi maayos na pamamahala, pagtutol ng mga prayle at sa kawalan ng interes mula
sa mga mangangalakal sa Maynila
- Bunga nito binuksan ang Maynila at pinahintulutan na makisali sa internasyonal
na kalakalan
- nagsimulang mangalakal ang iba't ibang mangangalakal mula sa mga bansa
tulad ng Briton, Pranses, at Amerikano sa Pilipinas
- Dahil sa pagbubukas ng Maynila at pagdami ng oportunidad ng negosyo, nagbukas din
ang ibang mga daungan sa mga lalawigan ng kanilang mga ruta sa internasyonal
- Suez Canal noong Nobyembre 17, 1869
- pinakamaikling ruta para maglakbay ang Pilipinas sa Espanya sa halip na
dumaan sa Cape
- nakilala ang Pilipinas sa mga produktong pang-agrikultura tulad ng
abaka, tabako, at tubo na iniluluwas nila ang mga ito sa ibang bansa
- BUNGA NG PAGBUBUKAS NG MAYNILA
1. naging daan para sa mga internasyonal na relasyon sa iba’t ibang bansa at sa
pamamagitan nito, naimpluwensyahan ang pamumuhay at pag-iisip ng mga
Pilipino.
2. Napalitan ang in-kind trade ng cash economy; dahil dito nakadepende ang
maraming magsasaka sa pera
3. halos 90 porsiyento ng kabuuang kita sa pag-export ay nagmula sa anim na
pananim na pinatubo ng Pilipinas: asukal, tabako, abaca (abaka) fiber at
cordage, indigo, kape, at bulak.
4. Lumaki ang populasyon ng Maynila dahil sa panloob at panlabas na migrasyon

pacto de retroventa - isang kasuduan sa pagitan ng may-ari ng lupa at nanghihiram kung saan
ibebenta sa kaniya ang isang lupain sa kondisyon na babayaran ito sa parehong halaga sa
itinakdang panahon.
- Pacto de retroventa ay mahirap bayaran at kadalasang nire-renew at dinadagdagan ang
halagang inutang na higit pa sa tamang halaga ng lupa.

MONOPOLYO SA TABAKO
- Noong 1782 ay itinatag ni Gobernador Heneral Jose Basco ang monopolyo ng tabako
alinsunod sa kautusan ni Haring Carlos III
- nangangahulugang tanging ang pamahalaan lamang ang may kontrol sa
produksiyon ng tabako sa buong bansa mula sa pagtatanim hanggang
sa pagbebenta
- Mga piling pook na pagtataniman
- Nueva Ecija, Ilocos, Cagayan Valley, at Marinduque
- Mga alituntunin ng kautusan ni Haring Carlos III
1. pagbabawal ng pagtatanim ng tabako sa mga pook na hindi kasali
2. pagsunod sa takdang kota
3. pagbabawal sa pagpupuslit ng produkto
4. pagbibili ng pamahalaan sa lahat ng ani sa presyong itinakda
5. pag-inspeksyon sa tumutubong tanim
6. pagbubukud-bukod ng produkto ayon sa uri
7. pagyayari sa tabako, sigarilyo at iba pang produkto ng pamahalaan
8. pagbibili ng aning produkto sa iba pang pook na di sakop ng monopolyo
- Mula sa monopolyo ng tabako ay:
- kumita nang malaki ang pamahalaan at mabilis na nakapagpadala ng kita sa
Espanya
- umunlad ang industriya ng tabako at nakilala ang Pilipinas bilang isa sa
pangunahing tagapagluwas nito sa buong mundo
- Ang hawan ng kagubatan para sa tabako ay naging daan para sa iba pang
komersyal na pananim—lalo na ang abaca at asukal—na maitanim at malilinang
- Ang monopolyo ng tabako ay naging puno ng katiwalian ng mga Kastilang opisyal
- tulad ng pag-agaw ng mga lupain mula sa mga magsasaka ng tabako na
nabigong gumawa ng kinakailangang quota ng tabako.
- hindi binayaran ang mga magsasaka ng tamang halaga ng tanim na tabako; sa
halip, wala silang natanggap kundi promissory notes
- Ang monopolyo ay nagdulot ng pagkagutom sapagkat ang mga lupang okupado ng
tabako ay dapat sana’y para sa mga palay at gulay.
- Kaugnay ng mga anomalya sa monopolyo ng tabako ay ipinag-utos ng Hari ang
pagbuwag dito. Noong 1882 ay tuluyan nang nagwakas ang nasabing monoplyo na
siyang nagtagal sa loob ng isang siglo

