You are on page 1of 2

Agosto 13, 1898: Huwad na labanang Amerkano-Espanyol sa Maynila Simula ng Pananakop ng

Imperyalistang US sa Pilipinas
Upang makaiwas sa pagdanak ng dugo at mapanatili ang “dangal” sa di pagsuko sa mga Pilipino
(Indio), ipinasya ng mga Espanyol sa Intramuros na aregluhin ang pagsuko sa mga Amerkano, Agosto 9,
1898. Napapaligiran na ng mga kawal Amerkano at Pilipino ang kanilang posisyon at imposible nang
mabaliktad pa ang sitwasyon.
Namagitan si Belgian Consul Edouard Andre sa sikretong negosasyon nina US Gen. Wesley
Merritt at Gov. Gen. Fermin Jaudenes ng Spain. Nabuo ang lihim na kasunduan. Magkukunwang lalaban
ang mga Espanyol, at kaagad na susuko sa napagkaisahang hudyat. Sa gayon, makakaiwas ang Espanya
sa kahiya-hiyang pagkatalo nang hindi man lamang pumutok. Hindi kasali sa huwad na labanan ang mga
Pilipino. Takot ang mga Espanyol na lipulin sila ng mga ito. Namagitan ang tensyon sa mga Pilipino at
Amerkano nang magbabala ang huli sa mga Pilipinong magtatangkang pumasok sa Intramuros isang araw
bago ang labanan. Sa telegrama ni Brig.Gen. Thomas Anderson kay Aguinaldo: “Hindi pwedeng pumasok
sa Maynila ang inyong mga kawal nang walang pahintulot ng komander na Amerkano; sa bahaging ito ng
ilog Pasig, kayo ay papuputukan”.
Naganap ang kunwa-kunwariang labanan, Agosto 13, 1898. Pinaputukan ng mga Amerkano ang Fort San
Antonio de Abad kasabay ng pagkubkob sa buong Intramuros. Manaka-naka ang sagutan ng putok.
Sumuko ang mga Espanyol nang makapasok na sa Intramurus ang 600-700 pwersang Kano na nagsilbi rin
nilang tagapagtanggol laban sa mga Pilipino.

Ekspansyon ng Kapangyarihan ng Imperyalistang US


Dinigma ng US ang Espanya upang agawin ang ilan pang bayan sa Latin Amerika at makumpleto ang
kanyang imperyalistang dominasyon sa kontinente. Interesado rin ang US sa Pilipinas na kolonya ng
Espanya para sa pag-abot sa Tsina.
Pumutok ang digmaan nang misteryosong pasabugin at lumubog ang USS Maine na kumitil sa
buhay ng 266 tropang Amerkano sa Havana Harbor sa Cuba, Pebrero 15, 1898. Kahit walang ebidensya,
ibinintang ng US ang pangyayari sa Espanya. Nagdeklara ng gera ang US, Abril 25, 1898.
Humantong ang digmaang ito sa sagupaang nabal ng dalawang kapangyarihan sa Manila Bay, Mayo 1,
1898. Walong (8) barko ng Espanya sa ilalim ni Spanish Admiral Patricio Montojo ang pinalubog ng US
Asiatic Fleet na pinamumunuan ni Commodore George Dewey.
Kasunod niyon ay ang sunud-sunod nang pagdating sa Pilipinas ng pwersang Amerkano, na sa pahintulot
ni Aguinaldo ay nagkuta sa arsenal ng Fort San Felipe sa Cavite. Pagsapit ng Agosto 9, umabot na sa 470
opisyal at 10,464 pwersang impanterya ng US ang nasa loob na ng bansa.
Nabuo ang ugnayan nina Aguinaldo at kinatawan ng US nang magkakilala sila nang magpatapon sa Hong
Kong sina Aguinaldo sa bisa ng Pact of Biak na Bato, 1897. Isang kaugnayang Amerkanong Koronel ang
lumagda’t sumaksi sa pagdideklara ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit nuong Hunyo 12, 1898.
Ganap na sumurender ang Espanya. Binuo ng dalawang bansa ang Peace Protocol sa Washington DC,
Agosto 12, 1898, isang araw bago ang huwad na labanan sa Maynila . Iniatas ng panimulang kasunduang
ito ang pagsasagawa ng negosasyon para sa komprehensibong kalutasan sa digmaan.
Pag-angkin sa Pilipinas
Nilagdaan ang Treaty of Paris of 1898 (Disyembre 10) na nagkabisa sa ratipikasyon ng dalawang bansa,
Abril 11, 1899. Isinuko ng Espanya sa US ang kontrol sa Cuba. Ibinigay ang Puerto Rico, bahagi ng West
Indies at Guam. Binayaran ng US ang Espanya ng $20M para sa kapangyarihan sa buong Pilipinas.
Sa patakaran ng “mapagpalang pagkupkop,” iniutos ni US Pres. William McKinley ang pagsakop sa
Pilipinas.
Ipinahayag ni William Howard Taft, unang US Civil Governor ang kahulugan nito sa mamamayang Pilipino:
“Hindi ako naparito para bigyan kayo ng kalayaan, kundi upang pag-aralan lamang ang inyong
pakikidigma. Mapapasainyo ang kalayaan kapag handa na kayo, na hindi mangyayari sa kasalukuyang
henerasyon at hindi rin sa susunod, o kahit pa makaraan ang 100 taon.”
Hindi kinilala ng imperyalistang US ang gubyerno ni Aguinaldo at ang Konstitusyon ng Malolos 1898.
Pumutok ang Fil-American War, Pabrero 4, 1899. Pinaslang ng mga Amerkano ang 1M Pilipino bago
nalupig ang bansa at naging neokolonya ng US sa Asya-Pasipiko.K

You might also like