You are on page 1of 34

Andrés Bonifacio

Ang pambansang bayani ng Pilipinas

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30


Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay
isang Pilipinong makabayan at
rebolusyonaryo na makikita sa
sampumpisong barya na isyu ng Bangko
Sentral ng Pilipinas. Binansagan siyang
"Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at
lumaon naging Supremo ng kilusang
Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.[1][2]
Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa
sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng
Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na
kinikilala.[3][4]
Andres Bonifacio

Isang iginuhit na larawan ni Andres Bonifacio.


Binanggit din dito na siya ay hinirang na
"Pangulo" ng Republikang Tagalog ("Titulado
«Presidente» de la República tagala").
(8 Pebrero 1897, La Ilustración Española y
Americana)

Kapanganakan 30 Nobyembre 1863


Tondo, Maynila
Kamatayan 10 Mayo 1897
Maragondon, Cavite
Nasyonalidad Filipino

Ibang pangalan Supremo, Anak Bayan,


Agapito Bagumbayan

Kilala sa Ama ng Himagsikang


Pilipino, Ang Dakilang
Maralita, Nagtatag ng
Kataastasan
Kagalanggalangan
Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK)

Partido La Liga Filipina


Katipunan

Asawa Gregoria De Jesus

Anak Andres Bonifacio y de


Jesús (namatay
noong sanggol pa)
Pirma

Pagkabata at ang kaniyang


Pamilya
Si Andrés Bonifacio y de Castro ay anak
nina Santiago Bonifacio at Catalina de
Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa
limang magkakapatid. Ang kaniyang mga
kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio,
Esperidiona at Maxima. Mananahi ang
kaniyang ama na naglingkod bílang
teniente mayor ng Tondo, Maynila,
samantalang ang kaniyang ina ay isang
mestisang ipinanganak mula sa isang
Kastilang ama at isang inang may
Pilipinong may lahing Tsino, bílang
kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa
kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang
kapanganakan, si San Andres.

Naulila sa magulang nang maaaga sa


edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de hapon.
Nagtrabaho din siya bílang clerk, sales
agent at bodegista (warehouseman).
Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni
Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga
Filipina, sumapi siya kasáma ni Apolinario
Mabini.

Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at


sumulat ng mga bagay na may kabuluhan
lalo na kung ito ay tungkol sa bayan,
karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-
bayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik
laban sa malupit na mananakop na
Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon
ng pamahalaang malaya na naging daan
upang kaniyang maitatag ang Katipunan na
kakatawan sa himagsikan at upang
maging wasto at panatag sa kaniyang
adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892,
matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose
Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang
Katipunan o kilalá rin bílang
"Kataastaasan,Kagalang-galang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim
na kapisanang mapanghimagsik, na 'di
naglaon ay naging sentro ng hukbong
Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni
Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato
Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar),
Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio),
Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa
pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga
(ngayon ay Avenida Claro M. Recto)
malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay
Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si
Andres Bonifacio bílang "Ama ng
Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at
ang kaniyang mga kasamahan sa
Katipunan ay may iisang layunin na marahil
ay siyang naging dahilan upang ang
kanilang pakikidigma ay maging
matagumpay.

Sa Katipunan, "Supremo" ang kaniyang


titulo at di naglaon nang itinatag niya ang
Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag
siyang "Pangulo ng Haring Bayang
Katagalugan". Dito rin niya nakilala si
Gregoria de Jesus na tinawag niyang
Lakambini. Noong 23 Agosto 1896, sa
maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y
Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa
Balintawak ay tinipon nya ang mga
Katipunero at isaisa'y pinunit ang kanilang
mga sedula.

Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang


naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan
ng mga Katipunerong Magdalo na ang
lumahok ay mula sa Cavite lámang.
Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio
Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at
ang Supremo ay naihalal sa mabábang
posisyong Tagapangasiwa ng Panloob
(Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay
mga may kayang tao sa hilagang-
kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang
mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres
Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa
hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay
pinamumunuan ng isang mahirap na
kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila
ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng
mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na
usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio
na gawin ang tungkulin ng isang
Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa
kanila ay gawain lámang ng isang
abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara
ng Supremo, bílang pangulo ng Katipunan,
na walang bisa ang naganap na eleksiyon
dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga
Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio
ng sedisyon at pagtataksil ng mga
Magdalo. Habang hindi pa siya naka-aalis
ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni
Aguinaldo sa kaniyang mga tauhan. Iniutos
kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa
isang selyadong sobre kay Lazaro
Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay
Bonifacio kasáma ang kaniyang kapatid na
laláking si Procopio Bonifacio noong 10
Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong
(o Bundok Buntis).
Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng
Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés
Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang
grupo ng mga opisyal ng pamahalaan,
mga dáting rebelde at isang laláking
nagpakilala bílang dáting kasambahay ni
Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga
buto sa isang taniman ng kawáyan noong
17 Marso 1918. Inilagay ang mga labí sa
hulíng pamamahala ng Pambansang
Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa
Lumang Gusaling Batasan (ang
kasalukuyang Pambansang Museo ng
Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna
noong panahon ng Labanan sa Maynila ng
1945.
Katipunan
Noong 7 Hulyo 1892, isang araw
pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay
Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang
Katipunan, o kapag binuo ay
Kataastaasang Kagalanggalangang[5]
Katipunan ng mga Anak ng Bayan.[6] Ang
lihim na samahan ay naglalayon ng
kasarinlan mula sa Espanya sa
pamamagitan ng armadong
himagsikan.[7][8]

Sa loob ng lipunan, nabuo ang


pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na
naglingkod bílang kaniyang tagapayo at
katiwala, at bílang kasapi rin ng
Kataastaasang Lupon. Ginamit ni
Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bílang
opisyal na panturo sa samahan bílang
kapalit ng kaniyang dekalogo, na ayon sa
kaniya ay mabábà kung ihahambing sa
gawa ni Jacinto.

Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang


nagbigay ng hinala sa mga Kastila. Noong
unang bahagi ng 1896, ang mga
intelehensiyang Kastila ay alam na
pagkakatatag ng lihim na samahán, at ang
mga pinaghihinalaang mga kasapi ay
minatyagan at pinag-aaresto. Noong 3
Mayo, nagsagawa ng pangkahatalang
asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa
Pasig, kung saan pinagdebatehan nila kung
kailan magsisimula ang paghihimagsik.
Habang nais ni Bonifacio na magsimula
ang pag-aalsa sa lalong madaling
panahon, nagpahayag ng pagpapasubali si
Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa
kawalan ng mga armas. Ang
napagkasunduan ay sumangguni muna kay
José Rizal sa Dapitan bago pasimulan ang
kanilang mga kilos, kayâ pinadala ni
Bonifacio si Pio Valenzuela kay Rizal, na
salungat sa hindi pa handang pag-aaklas
at nagpayong magdagdag pa ng
paghahanda.[9]
Himagsikang Pilipino

Simula ng pag-aaklas

Natiyak ng pamahalaang Kastila ang


pagkakaroon ng Katipunan noong 19
Agosto 1896. Daan-daang mga
pinaghihinalaang Pilipino, ang dinakip at
ikinulong sa salang pagtataksil.[10] Paalis
na noon si José Rizal patungong Cuba
upang maglingkod bílang manggagamot
sa sandatahan ng kolonya ng Espanya
bílang kapalit ng pagpapalaya sa kaniya sa
Dapitan.[11][12] Nang kumalat ang balita,
unang sinubukan ni Bonifacio na
kumbinsihin si Rizal, na nakakulong sa
barkong patungo sa Look ng Maynila, na
tumakas at sumali sa napipintong pag-
aaklas. Nagpanggap sina Bonifacio, Emilio
Jacinto at Guillermo Masangkay bílang
mga marino at nagtungo sa daungan kung
saan dadaong ang barkong sinasakyan ni
Rizal. Personal na nakita ni Jacinto si
Rizal, na tumanggi sa kanilang mungkahing
pagpapatakas.[13] Rizal himself was later
arrested, tried and executed.[11]

Upang maiwasan ang matinding


paghahanap, ipinatawag ni Bonifacio ang
libu-libong kasapi ng Katipunan sa
Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang
pag-aaklas. Ang kaganapan, na
minarkahan ng pagpunit ng mga sedula ay
lumaong tinawag na "Sigaw ng Pugad
Lawin"; ang tiyak na pook at petsa ng
pinagdausan ng pangyayari ay
pinagtataluhan.[14][15] Ang Kataastaasang
Lupon ng Katipunan ay naghayag ng
malawakang himagsikang laban sa
Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na
pagsugod sa kabiserang Maynila noong 29
Agosto.

