You are on page 1of 1

“Ama ng Katipunan” kung tawagin si Andrés Bonifacio y de Castro, ipinanganak noong

ika-30 ng Nobyembre sa taong 1863, anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro
ng Tondo, Maynila. Kinikilala rin bilang unang pangulo ng Pilipinas ngunit hindi ito naging
opisyal dahil wala pa sa kamay ng mga Pilipino ang kalayaan noong 1897, taon kung kailan siya
pumanaw. Subalit, hindi maikakailang Malaki ang naitulong ni Bonifacio sa Pilipinas. Siya ang
nagtatag at kalaunan ay naging supremo ng Katipunan, kilusang naglalayon ng kasarinlan ng
Pilipinas.
Siya ay panganay sa limang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco,
Procopio, Troadio, Petrona at Troadio. Mananahi ang kaniyang ama na naglingkod
bílang teniente mayor ng Tondo, Maynila, samantalang ang kaniyang ina ay isang mestisang
ipinanganak mula sa isang Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino,
bílang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang
kapanganakan, si San Andres.
Ngunit hindi naging madali ang buhay para kay Bonifacio, nagtapos siya ng elementarya
sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia sa Cebu at sa edad na 14, pumanaw ang kanyang
mga magulang dahil sa sakit na tuberkolosis. Siya ang naiwan upang mag-alaga ng kanyang mga
kapatid. Kahit salat sa pinag aralan, marunong siyang magbasa at sumulat. Dalubhasa din siya sa
pagsasalita ng salitang Kastila gawa ng kanyang ina na may lahing Kastila. Nakapagtrabaho siya
bilang klerk at ahente.
Mahilig siyang magbasa ng mga aklat tulad na lamang ng aklat nina Jose Rizal at Victor
Hugo. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na pag-ibig
sa Tinubuang lupa. Dahil sa mga nabasa niyang aklat, dito nagsiklab ang kanyang kaluluwa sa
paghihimagsik at tinatag nga niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasan,Kagalang-galang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng
kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga
Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning
pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon,
kooperasyon, at pagbuo sa bansa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó’y pinapalayawan ni
Oriang (Gregoria de Jesus) na ang sagisag “Lakambini,” tagá Kalookan. Sila’y nagkaroon ng
isáng anak na namatay.
Noong nalaman ng pamahalaang Kastila ang tungkol sa Katipunan, daan-daang Pilipino
ang inaresto ang pinaghinalaan at kinulong sa salang pagtataksil. At doon, pinatawag ni
Bonifacio ang mga kasapi ng Katipunan sa Kalookan at pinunit ang kanilang mga Sedula.
Patuloy ang pagpapalakas at pagpapatibay nila sa Katipunan, marami rin silang hinikayat
upang sumapi sakanila. Umalis si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya nguinit ng bumalik
siya sa Montalban, inaresto siya ng mga tauhan ni Aguinaldo subalit nanlaban si Bonifacio at
nasugatan, siya ay nilitis at binitay sa kabundukan ng Maragondon sa Cavite noong ika- 10 ng
Mayo taong 1897.

You might also like