You are on page 1of 2

SANG-AYON AT DI SANG-AYON SA PAGPAPATALSIK KAY PNOY BILANG PANGULO NG BANSA

Lakandiwa:
Isang magandang araw po ang sa inyo
Mga katotong sa tanghalay narito
Sandaling makinig, tangan ang tenga niyo
Sa isyung pagtatalunan sa harap niyo.

Sa kaliwang sulok ay ating suriin


Mga hinaing ng bayang inalipin
Naging sapat ba ang kilos mo, gobyerno;
O naging mapanuligsa ang bayan mo?

Humanda nawa ang magkaibang panig


Kapwa ko iskolar humandang makinig
Pati ang maestrong sa wikay may hilig Tarat tunghayan ang magkaibang panig

Maging mapanurit ating bigyang pansin


Sa dalwang panig, sinong bibigyang diin?
Ang panig ng sang-ayon o di sang-ayon?
Nagtatalong panig, tunghayan na ngayon!

Sa kanang bahagi, atin ng pakinggan


Ang tagapagtanggol ng pamahalaan
SONA at kabutihan ang ebidensya
Tunay bang makakamit kanyang hustisya?

Kayat bago magdilim itong tanghalan


Sa pagsabog ng kanilang katuwiran
Mga batikos nilay ating subukin
Tawagin na silat makilala natin.

Di-Sang-ayon:

Sang-ayon:

Magandang araw ang bati ko sa inyo


Kaibigan ang nasa harapan ninyo
Ilalahad mga opinyong nakalap
Politikang aspeto, ang nakalapat.

Sang mainit na umaga ang bati ko


PEOPLEs SONA sa inyoy sumasaludo
Hangad namin ay totoong pagbabago
Kayat aming hinaing, ay ibabato

Lakandiwa:
Sa kaso ng MILF, ating buksan
Tunay nga bang buo na ang kapayapaan?
Anong sabi ng pangulo at ng nasyon?
Ating pakinggan ang kanya-kanyang tugon.
Di sang-ayon

Sang-ayon:

Abot-kamay na po ang kapayapaan


Sa rehiyong matagal nang may hidwaan.
Nitong Oktubre po, taong 2013
Nilagdaan ang Framework Agreement on the
Bangsamoro.

Tunay ba balita mong kapayapaan,


O ikay bulag lamang sa kabuktutan?
Bakit sumibol ang BIFF ngayon,
Kung kapayapaan ang kanilang layon

Siyam na araw pa lang po ang nagdaan


Pumirma sa ikalawang kasunduan.
Alam kong masusundan pa ang pag-ahon
Ng sang balita sa madaling panahon.

Apatnaput apat na kapulisan


ang namatay sa madugong bakbakan
laban sa grupo ng mga BIFF
masasabi mo bang gobyerno moy may epek?

Lakandiwa:
Ngayon napakinggan ang dalawang panig
Tayo namay sa isyung iginigiit
Itong Hacienda Luisitay nasan na?
Nasa magsasakat manggagawa na ba?

Di sang-ayon:
May isang paksang kinabit sa pangulo,
Ang Hacienda Luisita ng lingkod niyo

Nais kong ibalita nang 2014


Kumpleto na ang mga benepisyaryo
Alinsunod sa utos ng Korte Suprema
Na silay mabibigyan na don ng lupa.
Ayon pa rin sa kalihim ng agraryo,
Pagkakaloob na ang mga titulo.
Sang-ayon:

Kailan maibibigay ang titulo


Nang sinasabi mong kalihim ng agraryo?
Baka tapos na ang termino ng pangulo
Ay wala pa rin sinasabi mong titulo
Hanggang kailan pa sila maghintay
Hahayaan lang ba ang isyung mamatay?
Sanay kumilos, pamahalaang ganid
Bago ang tiwala sayoy mapatid

Lakandiwa:
Tunay nga namang dapat bigyang-partida
Ang pagsisikap ng mga magsasaka
Kayat Pnoy kumilos at gumising na
Habang may tyaga pa sila sa sistema.
Kabilang banday masusing pag-aralan
Pagpuna sa gawain ng ilang ahensya
Ang pagpuna bay labag sa diplomasya?
O baka nakatutulong sa nais nya
Di sang-ayon

Sang-ayon

Magtapatan tayo, may ilang ahensya,


Na ayaw yata talaga ang tumino,
Pinagsasamantalahan ang demokrasya
Ninanakaw pati kaban ng ninuno

Hindi bat pagsuway sa batas etika,


ginawang paglabag sa diplomasya?
Nag-aral din naman, taot ahensyang inalipusta
nya,
Nasaan ang magandang ehemplong dapat taglay
niya?

Isa dito, Philippine National Police


Sa naging pamumuno ni Purisima
Hindi kailangan ng pamamahala
Sa loob at labas ng kampo nagnanakaw
Isama pa natin ang tatlong buwaya
Na pinamunuan ng isang di kilala
Tapos na ang panlinlang ng pamahaalan,
Panukalang tuwid na daan ang ipaglaban
Lakandiwa:

ating tukuyin ang ahensyang pinuna


Hindi ba at siya ang namamahala?
Ang mga kalihim ay pinapahiya
Kakatawat pinahiya rin ang sarili nya!

Ay ilapat ngayon at sa kinabukasan

Natunghayan natin ang kanilang opinyon

Mga tugon batay sa interpretasyon


Nais pa bang magdagdag ang bawat kampo,
Upang iparating sa mga manonood?
Sa mga isyung to, isa lang ang bentahe
Nakalatag sa tagatanggap ng mensahe
Una ay sa administrasyong Aquino
At sa mga lehitimong makaboboto.
Hatid namin sa kabataang Pilipino,
Na maging praktikal at maging edukado
Tamang pagtingin sa aspeto ng lipunan

Ang huliy alay sa buong sambayanan,


Upang pagmulan ang bawat indibidwal
Ng magandang ehemplo at isang moral;
Tungo sa isang tunguhin: ngayon at bukas!
Sa magkabilang panig ay isang papugay,
Sa inyong makatay humahangang tunay.
Sa pagtatapos ay pagbibigay-buhay
Pagbatit palakpak sa kanilay alay!

You might also like