Professional Documents
Culture Documents
Ang 13 Martír ng Cavíte (Trece Martires) ay binitay ng mga Español noong 12 Setyembre
1896 sa harap ng Plaza de Armas, malapit sa San Felipe, Lungsod Cavite. Napaghinalaan ang
labintatlo na kabilang sa nagbalak ibagsak ang mga Español nang mag-alsa ang mga taga-Cavite
sa pamumunò ni Heneral Emilio Aguinaldo noong31 Agosto 1896. Dinakip silá, ikinulong,
madaliang nilitis, at hinatulan ng kamatayan.
Ipinalalagay na namatay dahil sa makabayang layunin, ang labintatlo ay sina Maximo Inocencio,
Jose Lallana, Eugenio Cabezas, Maximo Gregorio, Hugo Perez, Severino Lapidario, Alfonso de
Ocampo, Francisco Osorio, Antonio San Agustin, Luis Aguado, Agapito Conchu, Victoriano
Luciano, at Feliciano Cabuco. Matapos barilin, sáma-sámang ibinaón ang mga bangkay sa
sementeryo ng mga Katoliko sa Caridad, Cavite.
Pitó sa mga bangkay ang nailipat sa magkakahiwalay na nitso at ang iba ay nanatiling sáma-
sáma sa iisang libingan. Isang monumento ang itinayô sa Lungsod Cavite bilang alaala sa kanila.
Ipinangalan sa pangkat ang Lungsod Trece Martires, Cavite; ang labintatlong barangay ng bayan
ay nakapangalan din sa mga martir. (PKJ)
LADISLAO DIWA SHRINE
Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San Francisco de
Malabon, Cavite, ang dalawang paksiyon ng Katipunan sa lalawigan—ang Magdíwang na
pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang Magdaló na pinan-
gungunahan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ang tinatawag
ngayong Kumben siyóng Tejéros (Te·hé·ros). Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng mga
plano at pagkilos upang palakasin ang depensa sa Cavite. Gayunman, sa halip na talakayin ang
nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga lider ng Katipunan sa naturang
probinsiya na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng Katipunan at maghalal
ng mga opisyal para dito.
Tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibang ito at ipinuntong may konstitusyon at gobyernong
kasalukuyang umiiral—ito ay ang Katipunan. Gayunman, nanaig ang kagustuhan ng mga
Kabitenyong Magdalo. Bagama’t atubili, pinanguluhan ni Bonifacio ang eleksiyon sa
garantiyang igagalang ng nakararami kung anuman ang maging resulta nitó. Sa halalang ito
lumabas sina Emilio Aguinaldo bilang presidente; Mariano Trias, bise-presidente; Artemio
Ricarte, kapitan-heneral; Emiliano Riego de Dios, direktor ng digma; at si Andres Bonifacio,
bilang direktor ng interyor. Gaya ng pambabalewala sa orihinal na adyenda ng kumbensiyon, ang
pagkakahalal kay Bonifacio ay inusisa ni Daniel Tirona at sinabing tanging may pinag-aralan
lámang ang maaaring mag-okupa sa nasabing posisyon. Bunga ng pambabastos na ito, idineklara
ni Bonifacio bilang tagapangulo ng pagpupulong at supremo ng Katipunan na walang bisà ang
nasabing halalan.
Gayunman, buo na ang loob ng mga Kabitenyong Magdalo at itinuloy ang pagpapairal sa halalan
sa Tejeros. Mabilisang pinanumpa si Aguinaldo bilang bagong pinunò. Pagkaraan, itinuring na
hadlang si Bonifacio sa bagong gobyernong rebolusyonaryo kayâ ipinadakip bago makalabas ng
Cavite, nilitis, at hinatulan ng kamatayan. (LN)
SANTA MARIA MAGDALENA PARISH
Ang Santa Maria Magdalena Parish Church ( Saint Mary Magdalene Parish Church) ay isang
simbahang Romano Katoliko sa Magdalena, Laguna, Pilipinas sa ilalim ng Roman Catholic
Diocese of San Pablo.
