You are on page 1of 18

Book Review

Kasaysayan: Kalinangan,
Diwa at Kabuluhan

Ang Pamayanang Proto-Pilipino at ang kanilang mga naging


Tugon sa Hamon ng Kolonisasyon
Ang Ambag ng Bayan sa Paglinang ng Kasaysayang Pambansa
Nabuo ang kilusang Propaganda na pinamahalaan nina Rizal at del Pilar,
pinanatili nila ang La Solidaridad ngunit nawala ang pondo ditto kaya itoy natigil. Sa
pagbalik ni Rizal naitatag ang samahang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjunco
sa Calle Raja Matanda, Tondo, Maynila noong ika-3 ng Hulyo 1892. Ninanais ni Rizal
na maisakatuparan ang inaasam na reporma, at mapahalagahan ang edukasyon. Ang
mga layunin ng La Liga Filipina ay mapagbuklod ang kapuluan sa ilalim ng isang
malakas at nagkakaisang lipunan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa
kaguluhan at kawalan ng hustisya, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at
industriya, at pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma at kagalingan pambansa.
Nagkaroon ng malalim na ugnayan ang La Liga Filipina sa KKK o Kataastaasang,
Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Si Rizal ang naging
inspirasyon ng samahan at tagapatnubay.
Ang Katipunan ay itinatag noong Hulyo 7, 1892, gumamit ng mga ritwal at
simbolo sa pagtanggap ng mga kasapi. Bilang isang kilusang bayan, masasabing
tumubo, lumago at tinangkilik ng taong bayan. Ayon kay Ileto, ang katipunan ay
maituturing na isang pinagsanib na samahang pangrelihiyon at pampulitika. Ang mithiin
nito ay gisingin ang mga Pilipino mula sa pagkakalugmok sa pang aabuso ng mga
Espanyol. Naging isang malaking hakbang ito sa pagbangon ng lupang sinilangan.

Sa pagkakaluklok kay Andres Bonifacio bilang supremo ng katas-taasang


Konseho ng Katipunan, nagpanibagong bihis at pinag ibayo ang lakas ng samahan.
Mayroong humigit kumulang na 300 kasapi, hanggang sa naging 30,000 na kasapi.
Maituturing na isang makinarya ng dekolonisasyon ang mga katipunero.
Ang Himagsikang Bayan ng 1896. Sa pagkakatuklas ng Katipunan noong 19
Agosto 1896, hindi na napigilan ang tuluyang pagsisimula ng rebolusyon laban sa
Espanya. Sa mga sumunod na araw, naghanda ang mga katipunero upang
isakatuparan ang mga plano ng pakikipaglaban. Noong 22 Agosto 1896, nagpatawag si
Bonifacio ng pulong sa Kangkong, Balintawak, dalawang araw ang makalipas, sa 24
Agosto. Sa pulong na ito ng mga pinuno ng mga Sangguniang Bayan, pinagdesisyunan
ang mga taktika ng paghihimagsik. Napagkasunduan din na sasalakayin ng Katipunan
ang Maynila, sentro ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas, sa 29 ng Agosto, araw ng
Sabado. Sa kabilang dako, nagsagawa ang mga Espanyol ng malawakang pagdakip sa
mga Pilipinong pinaghinalaang miyembro ng Katipunan. Ang buong Maynila at mga
karatig nitong pook ay nabalot sa pangamba ng pag-aaresto. Lumikas palayo sa
Maynila sa Balintawak at Kalookan. Magkahalong takot at galit ang nadama ng
maraming katipunerong nagsilikas tungong Balintawak. Sa gitna ng malakas na ulan,
labis na pagod at kakapusan sa pagkain, daan-daang mga Pilipino ang tumawid sa
masukal na gubat ng Balintawak upang makaiwas sa pag-aresto ng mga guardia civil at
veterana. Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na Unang Sigaw. Ayon sa opisyal
na panandang pangkasayayan, naganap ito noong 23 Agosto 1896 sa Pugad Lawin sa
dating Kalookan na ngayoy Lungsod Quezon, sa bakuran ng bahay ni Juan Ramos,
anak ni Melchora Aquino (TandangSora). Pinunit ng mga katipunero ang kanilang mga

