You are on page 1of 17

Pagsisimula ng

kalayaan ng
Pilipinas

Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas
Talaksan:File:Acta de la proclamacin de independencia
del pueblo Filipino-parte1.gif
Araw ginawa Mayo-Hunyo 1898
Ratified Hunyo 12, 1898
Location National Library of the
Philippines
May Akda Ambrosio Rianzares
Bautista
Emilio Aguinaldo
Mga Pumirma 98 delegado
Layunin Upang iproklama ang
soberanya at kasarinlan
ngPilipinas mula sa
pamumunong kolonyal
ngEspanya
Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay
iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el
Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite),Pilipinas.
Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamacin
de independencia del pueblo Filipino), na isinulat
ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng
puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni
Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya
ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong
kolonyal ng Espanya.

Mga nilalaman

1 Kasaysayan
1.1 Karanasan
2 Ang pagpapahayag ng Hunyo 12
2.1 Pakikibaka para sa kasarinlan
2.2 Ang kasalukuyang lokasyon ng Pagpapahayag
3 Ang teksto ng "Akto ng Pagpapahayag ng
Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino"
4 Mga tala
5 Tignan din
6 Talasanggunian
7 Panlabas na Kawing

Kasaysayan
Karanasan
Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896. Noong Disyembre
1897, nilagdaan ng pamahalaang Espanya at mga rebolusyonaryo
ang isang kasunduan, ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, na siyang
nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000 piso sa
mga rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at iba pang mga
lider sa Hong Kong. Noong Abril 1898, noong pumutok
ang Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George
Dewey lulan ng U.S.S. Olympia mula Hong Kong patungong Look
ng Maynila at pinamunuan ang pagdating ng Asiatic
Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1 Mayo, 1898,
ginapi ng Estados Unidos ang Espanya saLabanan sa Look ng
Maynila. Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na bumalik ng Pilipinas para
tulungan ang hukbong Amerikano na labanin ang Espanya.
Pumayag ang Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik
lulan ng USS McCulloch, at noong 19 Mayo, nakarating siya ng
Cavite.
Aguinaldo na bumalik ng Pilipinas para tulungan ang
hukbong Amerikano na labanin ang Espanya. Pumayag ang
Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan
ng USS McCulloch, at noong 19 Mayo, nakarating siya ng
Cavite.


Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896.
Noong Disyembre 1897, nilagdaan ng pamahalaang
Espanya at mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan,
ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, na siyang
nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000
piso sa mga rebolusyonaryo at maipatapon si
Aguinaldo at iba pang mga lider sa Hong Kong. Noong
Abril 1898, noong pumutok ang Digmaang Espanyol-
Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey lulan
ng U.S.S. Olympia mula Hong Kong patungong Look ng
Maynila at pinamunuan ang pagdating ng Asiatic
Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1
Mayo, 1898, ginapi ng Estados Unidos ang Espanya
saLabanan sa Look ng Maynila. Nagpasiya si Emilio
Ang pagpapahayag ng Hunyo 12




Ang orihinal na bandila na iwinagayway ni
Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapahayag ng
kalayaan noong 1898.

Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng
ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni
Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila. Nakita sa
pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng
Pilipinas, na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo,
Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog
ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala
ngayon bilang Lupang Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at
pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.
[2]

Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at
binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang
pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang
opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa
proklamasyon. Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang
"estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na
nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan, si G. L. M.
Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A, isang
Koronel ng Artilerya".
[3]
Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng
Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami
nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag
ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.
[4][5]

Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan, binago ng Kongreso ng
Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario
Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na
nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksyon
ng Estados Unidos.

Pakikibaka para sa kasarinlan
Hindi kinalala ng Estados Unidos o ng Espanya man
ang kapahayagan.
Kinalaunan, noong 1898, ibinigay ng Espanya ang
Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa
Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang
Espanyol-Amerikano.
Hini kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong
Pilipino ang kasunduan o ang soberanya ng Amerika,
at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay
nagapi. Sila ay unang kinilala ng mga puwersang
Amerikano bilang, minsa'y opisyal, na "Insureksyong
Pilipino" (Philippine Insurrection) ngunit kinalaunan
tinawag ding itong Digmaang Pilipino-Amerikano
Ang kasalukuyang lokasyon
ng Pagpapahayag
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pambansang
Aklatan ng Pilipinas ang Pagpapahayag.
[1]
Hindi siya
ipinapakita sa publiko, ngunit maaari itong matignan
ng may pahintulot, tulad ng ibang mga dokumento na
nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan.
Noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano,
nakuha ng pamahalaang Amerikano ang mga 400,000
makasaysayang dokumento at ipinadala ang mga ito sa
Estados Unidos.
[11]
Noong 1958, ipinagkaloob sa
pamahalaang Pilipino ang mga dokumentong ito,
kabilang na ang dalawang set ng microfilm ng buong
koleksyon, kung saan nasa pangangalaga ng
Pamahalaang Pederal ng Estados Unidos ang isang set.
Pagbunyi ang Araw ng Kalayaan

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi
nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Araw ng Kalayaan
Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo
12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya
matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila
Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at
Amerika.
Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan
tuwing ikalabindalawa ng Hunyo, ang sinasabing tunay nitong
kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ikaapat
ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o
pagkamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga
mananalaysay. Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang
maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964.
Isinasaad sa batas na ito na ang petsang Hunyo 12,mula pa sa
panahong kinikilala ito bilang Araw ng Watawat ay siya ring
Araw.
Ang Proklamasyon

Ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng
paghahayag sa gitna ng pulutong ng mga tao noong
Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas kuwatro at alas
singko ng hapon. Ginanap ang makasaysayang
kaganapan sa ansestral na tahanan ni Pangulong
Emilio Aguinaldo sa Caviete el Viejo (na ngayon ay
kawit, cavite) tatlumpung kilometro sa katimugan ng
Manila. Isa sa naging tampok na pangyayari ay ang
paglaladlad sa pambansang watawat ng Pilipinas na
ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza
Agoncillo at Delfina Herboza at ang pagtatanghal
ng Marcha Filipina Magdalo, ang tinaguriang
pambansang awit ng Pilipinas na ngayon ay
naging Lupang Hinirang, na isinulat ni Julian Felipe at
tinugtog ng San Francisco de Malabon Marching band.

Kasaysayan
Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na
proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa
kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at
walong tao ang lumagda sa naturang proklamasyon
kabilang na ang isang opisyal na amerikano, si
L.M.Johnson.
Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del
pueblo Filipino, ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay
ginawan ng balangkas at binasa sa naturang pagdiriwang
ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang
Pilipinas ay malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya.
Ang bansang Espanya ay dumating sa Pilipinas noong
1521 at itinuring ang Pilipinas na lupang kanyang
nasasakupan sa loob halos ng apat na siglo.

You might also like