You are on page 1of 2

Mga Gabay na Tanong:

a. Botante po ba kayo? Kung Hindi pa po, bakit po?


- Oo, ako ay isang botante
b. Tuwing eleksiyon po ba ay regular po kayong bumoboto? Kung OO, Bakit? At
Kung Hindi, Bakit?
- Oo ako ay bumoboto dahil ito ay aking karapatan at gusto koi tong magamit.
c. Para po sa inyo, gaano po kahalaga ang pagkakaroon ng eleksiyon sa isang
bansa?
- Ito ay mahalaga dahil kung wala ang eleksyon walang mamumuno sa ating
bansa at ito ay lalong magiging magulo.
d. Batay po sa inyong nababalitaan at sariling pagsusuri, gaano kalala ang isyung
politika sa ating bansa? Anong marka ang ibibigay mo sa ating bansa sa eskalang
1 hanggang 5 (1 ang pinakmabuti at 5 ang pinakamalalaang suliranin)? Ipaliwanag
po ang inyong sagot.
- 5, Dahil ang eleksyon ngayon ay puro pera-pera nalang at dahil wala nang
malinis na eleksyon ngayon.
e. Sa darating pong 2019 election, ano po ang katangian ang inyong hinahanap sa
mga nais po ninyong manungkulan sa ating pamahalaan? Bakit po ito ang
katangian na hinahanap ninyo?
- Matapat, Hindi Kurakot, Marunong makisama sa ating taong bayan dahil bilang
pinuno dapat ay pamunuan mo ng mabuti ang iyong bansa.
f. Ano po ang inyong saloobin tungkol sa pagtakbo sa halalan at pagpasok sa mundo
ng politika ng ilang kilalang personalidad gaya ng mga artista? Sumasang-ayon
po ba dito?
- Hindi, dahil ginagamit lamang nila ang kanilang kasikatan para humabol at
maiboto.
g. Nakasaad po sa 1987 Constitution ang mga kwalipikasyon na dapat taglayin ng
mga nagnanais na manungkulan sa ating pamahalan, gaya na lang po sa
presidente. Ayon po dito No person may be elected President unless he is a
natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, able to read and write, at
least forty years of age on the day of the election, and a resident of the Philippines
for at least ten years immediately preceding
such election. Sumasang-ayon po ba kayo sa kwalipikasyon na ito? Kung OO,
Bakit po? At Kung Hindi, Bakit po? Meron po ba kayong sariling kuwalipikasyon?
Ano-ano po ito at bakit?
- Hindi ako sumasang-ayon dahil karaniwan sa mga tao ay basta nalang
humahabol kahit wala naman talaga sa loob nilla ang manungkuran sa ating
bansa, kumbaga napagtripan lamang nila na humabol.
h. Ano po ang alam ninyo tungkol sa Political dynasty? May alam po ba kayong
halimbawa ng umiiral na political dynasty sa inyong lugar/bansa?
- Oo, Dahil sa aming lugar ay mayroong isang Vice-Mayor at ang anak niya ay
isang Konsehal.
i. Sang-ayon po ba kayo sa pagkakaroon ng political dynasty sa Pilipinas? Kung OO,
Bakit po? At Kung HINDI, bakit po?
- Hindi, Dahil ang iba sa kanila ay wala mang ginagawa
j. Ayon sa Saligang Batas, ipinagbabawal ang pagkakaron ng political dynasty sa
bansa subalit sa kasalukuyan wala pa ring tuwirang batas ang nagbabawal dito.
Sa inyo pong palagay, bakit po kaya?
- Dahil ang mga mismong nagpapatupang ng mga batas na ito ay kasama rin sa
mga political dynasty families.
k. Sa inyo pong sariling pananaw, malaki po ba ng kinalaman ng graft and corruption
sa kahirapan ng maraming Pilipino? Bakit?
- Oo, Malaki ang kinalaman nito dahil imbes na gamitin nila ito para ikauunlad
ng bayan ito ay kanila lamang ibinubulsa.
l. Batay po sa inyong nababalitaan at sariling pagsusuri, gaano kalala ang graft and
corruption sa ating bansa? Anong marka ang ibibigay mo sa ating bansa
saeskalang 1 hanggang 5 (1 ang pinakmabuti at 5 ang pinakamalalaang
suliranin)? Ipaliwanag po ang inyong sagot.
- 5, Ito ay napakalala na dahil tuwiran na silang nangungurakop.
m. Sa inyo pong palagay, may magagawa po ba tayo para maresolba ang isyung
pampolitika na graft and corruption sa bansa? Paano?
- Sa aking palagay ay wala na itong tsansa para maresolba.
n. Sa inyo pong sariling pananaw, bakit po mahalagang alam ng mga mamamayan
ang nangyayari sa gobyerno at politika ng bansang kinabibilangan?
- Upang malaman nila kung saan napupunta ang kanilang mga binabayaran.

You might also like