You are on page 1of 4

LIPUNAN AT REBOLUSYONG PILIPINO

AMADO GUERRERO, 1970

Amado Guerrero – Jose Maria Canlas Sison or “Joma”

✣ The New People's Army is the armed wing of the Communist Party of the Philippines. It was formed and
founded by Jose Maria Sison, Bernabe Buscayno, and Lucio Manlapaz on 29 March 1969.

✣ He currently lives in Utrecht, Utrecht, Utrecht, Netherlands

Kabanata I: Pagriripaso sa Kasaysayan ng Pilipinas

I. Ang Pilipinas at ang Sambayanan


- – Kung tayong mamamayang Pilipino mismo ang gagamit at lilinang sa likas na
yaman ng ating bansa para sa ating sariling pakinabang, sobra-sobra pa ang mga
ito. Pero pinpigilan kasi tayo ng Estados Unidos na gamitin ang mga ito para sa
sarili nilang bentahe.
- Ang mga Malayo, ang lahing pangunahing pinagmulan ng mga Pilipino.

II. Ang Mamamayan nang dumating ang Kolonyalistang Espanyol


- Ang baranggay ang tipikal na komunidad sa buong kapuluan. Ito ang saligang
yunit sa pulitika at ekonomya na independyente sa iba pang kapareho nito. May
ilandaang katao at maliit na teritoryo ang bawat baranggay. Ang bawat isa ay may
pinuno na tinatawag na raha o datu.
ISTRUKTURA NG LIPUNAN
1. Naghaharing uri na nag-umpisa nang magparami ng lupa na pribado nilang pag-aari o
pinamamahalaan para sa angkan o komunidad.
2. Panggitnang uri ng mga taong malayang ang tawag ay maharlika, na may sapat na lupang
pinagkukunan ng kanilang kabuhayan o kaya'y nagsasagawa ng ispesyal na serbisyo sa
mga naghahari at hindi na kailangang magtrabaho sa bukid.
3. Mga uring pinaghaharian, kabilang ang mga timawa na nakikiparte ng ani sa maliit na
nobilidad, at ang mga alipin at malaaliping nagtatrabaho nang walang tiyak na parte sa
ani.
Dalawang klase ang alipin noon: ang may sariling tirahan o aliping namamahay, at ang
nakatira sa bahay ng amo o aliping sagigilid. Ang pagiging timawa o alipin ay minamana
o kaya'y ipinapataw sa mga di makabayad ng utang at tributo, may nagawang krimen, at
nabihag sa gerahan ng mga baranggay.

III. Ang Kolonyalismo at Pyudalismong Espanyol


- Noong umpisa, dahil walang pagkakaisa sa pulitika ang lahat o ang mayorya ng
mamamayan sa kapuluan, hakbang-hakbang na naipataw ng mga kongkistador na
Espanyol ang kanilang gusto sa pamamagitan ng iilandaang kolonyal na sundalo.
Ginamit ni Magellan ang karaniwang taktikang manghati't maghari nang
kampihan niya si Humabon laban kay Lapulapu noong 1521. Inumpisahan niya
ang sistema ng panlalansi sa ilang baranggay para yakapin ng mga ito nang
pananampalatayang Kristyano at pagkatapos ay ginamit ang mga ito laban sa iba
pang baranggay na lumalaban sa kolonyal na paghahari.
- Sa paraan ng klasikong pyudalismo, umiral sa buong istrukturang kolonyal ang
pagkakaisa ng simbahan at estado. Ginagamit ang mga iskwelahan ng katesismo
(catechism) para lasunin ang isip ng kabataan laban sa sarili nilang bayan. Noong
1611 pa itinatag ang Universidad Real y Pontifica de Santo Tomas (University of
Santo Tomas), pero mga Espanyol at criollo o mestiso lamang ang tinatanggap
dito hanggang noong huling hati ng siglong 1800.

IV. Ang Rebolusyong Pilipino noong 1896


- Hinangad nilang magkaroon ng representante sa parlamento ng Espanya at
magtamasa ng mga karapatang sibil ayon sa Konstitusyon ng Espanya. Sa
paglulunsad nila sa kilusang reporma, itinatag nila ang dyaryong LA
SOLIDARIDAD. Dito sumentro ang mga aktibidad ng Kilusang Propaganda, na
ang pangunahing mga propagandista ay sina Dr. Jose Rizal, M. H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at Antonio Luna.
- Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa Lungsod ng
Qeuzon, Pilipinas. Dito ipinahayag ng Katipunan ang simula ng pakikipaglaban sa
mga Kastila upang makamit ang kalayaan ng bansa. Pinunit ng mga Katipunero,
sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang kanilang mga sedula. Ang pagpupunit ng
kanilang mga sedula ay tanda ng kanilang pagtutol sa batas na Tributo o Cedula
Personal.
- Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang Kapulungan ng
Tejeros at Kongreso ng Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng
hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San Francisco de Malabon sa
Kabite noong Marso 22, 1897.
- Ang Republika ng Biak-na-Bato ay ang kauna-unahang republikang naitatag
sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga
kapwa kasapi sa Katipunan.
- Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang
Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang
kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga
Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang
nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong.

V. Ang Digmaang Pilipino-Amerikano


- Abril 21, 1898 – Idineklara ng EU ang digmaan laban sa Espanya.
- Mayo 1, 1898 – Naganap ang makasaysayang labanan sa Manila Bay.
- August 13, 1898 – Naganap ang Mock Battle of Manila. Sumuko ang mga kawal
na kastila sa mga Amerikano
- Disyembre 10, 1898 – Nilagdaan ng US at Espanya ang Kasunduan sa Paris.
Pormal na inilapat sa Amerika ang pananakop ng Pilipinas.
- Enero 23, 1899 – Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos,
Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano.
- Pebrero 4, 1899 – Binaril at napatay ng isang Amerikanong Sundalo ang isang
kawal na Pilipino. Ito na ang simula ng Digmaang Pilipino-AMERIKANO.
- Marso 31, 1899 – Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos. Inilipat
ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga.
- Marso 23, 1901 – Nahuli si Hen. Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
- Abril 16, 1902 – Sumuko sa mga Amerikano si Hen. Miguel Malvar sa Lipa,
Batangas
- Setyembre 25, 1903 – Sumuko si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Albay. Pormal
na nagwakas ang digmaan laban sa Amerikano.

Kabanata II. Mga Pundamental na Suliranin ng Sambayanang Pilipino

Ang Estados Unidos ang naging pangalawang mananakop ng Pilipinas, ang pinaka hinabol nila
ay ang kumuha ng mga hilaw na materyales para mas lalong makagawa ng mga produksyon at
patuloy na makapagpalawak ng lupa.

Nagkaron ng Pyudalismo at Exploitation sa Pilipinas dahil sa paghawak ng mga EU sa mga


Burgis o mga Panginoong Maylupa upang mas kontrolin ang mga lupa at mamamayan para sa
kanilang paggamit.

You might also like