You are on page 1of 3

Ang Buhay ni Andres Bonifacio

(Nobyembre 30, 1863 – May 10, 1897)

Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1862 ang kanyang mga magulang ay sina
Santiago at Catalina de Castro sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang una niyang paaralan o kung
saan siya unang nag-aral ay sa Guillermo Osmeña ng Cebu at naulila siya sa edad na 14 at doon nahinto
na siyang mag-aral.

Siya ang nagsilbi o nagsindi ng mitsa ng paghihimagsik, Sa Katipunan, "Supremo" ang kaniyang
titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng
Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini.
Noong 23 Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod
Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa-isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.

Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni
Andres Bonifacio at ng iba pa ang KKK, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan. Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa
pamamagitan ng armadong himagsikan. Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio
Jacinto, na naglingkod bilang kaniyang tagapayo at katiwala, at bilang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon.
Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bilang opisyal na panturo sa samahan bilang kapalit niya, na
ayon sa kaniya ay mababa kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.

Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang nagbigay ng hinala sa mga Kastila. Noong unang
bahagi ng 1896, ang mga intelehensiyang Kastila ay alam na pagkakatatag ng lihim na samahan, at ang
mga pinaghihinalaang mga kasapi ay minatyagan at pinag-aaresto. Noong ika-3 ng Mayo, nagsagawa ng
pangkahatalang asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa Pasig, kung saan pinagdebatehan nila kung
kailan magsisimula ang paghihimagsik. Habang nais ni Bonifacio na magsimula ang pag-aalsa sa lalong
madaling panahon, nagpahayag ng pagpapasubali si Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa kawalan ng mga
armas. Ang napagkasunduan ay sumangguni muna kay José Rizal sa Dapitan bago pasimulan ang
kanilang mga kilos, kaya pinadala ni Bonifacio si Pio Valenzuela kay Rizal, na salungat sa hindi pa
handang pag-aaklas at nagpayong magdagdag pa ng paghahanda.
Natiyak ng pamahalaang Kastila ang pagkakaroon ng Katipunan noong 19 Agosto 1896. Daan-
daang mga pinaghihinalaang Pilipino, ang dinakip at ikinulong sa salang pagtataksil. Paalis na noon si
José Rizal patungong Cuba upang maglingkod bílang manggagamot sa sandatahan ng kolonya ng
Espanya bílang kapalit ng pagpapalaya sa kaniya sa Dapitan. Nang kumalat ang balita, unang sinubukan
ni Bonifacio na kumbinsihin si Rizal, na nakakulong sa barkong patungo sa Look ng Maynila, na tumakas
at sumali sa napipintong pag-aaklas. Nagpanggap sina Bonifacio, Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay
bílang mga marino at nagtungo sa daungan kung saan dadaong ang barkong sinasakyan ni Rizal.
Personal na nakita ni Jacinto si Rizal, na tumanggi sa kanilang mungkahing pagpapatakas. Upang
maiwasan ang matinding paghahanap, ipinatawag ni Bonifacio ang libu-libong kasapi ng Katipunan sa
Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang pag-aaklas. Ang kaganapan, na minarkahan ng pagpunit ng
mga sedula ay lumaong tinawag na "Sigaw ng Pugad Lawin"; ang tiyak na pook at petsa ng pinagdausan
ng pangyayari ay pinagtataluhan. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng malawakang
himagsikang laban sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsugod sa kabiserang Maynila noong
ika-29 ng Agosto.

Nagkaroon ng eleksyon at si Emilio Aguinaldo ang nanalong presidente si Mariano Trias naman
ang naluklok bilang Bise-Presidente at si Andres ang nahalal bilang pagka-sekritaryo, nadismaya si
Andres kaya’t ginamit niya ang kanyang pagka-supremo para mawalang bias ang nangyaring eleksyon.
Lumipat siya sa Naic Cavite at nagsimulang magtayo ng sarili niyang gobyerno. Pagkaraa’y pinadakip ni
Emilio Aguinaldo si Bonifacio at nilitis sa kasong ayaw kilalanin ang bagong gobyerno, at siya ay
nahatulan ng kamatayan, siya ay pinaslang sa bundok ng Mragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.
Ang Buhay ng Isang Bayani

ANDRES BONIFACIO
(Nobyembre 30, 1863 – May 10, 1897)

Ipinasa ni:

Nur-Hussin Cuario Ibba II

Grade 6 - Roman

You might also like