Mga kontrobersiya sa
kasaysayan
Ang kasaysayan ni Bonifacio ay
kinapapalooban ng maraming mga
kontrobersiya. Ang kaniyang pagkamatay
ay salitang tinitignan bílang isang paghatol
sa salang pagtataksil sa bayan at isang
"legal na pagpaslang" na bunga ng politika.
Marami ang naniniwalang ang kanyang
pagkamatay ay naayon na rin sa
kagustuhan ng Pangulong Emilio
Aguinaldo upang mapanatiling ang
pagkakaisa ng pamahalaan at ito rin ay
ayon na rin sa assesment ng kanyang mga
taga payo.

Paglitis at pagbitay

Kinondena ng mga dalubhasa sa


kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na
Bonifacio bílang hindi makatarungan.
Binubuo ang hukom ng halos mga kaanib
ni Aguinaldo; Ang abogado ni Bonifacio ay
tila naging tagausig niya rin dahil inihayag
din niya ang pagiging may salà ni Bonifacio
kaysa sa umapela para sa higit na
mabábang parusa; hindi rin pinayagan si
Bonifacio na harapin ang mga púnong
saksi para sa mga kasong
pakikipagsabwatan sa kadahilanang
napaslang na ang mga ito sa mga labanán,
subalit lumaon ay nakita ang mga saksi
kasáma ang mga tagausig.[16][17] Isinulat ni
Teodoro Agoncillo na isang malaking
hadlang si Bonifacio sa pagpapahayag ng
kapangyarihang sumasalungat kay
Aguinaldo sa himagsikan, dahil hinahati
nito ang lakas ng mga rebelde na
maaaring magdulot ng tiyak na pagkatalo
sa kanilang kalabang mga Kastila.[18]

Sa kabaligtaran, isinulat ni Renato


Constantino na hindi hadlang si Bonifacio
sa himagsikan sa pangkalahatan dahil nais
pa rin niyang labánan ang mga Kastila, at
hindi rin hadlang sa himagsikan sa Kabite
dahil siya ay aalis na; subalit tiyak na
hadlang si Bonifacio sa mga pinuno sa
Kabite na nais makuha ang pamamahala
ng himagsikan, kaya siya pinatay.

Si Bonifacio bílang Unang Pangulo ng


Pilipinas
Andrés Bonifacio y de Castro

Isang pagguhit sa larawan ni "Presidente"


Bonifacio na iginaya sa naunang litrato
(8 Pebrero 1897, La Ilustración Española y
Americana)

Pangulo ng Pilipinas
(Hindi Opisyal)
Republikang Tagalog

Nasa puwesto
24 Agosto 1896 – Ika-10 o 22 Marso 1897
Pangalawang Gregoria de Jesús
Pangulo (Unofficial)

Nakaraang sinundan Itinatag ang posisyon

Sinundan ni Emilio Aguinaldo y


Famy

Pansariling detalye

Ipinanganak 30 Nobyembre 1863


Tondo, Maynila,
Pilipinas

Namatay 10 Mayo 1897


(edad 33)
Maragondon, Cavite,
Pilipinas

Himlayan Nawawala

Partidong La Liga Filipina


pampolitika Katipunan
Asawa Monica
Gregoria de Jesús

Propesyon Rebolusyonaryo

May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan


tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel
Encarnación, at Ramón Villegas ang
nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang
unang Pangulo ng Pilipinas kaysa kay
Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang
pangulo. Ang paniniwalang ito ay
nakabatay sa posisyon nitong Supremo sa
pamahalaang himagsikan ng Katipunan
mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay
nagbibigay diin na si Bonifacio ang
nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan
ng Katipunan bago pa nakabuo ng
pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa
pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros.
Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto
si Bonifacio na bansang Pilipinas na
tinawag na Haring Bayang Katagalugan, na
pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong
Filipinas.[3][4][19][20]