sedula, simbolo ng kanilang pagtatakwil sa pamahalaang Espanyol. Ang salaysay na ito


ay batay sa gunita ng katipunerong si Dr. Pio Valenzuela. Ngunit iba-iba ang salaysay
ng mga katipunero at ibang saksi tungkol sa petsa at lugar ng unang sigaw. May
nagsabing naganap ito sa Balintawak at hindi sa Pugad Lawin, na ang petsa ng
pangyayari ay hindi 23 Agosto kundi 24 Agosto, 25 Agosto at 26 Agosto 1896. Iba rin
ang mga alaala ng naging pagsasagawa sa kaganapang ito. Ang kadalasang
binibigyang diin ay ang pagpunit ng mga sedula. Ngunit kasinghalaga ang
pinagkasunduan sa pulong ng mga sanggunian ng Katipunan noong huling linggo ng
Agosto. Dito ipinagtibay ang posisyon ni Bonifacio bilang Kataastaasang Pangulo, ang
pagtanggi ng mga Pilipino sa pangingibabaw ng Espanya, at ang paghihimagsik para
sa kalayaan ng bayang Pilipino. Ito ang kahalagahan ng unang sigaw; ito ang
kahalagahan ng Agosto 1896 sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nang sumiklab ang himagsikan si Emilio Aguinaldo ay alcalde ng Kawit. Kagaya
ni Bonifacio nanguna rin siya sa pag-aalsa sa ibat ibang parte ng Cavite. Nagtamo ng
maraming panalo si Aguinaldo sa kanyang pakikipaglaban kaya ang kanyang
popularidad ay umangat. Samantala, si Andres Bonifacio ay nagtamo naman ng
sunudsunod na pagkatalo sa pakikipaglaban, bagay na nagpababa sa kanyang
popularidad. Sanhi ng pangyayaring ito, hindi naiwasan ang pagkakaroon ng mga
alinlangan, salungatan, at tunggalian sa pamunuan ng Katipunan. Ito ay nagbunga ng
pagkakaroon ng dalawang pangkat at liderato sa samahan.
Ang Katipunan ay nagkaroon ng dalawang magkaribal na konseho sa Cavite:
ang Magdiwang na pinamunuan ng tiyo sa asawa ni Bonifacio na si Mariano Alvarez at

ang Magdalo na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Emilio Aguinaldo. May


mga indikasyon na sa simula pa lamang ay mayroon ng balak ang Magdalo na
magtatag ng bagong pamunuan at gobyerno na papalit sa Katipunan. Ito ay makikita sa
dalawang manipesto na inilabas ni Emilio Aguinaldo noong Oktubre 31, 1896 na
nagpapahayag sa layunin ng rebolusyon na maging malaya ang Pilipinas at
naghihikayat sa lahat ng mga Pilipino na sundin ang halimbawa ng mga taga-Europa at
Amerika sa pakikipaglaban tungo sa kalayaan. Upang tapusin na ang alitan sa
pamunuan, nagkaroon ng pagpupulong sa Imus, Cavite noong Disyembre 31, 1896.
Walang nakapagbigay ng solusyon, bagkus ay pinag-usapan kung nararapat pa bang
pamunuan ng Katipunan ang rebolusyon o palitan na ito ng bagong rebolusyunaryong
gobyerno.
Noong Enero 23, 1899, sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang ay
pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang bantog na Republika ng Malolos. Ito ay
kinilala ring Unang Republika sa Asya. Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi
kinilala ng Amerika at iba pang banyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng
Pamahalaang Pilipino, at para sa mga Pilipino. Itoy ipinagmamalaki ng karaniwang
Pilipino. Ang kapangyarihan nito ay kinilala hindi lamang sa Luzon, kundi sa Visayas,
Mindanao at Palawan.
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos
patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.
Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa
Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang
lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong

sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na


bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil
sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa. Ang kakulangan ng mga sandata
ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa
mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang
gerilya. Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga
Amerikano noong 31 Marso 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang
pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang
pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa
pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga
labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa
bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan,
na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap. Nadakip si
Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga
kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan. Ngunit nagpatuloy pa rin ang
mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong
1913.

