Ang istorya ay nagsimula noong si dating Heneral Antonio Luna
ay pinatay ng hukbong kawit noong ika-5 ng hunyo taong isang libo walong daan siyamnapu’t siyam. Sa parehong araw, si Presidente Aguinaldo ay ipinatanggal alaht ng opisyales na tapat kay Luna at nag- utos na dakpin sina Pangunahing Manuel Bernal at Kapitan Jose Bernal. Habang kontrolado ng pwersa ng Amerika ang Maynila, sila Presidente Aguinaldo at ang kaniyang gabinete ay ksalukuyang nananatili sa lupain ng Tarlac, Nueva Ecija, at Pangasinan. Ang unang pangyayari ay noong ika-7 ng hunyo taong isang libo walong daan siyamnapu’t siyam sa Dagupan, Pangasinan ay tuluyan ng nadakip nina Heneral del Pilar sina Manuel Bernal at Jose Bernal. Ang dalawang ito ay hindi sumanib sa pangkat ni Del Pilar upang pagsilbihan ang presidente kaya’t agad din silang winakasan ng buhay. Sa panahon ding ito nakilala ni Gregoryo ang babaeng tunay na nagpatibok ng kanyang puso na si Remedios Nable Jose. Sinalubong din ng maraming taong humahanga kay Goyo ang pagbisita niya sa Dagupan na halos lahat ng babae roon ay nahumaling sa taglay nyang kakisigan. Ang sumunod namang pangyayari ay noong sinadya mismong puntahan ni Presidente Aguinaldo si dating Punong Ministro Apolinario Mabini upang alukin ito sa posisyon na pagiging Pangulo ng Korte Suprema upang mapamunuan nito ang rebolusyon. Agad naman itong pumayag sa ngalan ng bayan sa prinsipyong kanilang ipinaglalaban at ito ay ang kalayaan at kapayapaan. Ikatlong pangyayari ay naganap noong Setyembre taong 1899 kung saan tamungo si Heneral Alejandrino sa Maynila kasama ang labing tatlong amerikanong bihag kapalit ang pakikipagpulong kina Heneral Otis at Heneral McArthur. Ang naganap na pakikipagpulong ay tungkol sa pakikipagkasundo na nais maganap ni Presidente Aguinaldo ngunit ang mga amerikano ay nakikita lamang na isang heneral si Aguinaldo at hindi bilang isang presidente kay’t wala ring nangyari sa pagpupulong na ito. Nagpatuloy ang pansamantalang kapayapaan sa nakalipas na mga buwan ngunit ito’y isang hudyat ng paparating na matindi at madugong labanan sa pagitan ng mga amerikano at pilipino; Oktubre sa nasabing taon ay sumiklab ang paunang labanan na ang bilang ng mga amerikano ay higit sa isang daan at wala pang ni-isang sugatan at patay, habang ang hukbong pilipino ay labing lima ang sugatan ata dalawampu ang patay. Sa kondisyong ito walang kalaban laban ang mga pilipino kaya’t minabuti na ni Heneral Del Pilar ang umatras muna, ito ay naganap sa Nueva Ecija. Noong walang wala na talaga ay tinipon na ang brigada o mga sundalo sa pagitan nina Hen. Del Pilar at Presidente Aguinaldo sa lupain ng Santa Barbara, Pangasinan noong ika-12 ng Nobyembre sa nasabing taon. Ang pagtitipong ito ay upang maglakbay patungong norte. Mabilis kumilos ang mga amerikano kaya’t madalas ang paglipat lipat ng lugar ng heneral at pangulo, sa sobrang haba ng paglalakbay ay umabot na sa puntong wala ng makain at mainom ang bawat isa kundi ang pagngalot ng tubo. Sa kanilang paglalakbay ay narating nila ang bayan ng Cervantes, Ilocos Sur at muli nilang nakita si Tinyente Garcia, isang sundalong tapat na lumaban para sa bayan noong panahon na iyon sa pamumuno ni Heneral Luna. Makikita mo ang buong bayan dahil sa kataasan ng lugar ng Cervantes, matutunton mo rin kung may paparating bang mga kalaban mula sa itaas. Ito ay nagresulta sa istratehiyang naisip ni Goyo kung paano makalamang sa mga amerikano sa laban at ito ay magbibigay ng mahabang oras sa presidente upang makatakas. Ika-2 ng disyembre sa nasabing taon ay sumiklab ang makapanindig balahibong labanan ng mga pilipino’t amerikano sa lupain ng Bundok Tirad, Ilocos Sur na kung tawagin ay labanan sa Tirad Pass. Ang labanang ito ay sa pagitan ng hukbo ni Pangunahing Pylen C. March at Heneral Del Pilar kung saan ginawa ng mga sundalo ang lahat ng kanilang makakaya upang ipanalo ang labanan ngunit sa dulo’y nanaig ang pwersang amerika at nakitil ang batang bayaning si Goyo at wala itong pinagsisihan dahil naging sundalo siya hanggang sa dulo at natitirang oras sa mundo. Marso dalawampu’t tatlo taong isang libo siyam na raan at isa sa lupain ng Palanan, Isabela ay tuluyan nang nadakip si Aguinaldo sa kagagawan ng mga kapwa pili[inong lubos ang galit sa kanya. Ito ay sa kadahilanang pinabayaan nya ang taong bayan kaya’t iniwan din siya ng mga ito. At sa huli noong taong isang libo siyam na raan tatlumpu’t lima ay muling humabol bilang presidente si Aguinaldo ngunot nanaig ang pangalang Manuel L. Quezon sa taong bayan kaya’t ito ay nagresulta sa pagkatalo ni Emilio Aguinaldo.