You are on page 1of 2

Ang Pananakop NG Mga Amerikano

Ang pananakop ng mga Amerikano ay isang pagbabalat-kayo, na sa umpisa ay nagkukunwaring


mgatagapagligtas ng kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa bandang huli ay unti-unting nagtanggal ng
maskara.Sabi sa aklat ng Sa Kuko ng Limbas na isinulat ni Dr. Nemesio Prudente, ang paghahari
at pananakop ngmga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas, ay nahahati sa dalawang panahon o
yugto:¨ Ang una ay lantarang pananakop, kasama na ang panahon ng Komonwelt.¨ Ang ikalawa ay ang h
indi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na “ipagkaloob” noong

Hulyo 4, 1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism)Sinabi din sa akda na hindi


totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas. Angkanilang pagpasok sa Pilipinas at sa
buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin. Noong daw mgapanahong yaon, humihina na ang mga
dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal, Pransiyaat Olanda. Dahil dito, madaling
naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanyangimpluwensyang pangkabuhayan. Napadali
ang pagtatatag nila ng pamilihan sa iba’t -ibang bansa sa Asyana napagdadalhan nila ng kanilang
produktong industriyal at agrikultural na labis sa pangangailangan ngkanilang mamamayan. Ayon pa sa
may-akda, inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyangsistemang gagawin na may hangarin sa
Asya. Pinalakas ang kanyang hukbong dagat at militar upanghindi malamangan ng iba pang mga bansang
imperyalista. Inihanda ang ganitong hukbo, hindi lamanglaban sa kapwa imperyalista, kundi upang
matiyak ang tagumpay ng pananakop kung tututol angsasakupin o kung ang mga ito naman ay
maghihimagsik kapag nasakop na. Binigyan-diin din ni Prudente

na ang pagpapalakas na ito ng kanilang sandatahang lakas ay hindi dikta ng “dangal at tungkulin” ng

kanilang bansa, kundi ng mga monopolistang Amerikano na nagbubukas ng bagong gawain sa Amerika-
ang imperyalismong pandaigdig.Isinalaysay din sa akda ang mga hindi magagandang ginawa ng mga
Amerikano, tulad ng panloloko nilakina Aguinaldo, brutalidad at ang hindi makataong pagpaparusa sa
mga Pilipino. Ilan pa sa mgakalupitang ito ay ang mga
sumusunod:¨ Tinutubig ang mga nahuhuling rebolusyunaryong Pilipino.¨ Ang lahat ng bayan na hindi na
kikiisa sa mga Amerikano ay kanilang sinunog at
pinagsisira.¨ Sila ay parang mga sadistang pumatay nang walang kabuluhang pangmilitar.Inisa-isa din sa
aklat ang mga Amerikanong opisyal na nagpahirap sa mga Pilipino tulad nina Hen. WesleyMeritt, Hen.
Arthur MacArthur, Hen. Douglas MacArthur, Koronel Jacob Smith at Hen. FrederickFunston. Sa kabilang
panig, nabanggit din dito ang mga kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa mgaAmerikano para sa
pagpapanatili ng kapayapaan tulad ni Gregorio del Pilar na nagbuwis ng kanyangsariling
buhay. Binigyang-halaga din sa aklat ang mga naitulong ng mga kaibigang Intsik tulad ni JosePawa at Dr.
Sun Yat Sen na nakaambag sa pakikipaglaban sa mga Amerikano.

