Professional Documents
Culture Documents
Ang Katipunan
Katipúnan ang mas maikli at mas nakilalang pangalan ng samahang Kataas-
taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Isang lihim na
samahan ito na itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata,
Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at iba pa sa isang bahay sa Kalye Azcarraga
(ngayo’y C.M. Recto), Maynila. Nabuo ito noong Hulyo 7, 1892, mismong araw na
ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan.
Kabilang sa mga layunin ng Katipunan ang, una, makamtan ng Filipinas ang
kalayaan sa España sa pamamagitan ng paghihimagsik; ikalawa, maipalagananap
ang kagandaang-loob, kabutihang asal, katapatan, katapangan at ang paglaban sa
bulag na pagsunod sa relihiyon; at, ikatlo, tulungan at ipagtanggol ang mahihirap at
inaapi. Ang Katipunan ang natatanging samahan na nakapaglunsad ng isang
organisado at malawakang paghihimagsik laban sa pamahalaang Español.
Nang madiskubre ang Katipunan ng mga Español, sinasabing may mga kasapi
itong 30,000 hanggang 100,000 sa Maynila at mga karatig lalawigan. Mga balangay
ng Katipunan ang nagsimula ng Himagsikang 1896 na kumalat mula sa Maynila
hanggang hilaga at timog ng Luzon at hanggang Kabisayaan at Mindanao.
Ang “Únang Sigáw” ang simbolikong unang pagtatagpo ng mga Katipunero upang
ipahayag ang Himagsikang1896 laban sa España. Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa
Mexico. Isang kontrobersiya hanggang ngayon kung kailan at kung saan naganap ang Unang
Sigaw. May panahong ipinagdiriwang ang Unang Sigaw sa Balintawak tuwing Agosto 26.
Ngunit binago ito ng saliksik ni Teodoro A. Agoncillo (1956), na nagtakdang naganap ito sa
Pugadlawin noong 23 Agosto 1896.
Nang malantad ang Katipunan noong 19 Agosto 1896 ay tumakas patungong Kalookan sina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio Bonifacio, at ilang pinunò kasabay ang isang
pagpapatawag ng pangkalahatang pulong upang pag-usapan ang mga dapat gawin. Itinakda
niya ang pulong sa Balintawak sa Agosto 24. Dumating sina Bonifacio sa Balintawak sa
hatinggabi ng Agosto 19. Dumating kinabukasan, Agosto 20, si Pio Valenzuela. Noong hápon
ng Agosto 21, umalis ang umaabot sa 500 Katipunero, kasáma nina Bonifacio, patungong
Kangkong at natulog sa bakuran ni Apolonio Samson. Umalis sila ng Kangkong sa hapon ng
Agosto 22 at dumating kinagabihan sa Pugadlawin sa bakuran ni Juan A. Ramos, anak ni
Melchora Aquino.
Kinabukasan, Agosto 23, doon nilá idinaos ang pulong na nagpasiyang simulan ang
himagsikan laban sa España sa Agosto 29. Sa pulong na iyon, tumindig si Bonifacio sa isang
plataporma at nagpahayag: “Mga kapatid, nagkaisa táyong ituloy ang himagsikan. Sumusumpa
ba kayóng itakwil ang pamahalaang umaapi sa atin?” Sabay-sabay na sumigaw ng “Opo!” ang
mga Katipunero. “Kung ganoon,” patuloy ni Bonifacio, “ilabas ang inyong mga sedula at
punitin upang patunayan ang ating pasiyang humawak ng sandata!” Inilabas ng mga
Katipunero ang mga sedula at pinagpunit-punit. Pagkatapos, naluluha siláng sumigaw:
“Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!.
Melchora Aquino
Nazaria Lago
Apolinario Mabini
Kilala bilang Utak ng Himagsikan
Kilala bilang “Dakilang Lumpo”
Ipinatapon sa Guam dahil ayaw manumpa at kilalanin
ang kapangyarihan ng mga Amerikano
Melchora Aquino
Kinalinga at kinupkop ang mga Katipunero
Tinaguriang “Ina ng Katipunan”
Hinuli at ipinatapon sa pulo ng mga Marianas ng mga
Espanyol
Digmaang Pilipino-Amerikano
Sumiklab ang
Digmaang Pilipino-Amerikano
noongPebrero 4, 1899,
matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang
tatlong Pilipinong sundalo sa
San Juan. Naging mas
magastos at mas marami ang
namatay sa digmaang ito
kaysa sa Digmaang Espanyol-
Amerikano. Humigit-
kumulang 126,000
Amerikanong sundalo ang
lumaban sa digmaan; 4,234
Amerikano ang namatay, pati
na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang
gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng
250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit.
Pinahirapan nila ang isa't isa.
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga
Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit
ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya. Ang Malolos, na kabisera
ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31,
1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang
kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na
kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at
ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang
Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang
militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit
sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.
AP 6 PROJECT
(ANG PAGBUO NG
PILIPINAS BILANG
ISANG BANSA)
Phoebe Faith D. Pallo
Grade 6-Ubas