Professional Documents
Culture Documents
Ang Pasong Tirad ay isang makitid na landas na patungong Cervantes, Ilocos Sur at
Lepanto, Benguet. Bago tumuloy sa Ilocos ay iniwan ni Emilio Aguinaldo si Gregorio del
Pilar upang hadlangan ang mga Amerikano.
Samantala, si Gregorio del Pilar, na may 60 kawal, ay humimpil sa Pasong Tirad at dito
hinintay ang pagdating ng mga kalaban. Ika-2 ng Disyembre, 1899, nang dumating sina
Peyton March, agad naglaban ang dalawang panig. Napilitang umurong ang mga
Amerikano dahil maganda ang lokasyon nina del Pilar.
Sa tulong ni Januario Galut, isang Igorot, ay nalaman ng mga Amerikano ang isang lihim
na lagusan sa likuran ng pinagkukutaan nina del Pilar.
Buong tapang na nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano hanggang
namatay si Gregoria del Pilar, ang Bayani ng Pasong Tirad, na kinilala rin ng Estados
Unidos
3. Balangiga Masaker
Noong Setyembre 22, 1901 ay nangyari ang tangkang panggahasa sa isang dalagang
nagbabantay sa tindahan ng tuba. Nasaksihan ito ng dalawang kapatid na lalake ng babae ang
pangyayari at kanilang binugbog ang dalawang lasing na Amerikano.
Ikinagalit ni Captain Thomas Connell ang nangyari at ipinag-utos ang paglilinis sa Balangiga.
Kinumpiska ang mga itak at sinira ang mga bigasng mga taga-Balangiga. Pwersahang
pinagtrabaho ang 143 na kalalakihan at pagkatapos ay ikinukulong magdamag.
Dumating ang grupo ni Captain Edwin Victor Bookmiller at inilibing ang mga namatay nilang
kasamahan pagkatapos ay sinunog ang buong bayan ng Balangiga. Sa sumunod na buwan ay
ipinag-utos ni Brigadier General Jacob H. Smith na patayin lahat ang mga kalalakihan edad 10
pataas. Nilapastangan naman ang mga kababaihan. Mula Oktubre 1901 hanggang Enero 1902
ay mahigit 15 libong taga-Samar ang walang awang pinagpapatay ng mga Amerikano.
Ang Kasarinlan ng Pilipinas at ang Unang Republika
Tungo sa Pagtatatag ng Kongreso ng Malolos
Bilang pagtupad sa kasunduan sa Biak-na-Bato, nilisan ni Emilio Aguinaldo kasama ang ilang
mga rebolusyonaryo ang Pilipinas patungong Hongkong noong Disyembre 27, 1897. Lingid sa
kaalaman ng iba ay nagkaroon ng pag-uusap sina Aguinaldo at George Dewey, ang lider ng plota
ng mga Amerikano sa Silangan. Kaya sa utos ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika ay
bumalik sina Aguinaldo at mga kasama nito sakay ng barkong McCulloch noong Mayo 3, 1898 sa
Pilipinas.
Dahil sa pag-uusap nina Aguinaldo at Dewey ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga Pilipinong
Rebousyonaryo ukol sa pagnanais nilang lumaya sa mga Espanyol at ang pagtatatag ng Unang
Republika ng Pilipinas. Kasama sa kanilang napag-usapan ang pagtatag ng Pamahalaang
diktaturyal noong Mayo 24, 1898 para mapag-isa ang mga Pilipino tungo sa isang Pamahalaang
Rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898.
Sa payo ni Apolinario Mabini, nabuo ang Kongreso ng Malolos. Pinasinayaan ito noong
Setyembre 15, 1898 sa Simabahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.
Nahalal na pangulo ng Kongreso si Pedro Paterno. Ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso
ay ang paghahanda ng Saligang Batas o Konstitusyon. Bagama’t tinutulan ni Mabini, natuloy pa
rin ang paghahanda ng Konstitusyon ng Malolos. Ito ay nagtatakda ng isang pamahalaang
demokratiko na may tatlong sangay; ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal.
Nang makabalik si Emilio Aguinaldo sa Maynila noong ika-19 ng Mayo 1898 ay agad siyang
nagtatag ng pamahalaang diktaturyal at itinalaga ang sarili bilang pangulo nito.
Layunin ng pamahalaang ito na pag–isahin ang pagkilos ng mga Pilipino sa buong bansa laban sa
mga Espanyol. Sa paniniwalang talo na ang Espanya, naisip ni Aguinaldo na ipahayag na ang
kalayaan ng Pilipinas.
Ang Hunyo 12, 1898 ay isa sa pinakamahahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas at sa buhay
ng mga Pilipino dahil ito ang araw ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite;
kalayaang hindi naranasan sa loob ng 333 taon.
Ang deklarasyon ng kasarinlan ay binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista na nilagdaan ng 98
katao sa pangunguna ni Aguinaldo at ng mga kinatawang Amerikano.
Iwinagayway ang bandila ng Pilipinas na tinahi pa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo,
sa saliw ng Marcha Filipina Magdalo na nilikha ni Julian Felipe na naging pambansang awit
matapos lapatan ng titik ni Jose Palma. Sinasabing nag-iyakan sa tuwa ang mga Pilipino ng mga
sandaling iyon. Noong ika-23 ng Hunyo, 1898, binuwag ni Aguinaldo ang pamahalaang
diktaturyal at ibinalik ang Pamahalaang Rebolusyonaryo ngunit siya ay nananatiling pangulo ng
bagong pamahalaan