You are on page 1of 4

Pásong Tírad

Ang Pásong Tírad ay isang makitid na lagusan sa Bundok Tirad na bahagi naman ng kabundukan ng bayan
ng Concepcion (Gregorio del Pilar ngayon), Ilocos Sur sa may kanlurang bahagi ng Cordillera. May taas
itong 1300 metro na natatakpan ng mga ulap tuwing maulan.

Dahil sa tarik nito, hindi makikita ng sinumang paakyat ng paso ang mga nakatuntong dito. Dahil sa
estratehiko nitong posisyon, pinili ni Heneral Gregorio del Pilar ang nasabing lugar upang harangin at
gulatin ang pangkat ng Americano na nais
hulihin si Pangulong Emilio Aguinaldo na
tumatakas nang pahilaga. Inutusan niya ang
kaniyang 59 piling kawal na maghukay sa tatlong
level ng paso. Dito, maaari nilang barilin at
tapunan ng bato ang mga paakyat na
Americano.

Noong 2 Disyembre 1899, ginulat nina del Pilar


ang 500 sundalong Americano na
pinamumunuan ni Major Peyton C. March.
Nahirapan ang mga Americano na masupil
sina del Pilar dahil sa kasikipan at katarikan
ng nasabing paso.

Sa kasamaang-palad, nalaman ng mga Americano, sa tulong ng isang lalaking nangangalang Januario


Galut, ang tanging daan papunta sa itaas ng Pasong Tirad sa mismong likuran nina del Pilar. Sumalakay
ang puwersang Americano sa pamamagitan ng daang ito. Pagkatapos ng ilang oras na pagsalakay ay
dalawa na lamang ang natira sa puwersa ng mga Filipino at kasama si del Pilar sa mga nasawi.

Matapos ang labanan, nakuha ang talaarawan ni del Pilar. Narito ang isang bahagi nito: “Ibinigay sa akin
ni Heneral ang lahat ng tauhan na maaring ilaan sa akin at inutusan niya ako na ipagtanggol ang paso.
Nauunawaan ko kung gaano kabigat ang ipinagagawa sa akin, pero pakiramdam ko, ito ang
pinakamaluwalhating sandali ng aking buhay. Wala nang sakripisyo ang hihigit pa sa gagawin ko para sa
aking mahal na bayan.” (MBL)
Másakér sa Balangigà

May dalawang mukha ang tinatawag na Másakér sa Balangigà. Una, ito ay isa sa mga tagumpay ng
hukbong Filipino sa panahon ng Digmaang Filipino-Americano. Naganap ang maramihang pagpatay sa
isang pangkat ng sundalong Americano sa Balangigà, Samar noong 28 Setyembre 1901. Ikalawa, ang
malagim na higanti ng hukbong Americano sa pamamagitan ng sistematikong pagsunog sa mga bahay,
pagpatay ng mga bihag na gerilya, pati ng mga sibilyan at alagang hayop, hanggang magmistulang
tiwangwang ang maraming bayan ng Samar.

Dumating sa Balangiga ang Company C ng 9th US Infantry Regiment noong 11 Agosto 1901 para isara ang
daungan ng bayan at pigilin ang suplay para sa mga gerilya sa ilalim ni Heneral Vicente Lukban. Mainam
sa simula ang pakikitungo ng mga Americano sa mga mamamayan. Ngunit noong ikalawang linggo ng
Setyembre, nabalitaan ng mga Americano ang pagdalaw ng isang pangkat ng gerilya. Naghigpit ang mga
Americano. Ipinatipon ang mga lalaki at 80 ang binimbin nang hindi kumakain magdamag. Sinamsam din
ang mga gulok. Nagplano ng ganti ang mga taga-Balangiga.

Ilang araw bago ang salakay, nagkunwang dumami ang mga lalaki na nagtatrabaho bilang paghahanda sa
pista. Nagpasok din ng maraming tubâ para malasing ang mga sundalo. Ilang oras bago ang salakay,
pinaalis ang mga babae at batà. Nagbihis babae ang mga lalaki at kunwa’y pupunta sa misa. Bago mag-
ikapito ng umaga ng Setyembre28, kumilos si Valeriano Abanador, hepe ng pulisya sa bayan at isa sa
pasimuno ng salakay. Sinunggaban niya ang isang sundalong Americano. Kumilos ang lahat, pati ang mga
detenido, at halos di-nakaputok ang nabiglang mga sundalo. Marami na ang patay bago nakapagtanggol
ang natitira at naitaboy ang mga Filipino. Sa 74 tauhan ng Company C, 36 ang napatay sa labanan,
kasama sina Kapitan Thomas W. Connell at Medyor
Richard S. Griswold, 22 ang nasugatan, at apat ang
nawawala. Nakakuha ng 100 riple at maraming
amyunisyon ang mga taga-Balangiga, at 28 sa kanila ang
nasawi at 22 ang sugatan.