Kasaysayan
Ang Magdalena ay dating kilala bilang Ambling, isang baryo ng Majayjay hanggang sa ito ay
itinaas bilang isang bayan noong 1821. Ang unang simbahan, na gawa sa cogon at kahoy ay
itinayo noong 1820 at inialay kay Maria Magdalena. Si Antonio Moreno ay hinirang na unang
kura paroko nito noong 1821. Ang pahintulot na magtayo ng simbahang bato ay iniutos ni
Kapitan Pablo de la Concepción noong 1829. Upang makakuha ng pondo para sa simbahan, ang
mga tao ay pinilit na magbayad ng buwis at mag-quarry ng buhangin at mga bato mula sa ilog.
Ang pagtatayo ng gusali ng simbahan ay itinigil noong 1839, nagpatuloy noong 1849 at natapos
noong 1855 sa ilalim ng direksyon nina Maximo Rico, Jose Cuesta, Joaquin de Coria at
Francisco de Paula Gonzalez. Ang pagtatayo ng kampanaryo ay natapos noong 1861.
NAGCARLAN UNDERGROUND CEMETARY
Ang Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna ay isa sa mga uri ng sementeryo na makikita
sa Pilipinas dahil ito ay makikita sa baba ng simbahan. Ang sementeryo na ito ay puno ng
kasaysayan. Ito ay ginawa at binuo noong 1845 para sa isang misa na isinagawa ni Franciscan
priest Fr. Vicenter Velloc. Siya rin ang direktor sa pagsasagawa ng underground graveyard na
may taas na 15 na talampakas sa baba ng simbahan.
Ang Nagcarlan Underground Cemetery ay isa rin sa National Historical Landmark sa Laguna
dahil ito ay ginamit ng mga Katipunero para sa tago na lugar. Dito nagtatago ang mga
Katipunero para magplano at magtago noong Filipino - American War. Dito rin nagtago ang mga
guillero na nakikipaglaban sa mga hapon noong World War 2.
LUNETA PARK
Ang kasaysayan ng Luneta Park ay nag simula noong taong 1820, at mula noon ay nagpatuloy
itong maging mahalagang bahagi ng ating kultura at kasaysayan. Ito ang lugar kung saan
nagaganap ang mga mahahalagang pangyayari na nagmarka sa ating bansa.
Bukod sa Rizal Monument, ang Luneta Park ay may iba’t ibang mga pasyalan at mga atraksyon
na nagpapahalaga sa kultura at sining ng Pilipinas. Makikita dito ang mga kahanga-hangang
hardin at mga tanawin na nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan. Mayroon din itong mga
museo tulad ng National Museum at mga establisyemento ng sining at kultura na nag-aalok ng
mga pagkakataon para sa mga bisita na mas maunawaan ang kasaysayan, sining, at kultura ng
ating bansa.
Ang Luneta Park ay hindi lamang isang pook ng kasaysayan at pagdiriwang, ito rin ay isang
lugar ng pahingahan at panonood ng mga magagandang tanawin. Madalas na dito nagpapahinga
ang mga tao, naglalakad, nagpi-picnic, o nagbabasa sa ilalim ng mga puno. Ito ay isang taguan
ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan ng lungsod.
Sa kabuuan, ang Luneta Park ay isang pook ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino, isang lugar na
nagpapahalaga sa ating kasaysayan, kagandahan ng kalikasan, at mga pagdiriwang ng ating
kultura. Ito ay isang lugar na dapat bisitahin ng bawat Pilipino upang maunawaan at maipamalas
ang kahalagahan ng ating pagkakakilanlan at ang yaman ng ating bansa.