Ang Sambayanan at ang Proseso ng Amerikanisasyon: Tungo sa


Pagpapanibagong Bihis ng Bansa
Ang Pamahalaang Sibil: Panimulang Pagbabalangkas sa Pagpapanibagong Bihis
ng Lipunan
Dalawang buwan matapos ideklara ni Heneral Aguinaldo ang kasarinlan ng mga
Pilipino, itinatag ang Pamahalaang Militar ng Amerika sa Pilipinas. Itinatag ito noong
Agosto 14, 1898 kasabay ng pagpasok ng pwersang Amerkano sa Intramuros at ang
pagsuko ng mga nalalabing pwersang kastila. Upang mapaniwala ang mga Pilipino na
mabuti at maganda ang hangarin nila sa ating bansa, sila mismo ang naging guro ng
ating lahi, pagtatalaga ng Schurman Commission at Taft Commission. Pagkadakip kay
Heneral Emilio Aguinaldo noong Marso 1901, ipinatupad ang Pamahalaang Sibil sa
kautusan ni Pangulong McKinley at kanya namang itinalaga si William Howard Taft
bilang unang gobernador-sibil ng Amerika sa Pilipinas. Naniniwala sila na sa
pagpapatupad ng pamahalaang ito makakabuti ito para sa dalawang panig. Karaniwang
polisiya na kanilang pinatupad ay nakatuon sa Edukasyon. Ginabayan nila ang
pagtatatag ng mga pamahalaang lokal, kwalipikasyon sa pagboto at mahalal sa lokal na
posisyon. Batay sa mga kinakailangang katangian, mas pinapaboran nito ang mga may
kakayahan sa kanilang buhay. Ipinanukala ni Taft ang pagkakaroon ng isang polisiya na
sasaklaw sa pamamahala sa Pilipinas. Ang Asemblea ng Pilipinas at Batas Jones ay
naging saklaw ng mga Amerkano.Pinagtibay ng mga samahang pambayan ang
pagsulong sa tunay na kalayaan ng sambayanan mula sa mga mananakop.

Ang Bayan sa Panahon ng Sigwa: Tungo sa Pagpapaibayong


Lakas ng Bansa
Panahon ng Pananakop ng Bansang Hapon
Sinakop ng mga Hapones ang Maynila noong Enero 2, 1942. Bumagsak ang
Bataan noong Abril 9 at ang Corregidor noong Mayo 6. Tuluyang nasakop ng mga
Hapones ang buong bansa. Nang lubusang masakop ng mga Hapones ang Pilipinas,
ang kalayaang dating tinatamasa ng mga Pilipino ay nawala. Ipinagbawal ng mga
Hapones ang pagtitipun-tipon ng mga tao nang walang pahintulot. Ang mga aklat,
pahayagan, talumpati, palabras sa tanghalan, serbisyong panrelihiyon, at iba pa.
Ipinagbawal ang mga partidong pulitikal. Nagkaroon din ng maraming pagbabago sa
pamahalaan. Namuhay sa takot ang mga Pilipino nang masakop ng mga Hapones ang
buong bansa. Naging laganap ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga
Pilipino. Nagkaroon ng pagsosona sa maraming lugar. Sa pagsosona, ang mga lalaking
napagbintangang gerilya sa isang bayan o pook ay ikinukulong sa mga gusali o
simbahan. Ikinukulong sila ng mga ilang araw ng walang pagkain o tubig hanggang ang
isa sa kanila ay umamin ng pakikiisa laban sa mga Hapones. Kung minsan naman sila
ay pinapahirapan at pinapatay nang maramihan, may kasalanan man o wala, umamin
man o hindi. Kadalasan ang isang mamamayang ipinilit sa isang sona ay hindi na
nakakabalik sa saariling tahanan. Nagkaroon din ng maraming nakawan sa ibat-ibang
dako. Kinukuha ng mga hapones ang mga bigas, mga pagkain at ang mga