Galít na galít si Heneral Jacob Smith nang iutos na


puksain ang mga taga-Samar. “The interior of Samar must
be made a howling wilderness,” utos niya kay
Medyor Littleton Waller. Sa isang report pagkaraan ng 11 araw, iniulat na Waller na sinunog ng mga
tauhan ang 255 bahay, binaril ang 13 kalabaw, at pinaslang ang 39 tao. May mga historyador na
nagsasabing libo-libo ang napuksa sa Samar bago matapos ang digmaan. Ninakaw din ang tatlong
batingaw ng Balangiga, bilang war booty, at hindi isinasauli hanggang ngayon sa kabila ng mga opisyal na
petisyon ng Filipinas. (VSA)

Ang Kasunduang Bates ay tinatawag din o mas kilala sa tawag na Bates Treaty. Ito ay nilagdaan ni Sultan
Hadji Mohammed Jamalul Kiram II ng Sultanate of Sulu noong Agosto 20,1899. Ang kasunduan ay nag -
lalaman ng pag suporta at pag respeto sa Moro autonomy sa
pagitan ng Estados Unidos at Sultanato ng Sulu at hindi
pamimigay ang isla at hindi rin i-pag bebenta ang nasabing
kapuluan. Ang karapatang ito ay nangangahulugan ng
pagpapatupad ng pagsulong ng karapatan nila sa
Sulu at nang sa gayon ay matamo ng Sultanate of Sulu at Moro
Autonomy ang matinding pagrespeto ng gobyerno ng US
para sa kanila. Sa ilalim ng Kasunduan ni Gen. John C. Bates ay makakatanggap ng bayad o salapi buwan
buwan ang Sultanato at ang mga Datu.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kasunduang bates maaaring sumangguni sa link na ito:
brainly.ph/question/714034

Mga kondisyon sa Kasunduang Bates:

Hindi pamimigay ng isla at hindi rin pag benta ng nasabing kapuluan sa ibang bansa.

Pag-papatayo ng America ng mga garrison upang mamalagi at Gamitin ang ibang ispasyo, ilalim ng
Estados Unidos.

Ang gagamiting bandera sa pagkakakilanlan ng Sulu ay bandera ng Estados Unidos.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga sumusunod na kondisyon sa kasunduang bates


maaaring sumangguni sa mga link na ito:

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/754709#readmore


Isang mahalagang pangyayari ang tuluyang nagpasimula sa Digmaang Amerikano-Espanyol. Ito ay ang
pasabugin ang barkong MAINE ng U.S.A.,sa baybayin ng Havana sa Cuba ,noong Pebrero
15,1898.Ikinamatay Ito ng higit kumulang 246 na katao.Bagama't walang tambayan,isinisi ng US sa Spain
ang insidente at naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng pakikidigma ng US sa Spain noong ABRIL
25,1898.

Sa utos ni Kalihim John D.Long ng Us,naglayag ang gumbo ni Commodore George Dewey,mula Mirs Bay
malapit sa Hong Kong,patungong Pilipinas.Gamit ang Battle cry "Remember the Maine" ginapi ng mga
Ito ang Hukbong pandagat ng mga Espanyol sa ilalalim ni Admiral Patricio Montojo sa Manila

Pagpapatuloy ng Laban

Baguhin

Matapos mapagwagian ni Dewey ang Battle of Manila Bay,bumalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas noong
Mayo 19 upang muling pamunuan ang himagsikan laban sa mga Espanyol.Gamit ang perang natanggap
mula sa kasunduan,bumili si Emilio Aguinaldo ng mga armas at bala para pagpatuloy ang laban.

Mainit ang naging pagsuporta ng mga Pilipino sa pagbabalik ni Emilio Aguinaldo.Maraming mga
rebolusyonaryo ang nagtungo sa kaniya upang manumpa ng katapatan sa kilusan.Maraming Pilipinong
sundalong nanungkulan sa Hukbong Espanyol din ang nanumbalik sa panig ng mga rebolusyonaryo.

Mayo 24,nang itatag niya ang isang pamahalaang diktatoryal upang pamunuan ang mga Pilipinong
Rebolusyonaryo.Nilayon niyang maging pansamantala lamang ang pamahalaang ito hanggang sa
makamit ng Pilipinas ang kalayaan ng Spain .

Sa katapusan ng Hunyo 1898,nadakip ng pangkat ni Emilio


Aguinaldo ang higit kumulang 5000 espanyol at nabawi ang
halos kabuoan ng Luzon maliban ang daungan ng Cavite at
Maynila.

You might also like