You are on page 1of 20

KABANATA 2

ANG PANANAKOP NG
ESTADOS UNIDOS

ARALIN 1:
Digmaang Pilipino -
Amerikano
ABRIL 1898
Nagsimula ang digmaan sa pagitan
ng Estados Unidos at ng Espanya.

Sa mga sumunod na buwan,


naganap sa Cuba at Pilipinas ang
labanan sa pagitan ng hukbong-lupa
at dagat ng dalawang bansa
(nagtagumpay ang mga Amerikano)
AGOSTO 12, 1898
Nagkaroon ng Protocol of Peace na
pansamantalang inihihinto ang
digmaan ng dalawang bansa.
OKTUBRE 1, 1898
Nagsimula ang usapang
pangkapayapaan upang wakasan ang
Digmaang Espanyol-
Amerikano.Tumagal nang mahigit
dalawang buwan ang pag-uusap.
DISYEMBRE 10, 1898

taon na kung saan nalagdan ang


Kasunduan sa Paris, nakapaloob dito
ang probisyon na ang Pilipinas ay
ceded o ipinauubaya sa Estados Unidos
at bibigyan ng 20 milyong dolyar ang
Espanya bilang bayad sa pagsasaayos
na ginawa nito sa kapuluuan ng
Pilipinas.
DISYEMBRE 22, 1898

ipinadala ni Pangulong William


McKinley ang isang proklamasyon kay
Heneral Elwell Otis na pangkalahatang
pinunong military ng Estados Unidos.
Pinamagatan itong “Benevolent
Assimilation”.
1. Ang kapangyarihan ng Estados Unidos ay
gagamitin upang tiyakin ang proteksiyon ng
mga tao at ng kanilang aria-arian.

2. Sila ay dumating hindi bilang mga


mananakop kundi bilang mga kaibigan.

3. Ang makikipagtulungan sa mga


Amerikano ay gagawaran ng suporta at
proteksiyon, samantalang ang mga tutol ay
isasailalim sa kapangyarihang
Amerikano nang naaayon sa batas at
hindi sa pamamaraang marahas.
4. Ang pamamahala ng Pilipinas ay nasa
ilalim na ng Estados Unidos tulad ng
pagkontrol sa pampublikong ari-arian,
pagpapataw ng buwis at taripa, at
pagtatakbo ng mga daungan at lahat ng
klase ng transportasyon.
5. Higit sa lahat, ang misyon ng Estados
Unidos ay ang Benevolent Assimilation na
ipapalit sa malupit na pamamahala ang
malumanay na pagpapatupad ng
katarungan. Upang makamit ang misyong
ito, kailangang supilin ang kguluhan at
magwagi sa lahat ng mga hamon sa
pamamagitan ng mahigpit na pamamahala
sa Pilipinas sa ilalaim ng bandila ng
Estados Unidos.
ENERO 5, 1899
nakarating sa Malolos ang orihinal na
bersiyon kaya’t nagpalabas ng mensahe si
Pangulong Aguinaldo na nagsasabing
kailanman ay hindi siya nakipagkasundo sa
mga Amerikano tungkol sa pagkilala sa
kapangyarihan nito sa kapuluan.
Sinundan ito ng isa pang proklamasyon ni
Aguinaldo na nagsasaad na kapag pinilit na
sakupin ng Estados Unidos ang mga pulo sa
Visayas ay handing lumaban ang Republika
ng Pilipinas.
DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO

Mula nang isinuko ng mga Espanyol


ang Maynila, kontrolado na ng mga
Pilipino ang 14 na blockhouse na
nakapalibot sa lungsod.
BLOCKHOUSE- nagsilbing kuta ng
mga sundalong Pilipino habang
kinaharap nila ang hukbong
Amerikano na nasa lungsod.
Lungsod ng Maynila- unang lugar sa Pilipinas
na pinangyarihan ng digmaan.(Sta. Mesa)
Nagpatuloy ang labanan sa mga sumunod na
araw at napaatras ang puwersang Pilipino sa
bahagi ng Caloocan, San Francisco Del Monte,
Makati at Pasay.
Tinangka ni Pangulong Aguinaldo na mahinto
ang labanan sa pamamagitan ng pagpapadala
ng emisaryo kay Heneral Otis ngunit ang tugon
ng heneral ay “Nagsimula na ang labanan.
Kailangan itong magpatuloy hanggang sa
masaklap na wakas”.

You might also like