kasangkapan. Ang mga babae ay pinagsasamantalahan. Naging magulo ang


pamumuhay ng tao. Nawala ang katahimikan at kaayusan sa kapaligiran. Naghirap ang
maraming Pilipino. Maraming nagutom at nagkasakit dahil sa kakulangan ng gamot at
pagkain. Sa ilang distrito sa Maynila at sa ilang mga bayan ay nagkaroon ng bahayaliwan. Dahil dito natuto ang mga Pilipino sa masasamang bisyo. Nakapagpababa ito
ng kalagayang moral ng bansa.
Dulot ng magulong kalagayan, laging balisa ang mga mamamayan. Nagpalipat
lipat ng tirahan ang mga tao upang maiwasan ang mga hapones. Nakitira sila sa mga
kamag-anak o kaibigan sa malalayong lugar. Mayroon ding tumira sa mgabundok, ang
kanilang mga kinakain ay ang mga halaman na nasa paligid ang iba naman ay
nagtatanim ng halamang makakain.
Kinatatakutan din noong panahon ang mga espiya. Makapili ang tawag sa mga
ito. Mahirap makilala ang mga espiya o makapili sapagkat nakikihalubilo sila sa mga
tao. Naging mapanganib din ang mga gerilya. Pinapatay nila ang sinumang
mapaghihinalaang nakikipag ugnayan sa mga hapones.
Naabala ang mga industriya at pangangalakal ng bansa. Napabayaan ang
pagsasaka na naging dahilan ng pagkakaroon ng kakapusan sa pagkain. Pinakielaman
ng mga hapones ang pag-aangkat ng mga produkto. Dahil sa kahirapan, dumami ang
mga magnanakaw. Walang nagawa ang mga alagad ng batas sa mga gawaing ito.
Mataas ang halaga ng bilihin, walang halaga ang pera.

Ikatlong Republika
Isang di-malilimutang araw para sa mga Pilipino ang Hulyo 4, 1946.
Pinasinayaan sa araw na ito ang Republika ng Pilipinas. Dito sinilang ang bagong
kabanata sa buhay at kasaysayan ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi maitatago ang
kahirapang makikita sa kapaligiran. Malaking pinsala ang idinulot ng katatapos na
digmaan. At ang pinsalang ito ay kinakailangan harapin ng matatag, kaya isang
malaking hamon ng pakikipaglaban ang pagsasaayos ng mga imprastraktura, mga
taniman, mga panghanapbuhay at marami pang iba. Pakikipaglaban sa kahirapan sa
pamumuhay ang magiging malaking suliranin.
Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang
unang pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa
sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang mataas na komisyoner
ng Estados Unidos. Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang kondisyon
upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang
Pilipinas mula sa Estados Unidos, ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa
sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar
ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa
mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967). Pinatawad ng
administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na
krimen. Namatay si Roxas dahil sa atake sa puso attubercolosis noong Abril 1948, at
humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente.

Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P. Laurel at


nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay
naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyang Hukbalahap ("Huks") na naging
kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa
mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. Ang Kalihim ng
Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang
matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta
ng pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga
Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko
ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954. Suportado ng Estados Unidos,
nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya sa mga
tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa
lupa sa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa
Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit
nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensyong pangrelihiyon. Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang kanyang
pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng
kalungkutan sa maraming mga Pilipino. Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng
pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong
termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino
Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng
bansa. Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga

Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang


administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsyon sa mga sumunod na taon. Nahalal si
Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang
banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga
bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia. Ang pakikipagnegosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay
nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano. Binago niya ang Araw ng
Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na
idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.
Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy
sa pagtaas ang halaga ng bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang
mababang halaga ng bigas at mais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na
ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang
sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi
nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at
kasamaang ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang
tanggapan. Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan
ang lumigalig sa kanyang pangasiwaan. Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal
ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing
upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na
nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa
reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong
1965, napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa


pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at
samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang
Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensyon at naging
opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo. Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos
ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksyon ng buwis na nakatulong sa pagunlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong pangekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng
kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na
pangulo at mas maraming mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.
Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging unang pangulo ng
malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.
Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para
maisakatuparan ang kanyang mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin
sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan. Dumami ang
krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas
ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic
Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng
Partido Liberal kung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong
Agosto 21, 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus, na
ibinalik niya noong Enero 11, 1972 matapos ang mga protesta ng publiko. Dahil sa
kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni
Marcos ang batas militar noong Setyembre 21, 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg.