Si Bonifacio bílang pambansang


bayani

Pangkalahatang tinuturing si José Rizal


bílang Pambansang bayani, subalit
iminumungkahi si Bonifacio bílang higit na
karapat-dapat na kandidato bílang
pambansang bayani dahil siya ang
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.
Napansin ni Teodoro Agoncillo na ang
pambansang bayani ng Pilipinas, hindi
gaya ng sa ibang bansa, ay hindi ang
"pinúnò ng puwersa ng liberasyon".[21]
Isinulat ni Renato Constantino na si Rizal
ay "bayaning itinaguyod ng Estados
Unidos" na itinaguyod bílang
pinakadakilang bayaning Pilipino noong
panahon ng pananakop ng mga Amerikano
sa Pilipinas - pagkatapos matalo si
Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-
Amerikano. Itinaguyod ng Estados Unidos
si Rizal, na piniling ang mapayapang
pamamaraan, kaysa sa mga radikal na tao
na ang mga ideya ay maaaring pumukaw
na lumaban sa pamumunong
Amerikano.[22]

Mga buto ni Bonifacio


Noong 1918, ang pamahalaang ginawa ng
Amerika sa Pilipinas ay nagpasimula ng
paghahanap sa mga labi ni Bonifacio sa
Maragondon. Isang pangkat ng mga
pinúnò ng pamahalaan, mga dating
rebelde, at isang kinilalang tagapaglingkod
ni Bonifacio ang nakahanap ng mga buto
na sinasabi nilang mula kay Bonifacio sa
isang tubuhan noong 17 Marso. Inilagay
nila ang mga buto sa isang urna at ibinigay
sa pangangalaga ng Pambansang Aklatan
ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, sinakop ng mga Hapón ang
Pilipinas. Ang mga buto ay nawala dahil sa
malawakang pagkasira at nakawan noong
Digmaan ng Maynila noong Pebrero
1945.[23][24][25]

Mga sanggunian
1. Agoncillo 1996, p. 41
2. Agoncillo 1990.
3. Guerrero 1998, pp. 166–167.
4. Guerrero 1996a, pp. 3–12.
5. Or: Kataastaasan(g) Kagalanggalangang...
6. Guerrero 1998, p. 132.
7. Constantino 1975, pp. 158–159
8. Agoncillo 1990, p. 149
9. Guerrero 1998, pp. 160–164.
10. Constantino 1975, p. 176.
11. Constantino 1975, p. 177
12. Guerrero 1998, pp. 143,164.
13. Borromeo-Buehler 1998, pp. 29–30.
14. Borromeo-Buehler 1998
15. Guerrero 1996b, pp. 13–22
16. Constantino 1975, pp. 190–191
17. Villanueva 1989, pp. 60,64.
18. Agoncillo 1990, pp. 180–181.
19. Cristobal 2005.
20. "La Ilustración Española y Americana", Año
1897, Vol. I. (http://www.museooriental.es/
ver_didactica.asp?clave=138&loc=0)
Museo Oriental de Valladolid Site.
21. Agoncillo 1990, p. 160
22. Constantino 1980, pp. 125–145.
23. Ocampo 2001.
24. Morallos 1998.
25. "Philippine Revolution." (http://philippine-re
volution.110mb.com/bonifacio_detailed.ht
m) Naka-arkibo (https://web.archive.org/w
eb/20090723230649/http://philippine-revo
lution.110mb.com/bonifacio_detailed.ht
m) 2009-07-23 sa Wayback Machine.
Retrieved on 1 Agosto 2009.

Mga kawing panlabas


Mga Dakilang Pilipino, ni Jose N. Sevilla
sa Project Gutenberg (http://www.gutenb
erg.org/files/17786/17786-h/17786-h.ht
m#Page_101)
Andres Bonifacio Lodge No. 199 (http://
www.abl199.org/) Naka-arkibo (https://
web.archive.org/web/20120227065508/
http://www.abl199.org/) 2012-02-27 sa
Wayback Machine.
Ang Rebolusyonaryong si Andres
Bonifacio (https://mgabayani.ph/ang-reb
olusyonaryong-si-andres-bonifacio/)
Naka-arkibo (https://web.archive.org/we
b/20190627055015/https://mgabayani.
ph/ang-rebolusyonaryong-si-andres-boni
facio/) 2019-06-27 sa Wayback
Machine.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Andrés_Bonifacio&oldid=2047150"

Huling pagbabago: 05:17, 7 Oktubre 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like