You are on page 1of 24

Araling Panlipunan 6

Third Quarter
Aralin:
Ang Pamahalaang Kolonyal
ng mga Amerikano
KASUNDUAN SA PARIS
• Ang Kasundúang Páris ng 1898 ay pormal na
tratadong nilagdaan ng España at ng Estados
Unidos sa Paris noong 10 Disyembre 1898.
• Sa kasunduang ito, isinuko ng España ang Cuba,
Puerto Rico, ilang bahagi ng West Indies, Guam,
at Filipinas sa Estados Unidos kapalit ng $20
milyon.
• Nilagdaan ito noong 10 Disyembre 1898 at
naipatupad noong 11 Abril 1899.
PAMAHALAANG MILITAR
• Iniutos ni William Mckinley ang pagbuo ng
Pamahalaang Militar sa bansa.
• Itinatag ito upang mapigilan ang mga pag-aalsang
maaring sumiklab sa bansa.
• Ito ay pinamumunuan ng gobernador militar na
nagsisilbing kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos
sa Pilipinas.
• Tumagal ng tatlong taon simula Agosto 14, 1898
hanggang Hulyo 4, 1901.
GOBERNADOR MILITAR

Heneral Wesley Heneral Elwell Otis Heneral Arthur MacArthur


Merritt (1898) (1898-1900) Jr. (1900-1901)
PATAKARANG PASIPIKASYON AT
KOOPTASYON
• Ang patakarang pasipikasyon at kooptasyon ay patakaran ng mga
Amerikano para masupil ang nasyonalidad.
• Ang patakarang pasipikasyon ay ginagamit ng panahon ng
pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.
Layunin ng patakarang pasipikasyon na tuwirang masupil ang
nasyonalismong Pilipino dahil sa maraming Pilipino ang nakikipaglaban
para makuha ang minimithing kalayaan ng bansa laban sa mananakop.

• Ang kooptasyon naman ay ang pagpayag ng mga Pilipino na


manumpa ng katapatan sa mga Amerikanong mananakop.
BATAS BRIGANSIYA O BATAS
BRIGANDAGE
• BATAS BRIGANSIYA (Nobyembre 12, 1902) – Batas
na humuhuli sa lahat ng mga bandido o sinumang
hinihilaang rebelde laban sa pamahalaang Amerikano.

• Sa batas na ito nahuli ang dating miyembro ng


Katipunan at ang nagtatag ng Republika ng Katagalugan
na si Macario Sakay na matapos ikinulong ay binitay.
BATAS SEDISYON (SEDITION LAW
1901)
• Patakarang Pampulitika Sedition Law- Nobyembre
4,1901, ipinatupad ang Batas sa Sedisyon na
nagbabawal sa pagtangkilik o pagnanais na makamit
ang kalayaan ng bansa sa ano mang pamamaraan.
Parusang kamatayan o matagal na pagkakabilanggo
ang parusa sa sinumang lumabag sa nasabing batas.
BATAS SA REKONSENTRASYON
• Pangunahing mithiin ng batas sa rekonstrasyon na mahuli ang mga
gerilyang nagtatago sa liblib na pook o pamayanan.

• Ang gerilya ay isang salitang nagmula sa wikang Kastila na may


kahulugang "maliit na digmaan".

• Sa pagpapatupad ng batas na ito, nahirapan ang mga ordinaryong


mamayanan dahil napilitan silang iwanan ang kanilang sakahan at
iba pang kinabubuhay.
BATAS UKOL SA WATAWAT NG 1907
• Sa ilalim ng pamumuno ni James Francis Smith, ika-apat na
Gobernador- heneral na Amerikano ipinatupad ang Flag Law o
Batas ukol sa watawat.

• Ito ay nagbabawal sa paggamit o ang pagwagayway ng


bandilang Pilipino sa anumang pagkakataon o saan mang lugar
sa bansa mula 1907 hanggang 1919.

• Ipinagbabawal din ng batas na ito ang pagpapatugtog ng


pambansang awit ng Pilipinas.
PAMAHALAANG MILITAR
• Noong Agosto 14, 1898 itinatag ang isang
pamahalaang militar ng mga Amerikano sa
pamumuno ng isang gobernador-military.
• Ang mga nagawa ng pamahalaang ito ay ang
mga sumusunod:
• Pagbibigay ng kapayapaan pagkatapos ng
pinsalang dulot ng digmaan;
• Pagtatatag ng Sistema na patungo sa pagtatatag
ng pamahalaan ng mga Pilipino;
• Pagbukas ng mga hukumang sibil kasama
ng Kataas-taasang hukuman;
• Pagganap ng kauna-unahang halalang
municipal sa Baliwag, Bulacan (Mayo 7,
1899)
• Pagtatatag ng pamahalaang local,
panlalawigan at panlungsod;at
• Pagtatatag ng mga paaralan sa mga
lungsod.
ANG UNANG KOMISYON NG
PILIPINAS (Shurman Commission)
• Ito ay Komisyong gustong Siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas
upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United
States, at magmungkahi ng mga patakarang paiiralin sa bansa.

• Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng Pilipinas o First Philippine


Commission Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng patakaran Ukol sa
Pamamahala ng pilipinas.

• Ang tagapangulo ay si Jacob Schurman at ang mga kasapi nito ay sina


George Dewey , Elwell Otis , Charles Denvy , at Dean c. Worcester.
ANG IKALAWANG KOMISYON NG
PILIPINAS
• Noong Marso 16, 1900, matapos pagtibayin ng Kongreso ang
iniulat ng Komisyong Schurman, itinatag ni Pangulong
Mckinley ang ikalawang komisyon na tinawag na Komisyong
Taft.
• Pinamunuan ito ni William Taft, kasama sina Luke Wright, Henry
Ide, Bernard Moses, at Dean Worcester.
• Sa Komisyong ito ipinalabas ni Pang.Mckinley ang Magna
Carta of the Philippines kung saan nakasaad na para sa mga
Pilipino ang pamahalaan ng United States sa Pilipinas at hindi
para sa mga Amerikano.
PAMAHALAANG SIBIL
• Noong Marso 2, 1901, ipinasa ng US Congress ang Spooner Amendment.

• Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang palitan


na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang sibil.

• Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan [ mamayan].

• Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang
kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan.
• Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim
lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay
itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga
mamamayan.

• Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft


Commission) ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas.

• Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng


pamahalaang sibil.
Batas Payne-Aldrich ng 1909
• Noong 1909, nagbigay ng pahintulot ang Batas Payne-Aldrich
(Ingles: Payne-Aldrich Tariff Act) upang maging malaya ang
palitan ng kalakal ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

• Walang bayad na taripa ang mga produktong nanggagaling sa


Pilipinas ngunit may takdang kota; samantalang ang mga
kalakal mula sa Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas
nang walang taripa at kota.
BATAS SIMMONS-UNDERWOOD
NG 1973
• Ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons ay maibalik ang
malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Estados
Unidos at Pilipinas upang mapalawak ng mga nasabing bansa
ang pakikipagpalitan ng kani-kanyang mga produkto.
• Unti unting lumaki ang bahagdan ng mga iniluluwas na
produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos.
• Dahil dito tumaas ang bilang ng produksyon ng agrikultura.
TYDINGS-MCDUFFIE NG 1934
• Itinakda ng Batas na ito ang paglawig ng malayang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos
hanggang 1940.

• Nakasaad din sa batas na ito ang pagbabalik ng takda


para sa asukal, langis ng niyog, at lubid.

• Pinalalim nito ang problemang pang-ekonomiya ng


bansa ng di-patas na patakaran.
ANG EPEKTO NG MALAYANG
KALAKALAN ( FREE TRADE)
• Ang malayang kalakalan ay isang patakaran kung saan
ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang
kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-
aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok
sa mga pagluluwas ng mga kalakal.
• Ang hindi nangingilala o nakikialam na pamahalaan ay
hindi nagsasagawa ng paglalapat ng mga taripa sa mga
inaangkat na bagay o ng mga tulong na pondo o tulong
na pananalapi para sa mga bagay na iniluluwas.
PANANIM AT SAKAHAN
• Sa pagnanais ng pamahalaang mapalaki ang ani ng mga magsasaka,

Itinuro nila ang modernong paraan ng pagsasaka at ang paggamit ng mga

kagamitang pansakahan mula sa Estados Unidos.

• Ipinahukay ang mga ilog, gumawa ng mga dam at dike para sa irigasyon.

• Ang irigasyon o patubig ay ang artipisyal na paglalapat ng tubig sa isang

lupain o lupa. Ito ay ginagamit upang tulungan ang paglago ng mga

pananim, pagpapanatili ng landscape, at muling behetasyon ng mga

nagulong lupa sa mga tuyong lugar na may hindi sapat na pagbagsak ng

ulan.
BATAS HOMESTEAD
•Ang nagbigay ng Karapatan sa
mga Pilipino na makapagmay-ari
ng hanggang dalawampu’t apat
na ektaryang lupang pambayan.
GAWAIN: Gawin ang p.129
(tsart at sagutin ang mga
tanong)

You might also like