1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng


mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at
iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante,
kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr.,
Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno. Ang deklarasyon ng batas militar ay
tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.
Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew. Maraming
mga kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng bansa.
Isang konstitusyonal na kumbensyon, na itinatag noong 1970 upang palitan
angSaligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas
matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon
noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sapampanguluhan na naging
parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos
ang 1973. Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong
Lipunan na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampulitika. Lumakas ang
ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at
pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong piso
noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan
sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang
maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsyon.
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang
utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand
Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas.

Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng


Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na
nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino
mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento. Noong
1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa
kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng
mga industriyang pag-aari ng pamahalaan. Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4
porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong
1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may
aberaheng paglago na 3.8 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino.
Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na
sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng
kahirapan. Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa
huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay
10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga
oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga
industriyang buko at asukal. Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa
lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay
nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain. Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang
Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na
pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain. Ang
batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga
may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari

ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang


batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng
stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng
kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa
loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong
lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain.
Ang Hacienda Luisita na isang 6,453-hektaryang lupain na pagmamayari ng
pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito
ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggagawa nito. Marami ring mga may ari
ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang
lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni
Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1998 hanggang
1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2
porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng
pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog
Silangang Asya. Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito
samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay.
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na
programang repormang tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang
ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago
ng GDP ay 3.1 porsiyento. Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang
pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal

na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso


ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga
pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado
ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula
sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng
utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng
mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad
ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong
mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa
Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa
buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2
porsiyento at ang GDP at 5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9
porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya
noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas
noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong
1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.
Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng
Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng
lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang "Erap Para sa
Mahirap". Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998. Noong 1998,
sinubukan ni Pangulong Estrada na ipagpatuloy ang reporma ng nakaraang Pangulong
si Fidel Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada mula 1998 hanggang 2000, ang
aberaheng paglago ng GDP ay 2.9 porsiyento. Ang administrasyong Estrada ay

inakusahan ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na nagdulot ng kawalang


pagtitiwala ng mga imbestor na dayuhan. Ito ay karagdagang napinsala nang sa
kanyang ikalawang taon, si Estrada ay inakusahan ng paggamit ng impluwensiya niya
sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa pagmamanipula ng stock market.
Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot, mga klima at iba pa ay
nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya. Tungo sa dulo ng administrasyon ni
Estrada, ang deficit ay dumoble sa 100 bilyong dolyar mula 49 bilyong dolyar noong
1998. Noong Oktubre 2000, ibinunyag ng malapit na kaibigan ni Estrada na si Chavit
Singson, na kanyang personal na ibinigay kay Pangulong Estrada ang P400 milyong
kabayaran para sa jueteng gayundin ang P180 milyon mula sa subsidiya ng presyo ng
pamahalaan para sa kooperatibang marketing ng mga magsasaka ng tabako. Ito ay
humantong sa paghahain ng impeachment laban kay Estrada noong 13 Nobyembre
2000. Si Estrada ay dinakip noong 25 Abril 2001 sa kanyang bahay sa San Juan sa
kaso ng pandarambong na inihain sa kanya ng Sandiganbayan. Sa pagkaalaam ng
mga tagasuporta ni Estrada ng pagdakip na ito, sila ay tumungo sa EDSA na humihiling
sa kanyang pagpapalaya at pagbabalik sa pagkapangulo. Noong 1 Mayo 2001, ang
mga nagpoprotestang pro-Estrada ay pumunta sa Malacanang na sumisigaw ng "EDSA
III". Ang karahasan ay sumiklab sa pagitan ng kapulisan at mga nagpoprotestang proEstrada na nagtulak sa pamahalaan na magdeklara ng isang State of Rebellion. Noong
7 Setyembre 2007, ang korteng anti-korupsiyon ng Sandiganbayan na pinangunahan ni
Teresita De Castro ay naghayag na ang korte ay magpopromulga ng isan ghatol sa
Setyembre 12 Setyembre 2007 para sa 6 na taong paglilitis sa mga kasong
pandarambong kay Estrada.

You might also like