EDSA SHRINE
Ang EDSA Shrine (Our Lady of Peace Quasi-Parish) ay matatagpuan sa kahabaan ng Epifanio
de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo bilang tanda ng naganap na
mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution) noong 1986, na nagpatalsik kay dating
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang
pagtitipon-tipon ng iba't ibang samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos
upang iligtas ang nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si
Juan Ponce Enrile.
Ang orihinal na pangalan ng Fort Santiago (Fort San·ti·yá·go) ay Fuerza Santiago, isang
tanggulang moog na sinimulang itayô noong 1590 at natapos noong 1739 sa dating lugar na
kinalalagyan ng matandang Maynilad na matatagpuan sa bunganga ng Ilog Pasig. Bahagi ito ng
mga estrukturang bumubuo sa siyudad ng Intramuros, ang itinuturing na “Lungsod Maynila”
noong panahon ng mga Español. Pinangalanan ito ni Gobernador Santiago de Vera bilang
parangal sa kaniyang patron na si Santiago. Ang pader na nakapalibot dito at nagsisilbing
proteksiyon ay may kapal na walong talampakan at taas na dalawampu’t dalawang talampakan.
Hindi maikakaila ang kahalagahan nitó sa kasaysayan ng Filipinas. Sa panahon ng kolonisasyon,
ito ang nagsilbing pangunahing tanggulang moog ng gobyernong Español. Ginawa din itong
bilangguan. Dito ikinulong at ginugol ni Jose Rizal, ang pambansang bayani, ang kaniyang mga
hulíng araw bago siyá bitayin noong 30 Disyembre 1896. Mula sa kanyang selda, sinulat niya
ang kaniyang hulíng tula na Ultimo Adios.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Fort Santiago ang nagsilbing punòng himpilan ni
Heneral Douglas MacArthur at mula dito niya pinamunuan ang hukbong Filipino-Americano
laban sa mga mananakop na Hapones. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, ang Fort
Santiago ay naging kasingkahulugan ng kamatayan para sa mga Filipino. Dito isinagawa ng
mga kempeitai, pulis-militar ng mga Hapon, ang matinding pagpapahirap o parusa sa mga
napaghihinalaang miyembro ng gerilya. Maraming Filipinong namatay sa mga selda nitó. Sa
liberasyon ng Maynila noong 3 Pebrero 1945, dumanas ng matinding pinsala ang moog sa
bombahan ng magkalabang puwersa.
Sa kasalukuyan, ang moog at ang mga selda nitó ay isa nang pambansang dambana. Mula sa
imahen nito ng pagpapahirap at kamatayan, ito ngayon ay larawan ng kagandahan at kapayapaan
para sa mga nais lumaya sa magulong buhay siyudad. (LN)
ASILO DE HUERFANOS
Ang Asilo de Huerfanos ay isang bahay-ampunan na nagsimula noong 1887 matapos aprubahan
ng mga Augustinian ang planong pagtatayo ng bagong bahay sa Malabon upang tutuluyan ang
mga ulila ng epidemya na naganap noong 1882 na hanggang noon ay nananatili sa Madaluyong.
Ang bahay-ampunan ay pinagkalooban ng palimbagan, lithography at binding room, maluluwag
na bulwagan para sa mga tindahan at laboratoryo, pananahi at pagbuburda para sa mga batang
babae, at isang silid-aklatan. Itinayo ito bilang bahay-ampunan at paaralan para sa mga bata.
Mayroon din itong printing press na kung saan inimprenta ang dalawang kilalang dyaryo - ang
LA INDEPENDENCIA na itinatag ni Heneral Antonio Luna noong Setyembre 1898 at ang LA
LIBERTAD noong Hunyo 1898 nina Clemente Jose Zulueta at Don Epifanio de los Santos; at
"Ang La Libertad ay inilabas ni Clemente Jose Zulueta sa Malabon gamit ang palimbagan sa
Asilo de Huerfanos ng mga Anti-American Agustinian Friars.
