You are on page 1of 3

Mga naunang uri ng pamahalaan

Maraming mga uri ng pamahalaan ang ginamit ng mga rebolusyonaryo. Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang
pamahalaan sa Biak-na-Bato noong 7 Hulyo 1897 na nagpatapon sa mga pinuno ng himagsikan sa Hong Kong.
Nang bumalik sila sa Pilipinas, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal upang ipawalang-bisa ang
pamahalaan sa Biak-na-Bato. Pinalitan ang pamahalaan diktatoryal ng pamahalaang rebolusyonaryo noong 23
Hunyo 1898.Ipinagtibay ang Constitucin poltica de la Repblica Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan
ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.
Pagtatatag ng republika
Ipinagtibay ang Constitucin poltica de la Repblica Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan ng Barasoain.
Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Naging kaalyado ng Estados Unidos ang republika laban sa mga Espanyol, ngunit naging malinaw ang naging
hangarin nito na makuha ang Pilipinas. Tumaas ang tensiyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano
hanggang sa sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 4 Pebrero 1899. Nang makuha ng mga
Amerikano ang Malolos, lumikas si Aguinaldo patungo sa Hilagang Luzon. Binuwag niya ang sandatahang
lakas at umasa sa pakikipaglaban ng mga gerilya. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso
1901 ng mga Amerikanong sundalo na pinamunuan ni Heneral Frederick Funston. Nanumpa si Aguinaldo ng
katapatan noong Abril 1, at tuluyang nagwakas ang unang republika. Ngunit matapos ang pagbagsak ng
republika, marami pa rin ang nakipaglaban para sa kalayaan.
ANG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS
January 6, 2013 by apgroup4
Ang Unang Republika ng Pilipinas o Unang Republika Pilipina (opisyal na tinawag na Repblica
Filipina, Ingles: Philippine Republic, Lumang Tagalog:

lipinas) ay ang pamahalaan


ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 saMalolos,
Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga
sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 saPalanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang
unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.
Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa rebolusyon ng mga
Pilipino laban sa pamamahala ng mgaEspanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at
ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni
Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898.
Nagkaroon ang republikang ito ng Kongresong nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.
Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
Ang pananakop ng mga Amerikano ay isang pagbabalat-kayo, na sa umpisa ay nagkukunwaring mga
tagapagligtas ng kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa bandang huli ay unti-unting nagtanggal ng maskara.
Sabi sa aklat ng Sa Kuko ng Limbas na isinulat ni Dr. Nemesio Prudente, ang paghahari at pananakop ng mga
imperyalistang Amerikano sa Pilipinas, ay nahahati sa dalawang panahon o yugto:
Ang una ay lantarang pananakop, kasama na ang panahon ng Komonwelt.
Ang ikalawa ay ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na ipagkaloob noong Hulyo 4,
1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism)
Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang kanilang
pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin. Noong daw mga panahong yaon,
humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal, Pransiya at Olanda. Dahil dito,
madaling naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanyang impluwensyang pangkabuhayan.
Napadali ang pagtatatag nila ng pamilihan sa ibat-ibang bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang
produktong industriyal at agrikultural na labis sa pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ayon pa sa may-
akda, inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa Asya.
Pinalakas ang kanyang hukbong dagat at militar upang hindi malamangan ng iba pang mga bansang
imperyalista. Inihanda ang ganitong hukbo, hindi lamang laban sa kapwa imperyalista, kundi upang matiyak
ang tagumpay ng pananakop kung tututol ang sasakupin o kung ang mga ito naman ay maghihimagsik kapag
nasakop na. Binigyan-diin din ni Prudente na ang pagpapalakas na ito ng kanilang sandatahang lakas ay hindi
dikta ng dangal at tungkulin ng kanilang bansa, kundi ng mga monopolistang Amerikano na nagbubukas ng
bagong gawain sa Amerika- ang imperyalismong pandaigdig.
Isinalaysay din sa akda ang mga hindi magagandang ginawa ng mga Amerikano, tulad ng panloloko nila kina
Aguinaldo, brutalidad at ang hindi makataong pagpaparusa sa mga Pilipino. Ilan pa sa mga kalupitang ito ay
ang mga sumusunod:
Tinutubig ang mga nahuhuling rebolusyunaryong Pilipino.
Ang lahat ng bayan na hindi nakikiisa sa mga Amerikano ay kanilang sinunog at pinagsisira.
Sila ay parang mga sadistang pumatay nang walang kabuluhang pangmilitar.
Inisa-isa din sa aklat ang mga Amerikanong opisyal na nagpahirap sa mga Pilipino tulad nina Hen. Wesley
Meritt, Hen. Arthur MacArthur, Hen. Douglas MacArthur, Koronel Jacob Smith at Hen. Frederick Funston. Sa
kabilang panig, nabanggit din dito ang mga kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa mga Amerikano para sa
pagpapanatili ng kapayapaan tulad ni Gregorio del Pilar na nagbuwis ng kanyang sariling buhay. Binigyang-
halaga din sa aklat ang mga naitulong ng mga kaibigang Intsik tulad ni Jose Pawa at Dr. Sun Yat Sen na
nakaambag sa pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Ipinaliwanag din ng aklat ang mga batas na ipinatupad noon ng mga Amerikano na nagpapatunay na nais nilang
sakupin ang Pilipinas tulad ng batas sedisyon at iba pa. Inilarawan din dito kung paano gumawa ng paraan ang
mga Amerikano upang wasakin at baguhin ang kultura at edukasyong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapadala
ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas at ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo na naglalayong
magkaroon ng agwat ang uri ng mga Pilipino. Ayon sa aklat, ito ay taktikang imperyalista: ang pagpapalubha
sa pagkakahati at hindi pagkakaunawaan ng sambayanan.
Sinimulan din, ayon kay Prudente ang pagpapadala sa mga pensiyunadong Pilipino sa Amerika upang
makalikha ng mga Pilipinong Amerikano na magtatanggol sa interes ng mga Amerikano sa bansa. Layunin din,
ayon pa sa may-akda ng pagpapadalang iyon ng mga pensiyunado sa Amerika na makabuo ng mga
burukratikong Pilipino na higit pang kakampi sa mga imperyalista kaysa sa mga Pilipino.
Ang pagpapasok ng sistema ng edukasyon batay sa mga Amerikano ay isang paraan ng mga imperyalista upang
masaklaw hindi lamang ang mga katawan, kundi upang burahin pa rin ang bahid ng nasyonalismo sa isipan ng
bawat Pilipino. Samakatwid, ayon kay Prudente, kinasangkapan ng mga Amerikano ang edukasyon sa
pagsakop sa Pilipinas.
Bukod dito, hinayaan ng mga Amerikano na mamatay ang mga industriyang pangkamay o pambahay sa
Pilipinas, na dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga yaring produktong Amerikano ay
natatalo sa kompetensya. Ang ganitong paraan ng pagpatay sa industriyang Pilipino, at ng patuloy na pagdagsa
ng mga produktong Amerikano ang naging dahilan ng patuloy na pagkakaroon ng buhay ng piyudalismo na
siyang sanhi kung bakit ang mga magsasaka at manggagawa sa Pilipinas ay nananatiling dukha at api.
Ang imperyalismong Amerikano ay hindi makapananatili nang matagal sa Pilipinas kung wala silang kasabwat
at kapanalig sa bansa. Sa larangang pangkabuhayan, ang mga imperyalista ay may mga alipures- mga
panginoong maylupa at komprador na siyang tuwirang nakikinabang sa kanilang tuwirang pananakop na iyon.
Ang lagi nang biktima ng koloyalismo ay ang maraming bilang ng mga magsasaka at manggagawa. Dito
sumipot ang neo-kolonyalismo, isang antas ng panloloko ng imperyalismong Amerikano, ngunit siyang
pinakamataas. Ang neo-kolonyalismo o ang makabagong paraan ng pananakop ay isang kilusang kontra-
rebolusyunaryo; isang paraan ng paggamot upang mapigil ang paglakas ng kilusang mapagpalaya, lalo na sa
dakong Asya.
Ang imperyalismo ay siyang balakid kung bakit hindi maaaring makasunod ang isang bansang hindi maunlad sa
daan ng kapitalistang pag-unlad. Dahil sa patuloy na pananatili ng imperyalismo sa Pilipinas, ang lipunang
nabuo at tumibay sa bansa ay isang lipunang malakolonyal at malapyudal. Ayon sa aklat, ito ang talagang nais
na mangyari ng Amerika- na ang balangkas ng kabuhayan ng Pilipinas ay maging pyudal upang sa habang
panahon ay maging tagatustos na lamang ito ng mga hilaw na kalakal at tagaangkat ng mga yaring produkto.
Ang mga burukratang kapitalista, partido pulitikal ay nagsilbing kasabwat ng mga imperyalista. Lahat ng mga
kautusan at batas na kanilang nililikha at ipinatutupad ay mga batas na ang mga imperyalista at ang kanilang uri
lamang ang siyang nakikinabang.
Ang pambansang krisis na ito, ayon kay Prudente ay mawawakasan lamang sa pamamagitan ng pagbuwag sa
hindi pantay na kasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagbabatayan ng mga imperyalistang Amerikano
sa Pilipinas. Nararapat din ayon sa may-akda na magkaisa ang mga manggagawa sa ilalim ng patakarang
demokratikong makabayan. Ang pamamahala ng mga Amerikano sa mga negosyo dito sa Pilipinas ay dapat
nang ipasakamay sa mga Pilipino.

You might also like