You are on page 1of 4

Reviewer in Araling Panlipunan

*Ang ilan sa mga impluwensiya na nagmula sa United States of America ay ang burger at fries, jazz music, mga pampublikong paaralan, at demokratikong pamahalaan. *Ang ilan sa mga kasapi ng anti-imperialist league ay ang mugwumps, sina Jennings Bryan at George Hoar. *Ayon sa ibang mga miyembro ng Anti-Imperialist League Movement, ang imperyalismo ay taliwas sa ideyalismo o prinsipyo ng demokrasya. *isinilang ang anti-imperialist league noong Nobyembre 19, 1898. *Ang US president na si William McKinley ang may-akda ng Benevolent Assimilation. *Ang mga layunin ng Benevolent Assimilation: -paunlarin ang Pilipinas -gawing sibilisado ang mga "unggoy" sa Pilipinas - sanayin ang Pilipinas *Ang pangunahing plataporma ng Anti-Imperialist League ay ang "a self-governing state cannot accept sovereignty over an unwilling people. The United States cannot act upon the ancient herey that might make right." *Ang imperyalismo ay isang hakbangin na naglalayon ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang bansa. *Mock Battle of Manila-isang lihim na kasunduan sa pagitan ng Kastila at Amerikano upang makaiwas sa kahihiyan ang mga Kastila. *Ang pagsabog ng barkong US Maine sa Havana, Cuba ang nagbunsod ng digmaang Kastila-Amerikano; ang insidente sa tulay ng san juan del monte ang naging hudyat ng simula ng digmaang PilipinoAmerikano. *Dec. 10,1898- naganap ang isang lihim na pagpupulong sa pagitan ng Kastila at Amerikano kung saan nakasaad ang paglilipat ng mga kolonya sa kamay ng Estados Unidos kapalit ang halagang 20 milyong dolyar. ito ay ang Kasunduan sa Paris. *White Man's Burden - itinuturing ng mga Amerikano na nakaatang sa kanila ang misyong proteksyunan at arugain ang mga mahihinang bansa. *Manifest Destiny - paniniwala ng mga Amerikano na sila ang itinadhana ng Diyos upang magpalaganap ng Demokrasya.

*Mga Dahilan ng pagpapahayag ng Benevolent Assimilation: -pakikipagkaibigan ng US sa Pilipinas bilang pagbibigay proteksyon sa mga karapatan at kalayaan ng mga katutubo -pagsisiguro ng pamahalaang militarng US dito sa Pilipinas upang maipatupadang misyong pagpapairal ng katarungan at ng batas. -pangalagaan ang ating pamamahay, hanapbuhay, at karapatang personal at relihiyon. *Ipinahihiwatig ng Benevolent Assimilation ang pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa. *Ang polyeto ay isang manipis at maliit na librong hindi pa nabubuo bilang isang materyal dahil wala pang ibang bahagi ng isang libro. *Isa sa mga pamamaraan ng kampanya ng Anti-imperialist League ay ang pamamahagi nila ng iba't ibang lathalain at babasahin. *Bilang tugon sa proklamasyon ng Benevolent Assimilation, ay nagpalabas ng isang manifesto ng pagtutol si Emilio Aguinaldo. Ang manifesto ay isang lantarang pahayag o deklarasyon sa publiko ng isang pangulo, hari, pamahalaano kinatawan ng mga tao. ito ay naglalaman ng katwiran o paninindigan hinggil sa isyu o pangyayari. *Mga nilalaman ng Manifesto ni Pangulong Aguinaldo: -itinatanggi na nagkaroon siya ng pagsang-ayon sa anumang kasunduan sa pagitan niya at ng mga kinatawan ng Estados Unidos. -Isinasaad na ang Estados Unidos ay nakipagdigma sa Espanya hindi para sakupin ang Pilipinas kundi upang mapanatili ang bansa. -mariin ang kanyang pagtutol sa kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas. *Sa naganap na unang putok ng digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, ang unang nagpaputok sa tulay ng San Juan del Monte ay si Private William Grayson. *Ang NHCP ay ang Komisyon na may tanging kapangyarihang maglagay at kumilala sa mga lugar na pinangyarihan ng mga makasaysayang kaganapan sa ating bansa. *Epekto ng Digmaang Pilipino-Amerikano: -pagkamatay ng maraming sundalong Amerikano -umani ng batikos mula sa Anti-Imperialist League -pagsilang ng imperyalismo, at -pagkawala ng kalayaan ng Pilipinas