Ipinaliwanag din ng aklat ang mga batas na ipinatupad noon ng mga Amerikano na nagpapatunay nanais
nilang sakupin ang Pilipinas tulad ng batas sedisyon at iba pa. Inilarawan din dito kung paanogumawa ng
paraan ang mga Amerikano upang wasakin at baguhin ang kultura at edukasyong Pilipino
sapamamagitan ng pagpapadala ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas at ang paggamit ng Ingles
bilangwikang panturo na naglalayong magkaroon ng agwat ang uri ng mga Pilipino. Ayon sa aklat, ito
aytaktikang imperyalista: ang pagpapalubha sa pagkakahati at hindi pagkakaunawaan ng
sambayanan.Sinimulan din, ayon kay Prudente ang pagpapadala sa mga pensiyunadong Pilipino sa
Amerika upangmakalikha ng mga Pilipinong Amerikano na magtatanggol sa interes ng mga Amerikano sa
bansa.Layunin din, ayon pa sa may-akda ng pagpapadalang iyon ng mga pensiyunado sa Amerika na
makabuong mga burukratikong Pilipino na higit pang kakampi sa mga imperyalista kaysa sa mga
Pilipino.Ang pagpapasok ng sistema ng edukasyon batay sa mga Amerikano ay isang paraan ng mga
imperyalistaupang masaklaw hindi lamang ang mga katawan, kundi upang burahin pa rin ang bahid ng
nasyonalismosa isipan ng bawat Pilipino. Samakatwid, ayon kay Prudente, kinasangkapan ng mga
Amerikano angedukasyon sa pagsakop sa Pilipinas.Bukod dito, hinayaan ng mga Amerikano na mamatay
ang mga industriyang pangkamay o pambahay saPilipinas, na dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga
yaring produktong Amerikano aynatatalo sa kompetensya. Ang ganitong paraan ng pagpatay sa
industriyang Pilipino, at ng patuloy napagdagsa ng mga produktong Amerikano ang naging dahilan ng
patuloy na pagkakaroon ng buhay ngpiyudalismo na siyang sanhi kung bakit ang mga magsasaka at
manggagawa sa Pilipinas ay nananatilingdukha at api.Ang imperyalismong Amerikano ay hindi
makapananatili nang matagal sa Pilipinas kung wala silangkasabwat at kapanalig sa bansa. Sa larangang
pangkabuhayan, ang mga imperyalista ay may mgaalipures- mga panginoong maylupa at komprador na
siyang tuwirang nakikinabang sa kanilang tuwirangpananakop na iyon. Ang lagi nang biktima ng
koloyalismo ay ang maraming bilang ng mga magsasaka atmanggagawa. Dito sumipot ang neo-
kolonyalismo, isang antas ng panloloko ng imperyalismongAmerikano, ngunit siyang pinakamataas. Ang
neo-kolonyalismo o ang makabagong paraan ngpananakop ay isang kilusang kontra- rebolusyunaryo;
isang paraan ng paggamot upang mapigil angpaglakas ng kilusang mapagpalaya, lalo na sa dakong
Asya.Ang imperyalismo ay siyang balakid kung bakit hindi maaaring makasunod ang isang bansang
hindimaunlad sa daan ng kapitalistang pag-unlad. Dahil sa patuloy na pananatili ng imperyalismo sa
Pilipinas,ang lipunang nabuo at tumibay sa bansa ay isang lipunang malakolonyal at malapyudal. Ayon sa
aklat,ito ang talagang nais na mangyari ng Amerika- na ang balangkas ng kabuhayan ng Pilipinas ay
magingpyudal upang sa habang panahon ay maging tagatustos na lamang ito ng mga hilaw na kalakal
attagaangkat ng mga yaring produkto. Ang mga burukratang kapitalista, partido pulitikal ay
nagsilbingkasabwat ng mga imperyalista. Lahat ng mga kautusan at batas na kanilang nililikha at
ipinatutupad aymga batas na ang mga imperyalista at ang kanilang uri lamang ang siyang nakikinabang.

Ang pambansang krisis na ito, ayon kay Prudente ay mawawakasan lamang sa pamamagitan
ngpagbuwag sa hindi pantay na kasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagbabatayan ng
mgaimperyalistang Amerikano sa Pilipinas. Nararapat din ayon sa may-akda na magkaisa ang
mgamanggagawa sa ilalim ng patakarang demokratikong makabayan. Ang pamamahala ng mga
Amerikanosa mga negosyo dito sa Pilipinas ay dapat nang ipasakamay sa mga Pilipino.At ang
pinakaimportante sa lahat, ayon pa kay Prudente ay ang pagbabago sa edukasyon, kailanganitong
sumailalim sa Pilipinasyon upang makatulong sa pagbuwag ng imperyalismo sa bansa.Kung may
katotohanan o wala ang mga naisulat ni Prudente sa akdang sa Kuko ng Limbas, bilang mgaPilipino,
nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating bansa at proteksyunan natin ito sa mga

gawain ng dayuhan na maaaring umagaw uli ng ating kalayaan. Nawa’y matuto tayo sa nakaraan at

iwasan na natin ang paggawa ng mga desisyong magpapahamak sa ating bansa. Ang Pilipinas ay
atingbansa, ito ay para sa atin at tayo bilang mga Pilipino ay para sa kanya. Sa ano mang ginagawa,
isipinnatin ang ikabubuti nito sapagkat ang Pilipinas lamang ang nagbubukod tanging Inang Bayan natin.

You might also like