SEKULARISASYON
- Noong 1770s, isang royal decree ang nag-utos ng sekularisasyon ng mga parokya sa
Pilipinas.
- Nangangahulugan ito ng paglipat ng mga posisyon sa parokya mula sa mga prayle ng
mga relihiyosong orden tungo sa "secular clergy" ng mga diyosesis.
- Dahil sa kakulangan sa secular clergy, mga relihiyosong orden and nangasiwa sa mga
simbaan sa Pilipinas.
- Bagamat nagkaroon ng mga “native clergy” o mga Pilipinong pari ay tahasan pa ring
ipinagkakait sa kanila ang mga simbahan. Umabot pa sa puntong kinukuha mula sa mga
Pilipinong seculars and simbahan para ibigay sa mga Kastilang regular.
- Sa kasagsagan ng alitan noong 19th siglo, umusbong ang kilusang nagtataguyod sa
sekularisasyon.
- Tinawag din itong Pilipinisasyon dahil nadama ng mga sekular na pari na ang posisyon
bilang pinuno ng parokya ay ipinagkakait sa kanila dahil hindi sila mga Espanyol at sa
gayon, mas mababa sa mga regular.
- Fr Jose Burgos, “Manifiesto que a la noble nacion espahola ” (1864),
- ang mga prayle “ay minamaliit ang kakayahan at kaangkupan ng mga Klerigo na
Pilipino upang gawin ang kanilang mga sarili na walang hanggang mga kura sa
mga Isla.”
- Pedro Pablo Pelaez - orihinal na lider ng kilusan
- hinalinhan ni Padre Jose A. Burgos
- Ang iba pang paring sekular na sangkot sa kilusang sekularisasyon na mga mestisong
Espanyol at Tsino, o mga Indio ay kinabibilangan nina Padre Jacinto Zamora, Mariano
Gomez, Toribio del Pilar, Mariano Sevilla, Pedro Dandan, Jose Guevara,
- Sa kasagsagan ng kontrobersya ng sekularisasyon, ang pag-aalsa sa Cavite ay
naganap noong Enero 20, 1872,
- Ang pag-aalsa na ito ay dulot ng pagbawi sa pribilehiyo ng mga manggagawa sa
shipyard na ma-exempt sa sapilitang paggawa at sa pagbabayad ng buwis sa
Gobernador-Heneral de Izquierdo.
- Kasama sa mga nagdakip ay ang mga mestizo at indiong pari at iba pang
sibilyan
- hinatulan ng kamatayan sina Gomez, Burgos, at Zamora.habang ang iba at
ipinatapon sa Guam
- February 17, 1872 pinatay ang tatlong pari sa Bagumbayan
-
Ang kahalagahan ng pagbitay sa tatlong pari ay nagbunsod sa mga Pilipinong nakasaksi sa
pagbitay upang magsimulang mag-isip at madama bilang mga Pilipino,
-

FREE TRADE
Ang dating barter o palitan ng mga kinalakal na gamit ay naging malayang kalakalan na
gumagamit ng salapi.

1834 The Royal Company of the Philippines is abolished. Americans establish two commercial
houses in Manila. A royal decree declares Manila open to international trade.
- Russell, Sturgis & Company
- Peele, Hubbell & Company.
- Ker and Company;
- Smith, Bell and Company;
- Warner, Barnes and Company;

By the end of 1859, there were 15 foreign firms in Manila. Seven of these were British, three
were American, two were French, two were Swiss and one was German

1835 - Thirty-nine merchant houses were already set up in Manila (by French, American, and
British traders).

UNANG BANGKO
- Upang makasabay sa pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas at pangangailangan sa
salapi bilang puhunan ng mga negosyante, sinimulan ang sistema ng pagbabangko sa
bansa.
- ang Obras Pias na itinatag noong 1594 ang siyang gumanap bilang “komersyal na
bangko sa panahon ng kalakalang galyon at kompanyang paseguruhan”
- Pinangalanang Hermanidad dela Misericordia
- pinamahalaan ng confradias o mga samahang panrelihiyon
- Ang Obras Pias ay lumago ngunit nauwi rin sa pagkalugi buhat ng hindi
pagbabayad ng ilang may utang at ng paglubong ng galyon.
- Noong Agosto 1, 1851 ay itinatag sa Pilipinas ang kauna-unahang bangko ng
pamahalaan, ang El Banco Español-Filipino de Isabel II
- ipinangalan kay Reyna Isabel ng Espanya
- kinikilala ngayon bilang Bank of the Philippine Islands
- sampung piso ang unang perang papel na inilabas noong 1851
- ito ay mayroong mukha ni Reyna Isabel II
- Nakasaad na ang kalahati ng kapital ng El Banco Español-Filipino de Isabel II na
400,000 piso ay mula sa obras pias at cajas de comunidad, at ang isa pang kalahati
ay mula sa mga mangangalakal
- ang pinakaunang bangko sa bansa na itinayo noong 1835 ay Rodriguez Bank
- sinundan naman ng Gorricho Bank at Tuazon Bank
- ang unang savings bank sa bansa ay itinatag noong 1882 at pinangalanang Monte de
Peidad y Caja de Ahorros
Bukod pa rito ay nagkaroon din ng sangay sa Pilipinas ang ilang mga dayuhang bangk
1. Explain how the British occupation of the country opened the eyes of the people in
certain regions to the idea of freedom and expulsion of the Spaniards.
2. Why did the economic plans of Governor-General Basco fail?
3. Why were the Spanish authorities in the Philippines opposed to the education of the
Filipinos?
4. Explain how the Filipino middle class arose. Who composed the middle class?
5. Explain how the opening of the Suez Canal affected the educated Filipinos.
6. What was the effect of the migration of liberal Spaniards on the educated Filipinos and
mestizos?
7. How did the Spanish Revolution of 1868 affect the events in the Philippines?
8. What were the reforms of Governor-General Carlos Maria de la Torre that endeared him
to educated Filipinos?
9. Why was liberalism in the Philippines short-lived? Why was a reactionary
governor-general sent to the Philippines?
10. Explain what is meant by secularization. How did this lead to Filipinization?
11. Why do you think the Spanish authorities called the Cavite mutiny a rebellion?
12. Explain the importance of significance of the execution of Fathers Gomez, Burgos, and
Zamora.

You might also like