*Agosto 14, 1898 - idineklara ni Commodore George Dewey ang pamahalaang militar upang supilin ang mga naghihimagsik na mga Pilipino. *Sa ilalim ng Komisyog Taft, iminungkahi ang paggawa ng batas panlalawigan at munisipal; pagtatatag ng mga hukuman at pulisya; at pagtataguyod ng pamahalaang sibil sa Pilipinas. *Ang Batas Cooper ay ipinagtibay noong Hulyo 2, 1902. Isa sa pinakamahalagang itinadhana nito ay ang pagtatatag ng Lehislatura ng Pilipinas na pinangungunahan ng mga mambabatas na Pilipino. *Hindi ganap na sumuko ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa bayan, sa mga kaparaanang: -aktibong pakikibaka -pagtatag ng mga partidong pulitikal, at -pagpapadala ng mga misyong pangkalayaan ng Pilipinas *Pamahalaang Munisipal-pamahalaan sa ilalim ng munisipyo o pueblo. *Batas Jones - kauna-unahang opisyal na batas na pangako ng United States para sa pagkilala ng kasarinlan ng Pilipinas. Itinatadhana ng Batas Jones ang pagtataguyod ng tatlong sangay ng pamahalaan: -tagapagpaganap/ehekutibo -tagapagbatas/lehislatibo, at -tagapaghukom/hudisyal *Pangunahing tungkulin ng sangay na ehekutibo ay ang punong tagapagpamahala ng Pilipinas, punong hukbo at may karapatang tanggihan ang mga batas na ginawa ng Asemblea. *Sa Lehislatibong sangay, upang maging kwalipikado ang Pilipino, dapat siya ay: -tatlumpung taong gulang pataas, -may kakayahang magsalita, sumulat at bumasa ng Spanish o English, at -nakapanirahan sa loob ng isang taon sa lugar na kaniyang kinakatawan bago ang halalan. *Ang Jones Law ay ipinagkaloob upang sanayin ang mga Pilipino ukol sa pamamahala sa sarili bago kilalanin ang kalayaan ng Pilipinas. *"Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino" - nais ipahiwatig ng mga Amerikano na hinihikayat nila ang mga Pilipino na mamuno sa sarili sa kanilang patnubay. *Ang mga Amerikano ay nagpatupad ng mga batas sa buong kapuluan katulad ng Sedition Law at Flag Law bilang tugon sa patuloy na pakikibaka ng mga Pilipino na maging malaya.

* Ang Sedition ay pagkilos na lumalaban o nag-uudyok ng mapanghimagsik na kaisipan laban sa mga Amerikano. *Ayon sa Section 4 ng Flag Law, ipinagbabawal ang pagsuot o pagsama ng bandila o iba pang simbolo ng himagsikan sa mga pananamit sa mga parada o pagtitipon. *Ang bandila o anumang simbolo o bagay na nagpapahayag ng damdamin tungkol sa nakikitang hindi wasto sa pamahalaan ay ang nag-uugnay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino. *Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya nang wasakin ng Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 8, 1941(Philippine time). Ang Pearl Harbor ang isa sa pangunahing baseng pandagat ng United States na matatagpuan sa pulo ng Hawaii na nasa rehiyong Pacific. *Ipinahayag ng pinuno ng hukbong Amerikano na si Heneral Douglas MacArthur ang Maynila bilang Open City. *Abril 1942 nang tuluyang bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapones. Isinagawa ang Death March. *Setyembre 3, 1945 - pormal na isinuko ni Hen. Tomoyuki Yamashita ang Pilpinas kay Hen. E.H. Leavy. *Noong Hulyo 4, 1946, pinasinayaan ng buong bansa ang pagkatatag ng bagong Republika, at ang opisyal na pagwawakas ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas. Ibinaba ang watawat ng United States at itinaas naman ang watawat ng Pilipinas bilang sagisag ng ganap na kasarinlan ng bansa. *Abril 23, 1946 naganap ang pambansang halalan, at nagwagi si Manuel Roxas bilang ikatlo at huling pangulo ng Komonwelt. Siya rin ang unang pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas. *R.A. 34 (The Philippine Rice Share Tenacy Act) - itinakda ng batas na ito na magkaroon ng mas maayos na hatian sa mga produktong naani sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka, sa ilalim ng bagong republika. *Isa sa mga mahahalagang artifact sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga ipinagawang salaping papel na gagamitin sa pagbili ng pangangailangan ng tao. ito ay ang tinatawag na Mickey Mouse Money. *Walong buwan pagkaraang makamit ng mga Pilipino ang kasarinlan mula sa mga Amerikano, dalawang kasunduan ang inaprubahan sa pagitan ng Pilipinas at United States: ang Military Bases Agreement noong Marso 14, 1947 at ang Mutual Assistance Agreement noong Marso 21, 1947. *Sa bawat hamon na kinakaharap ng ating bansa, ang mga Pilipino ay patuloy pa ding lumalaban para sa ganap na kasarinlan.

You might also like