MONUMENTO NI BONIFACIO
Noong 1930, itinaguyod ang isang timpalak para sa disenyo ng monumento ni Bonifacio. Ang
likha ni Tolentino ang nahirang na nagwagi. Pinasinayaan ang Monuménto noong 30 Nobyembre
1933 sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng kapanganakan ni Bonifacio.
May taas na 45 talampakan ang pylon o tore ng Monumento. Nakahápon sa tuktok ang may-
bagwis na pigurang tagumpay. Kinakatawan ng oktagonong paanan ng pylon ang unang walong
lalawigang nag-aklas laban sa pamahalaang Español, at para na rin sa walong sinag sa watawat
ng Filipinas. Ligid ang pylon ng 23 estatwang gawa sa tanso. Ilan sa mga pigura ang kina
Bonifacio, Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan), at Gomburza (Padre Gomez, Padre Burgos,
Padre Zamora), pati na rin ang sa ilang di-kilaláng Katipunerong sumisimbolo ng Sigaw ng
Pugadlawin. (PKJ)
RIZAL SHRINE
Ang Dambanang Rizal ay isang kopya ng orihinal na dalawang palapag, istilong kastilang-
kolonyal na bahay sa Calamba, Laguna kung saan ipinanganak si José Rizal noong Hunyo 19,
1861.[1] Si Rizal ay isa sa mga itinuturing na dakilang bayani ng Pilipinas.[2] Ang bahay ay
itinalaga bilang isang Pambansang Dambana (Antas 1) sa pamamagitan ng Pambansang
Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Mercado Street at
Rizal Street sa Poblacion 5 ng Calamba at malapit sa Simbahan ng Parokya ng San Juan Bautista
at sa Dalubhasaang Panlungsod ng Calamba.
Kasaysayan
Dalawang taon ang ginugol ni Francisco Mercado, ama ni Rizal, upang buoin ang orihinal na
tahanan ng mga Rizal. Kinumpiska ng pamahalaang Espanyol ang tahanan noong 1891. Muling
tinirahan ni Paciano Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ang tahanan noong Himagsikang Pilipino
ngunit muling nakuha ng mga pari. Ang tahanan ay kalaunang binenta at nasira noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig[3] at hindi nagtagal ay nagiba na rin. Binili ng pamahalaan ang natira sa
tahanan ng mga Rizal sa halagang ₱ 24,000.[4]
Taong 1949 ng ipasa ni Pangulong Elpidio Quirino ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 145
[5] na naglalayong muling itayo ang tahanan. Mga batang Pilipinong mag-aaral ang nagbigay ng
karamihan ng pondo para sa proyekto samantalang si Juan Nakpil ang nangasiwang arkitekto.[6]
Nanatiling totoo sa orihinal na bahay, ang panibagong tahanan ay itinayo sa original na
kinalalagyan nito at binuo mula sa mga materyales noong panahong itinayo ang tahanan.
Ang bagong tayong tahanan ay muling binuksan noong ika-19 ng Hunyo 1950 at kasalukuyang
nagsisilbing repositoryo ng mga alaala ni Rizal.
Ang tahanan ay naglalayong magbigay ng tamang representasyon ng bahay kung saan lumaki si
Rizal hanggang sa kanyang pormal na pag-aaral sa Biñan. Sa mga anekdota ni Rizal, madalas
niyang nababanggit ang tahanan niya noong pagkabata, inaalala ang kubong gawa sa sasa sa may
hardin kung saan siya natutong matulog at maglilok; ang kusina kung saan siya natuto ng
alpabeto; ang silid-tulugan kung saan siya natuto magdasal; and silid-aklatan kung saan niya
natuklasana ang mga libro; at ang azotea kung saan siya nakinig sa mga kuwento ng kanyang
lola tungkol sa mga "kalansay, mga nakalibing na kayamanan at mga punong namumunga ng
diyamante.[1][7]