You are on page 1of 1

Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa

Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng


Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang
Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.

Ang araw ng paggunita ng kasarinlan ay nag-iba-iba sa buong kasaysayan ng bansa.


Ang pinakaunang tala ay noong 12 Abril 1895, kung kailan tumungo sina Emilio Jacinto,
Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro
Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban,
Rizal upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Sinulat ni Bonifacio
ang Viva la independencia Filipina! o Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng
kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan. Namuno din si Bonifacio
sa Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyong Pilipino. Dito pinunit ng
mga kasapi ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio ang kanilang mga sedula bilang
pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.
Noong 1896 ay sumiklab ang Rebolusyong Pilipino at noong Disyembre 1897 ay
nagkasundo ang mga mananakop na Kastila at mga rebolusyonaryo sa ilalim
ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Bilang pagsunod sa kasunduan, pinatapon sa Hong
Kong sina Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinuno ng himagsikan.
Noong 5 Hunyo 1898, naglabas si Aguinaldo ng isang kautusan na nagtatakda sa 12
Hunyo 1898 bilag araw ng pagpapahayag ng kasarinlan. Pinamunuan ni Aguinaldo ang
nasabing kaganapan sa kaniyang tirahan sa Kawit, Cavite na noon ay kilala bilang
Cavite El Viejo. Ang Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino ay
taimtim na binasa ng patnugot nito na si Ambrosio Rianzares Bautista, na nagsilbing
tagapayo sa digmaan ni Aguinaldo at kaniyang espesyal na delegado. Ang
kapahayagan na naglalaman ng 21 pahina ay nilagdaan ng 97 mga Pilipino, na tinalaga
ni Aguinaldo, at isang retiradong opisyal ng artilerya ng hukbong Amerika na si Koronel
L.M. Johnson. Ang watawat ay opisyal na winagayway sa unang pagkakataon bandang
4:20 ng hapon, habang pinapatugtog ng banda ng San Francisco de Malabon
ang Marcha Nacional Filipina.

You might also like