You are on page 1of 1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

MINDANAO

Name: BEA NOREEN C. UNGAB OBTEC 1-3

Politika ang siyang nagpapatakbo sa ating bansa at ito ay nagbibibigay ng batas at


alituntunin sa ating bayan, kailangang may magbibigay ng aksyon dito at tinatawag silang
mga politiko. Upang maging politiko maraming proseso ang dapat sundin, kinakailangang
pag-aralan ang kursong Political Science upang mas maintindihan nang mabuti ang kilos at
gawain sa isang estado, kapag nakapasa at nakatapos ka sa pag-aaral nito, pwede ka nang
tumakbo at magparehistro bilang isang politiko. Sa bansang Pilipinas kahit may pinag-
aralan ang mga politiko sa dito ay masasabi nating ang ilan sa kanila ay parang walang
pinag-aralan dahil sa hindi nila pagsunod sa mga leksiyon na kanilang natalakay, hindi sila
nagsisilbi nang maayos sa mga mamamayan ng Pilipinas. Isa sa mga pick-up lines ni Sen.
Miriam Defensor-Santiago ang nakita kong nagpapatungkol sa mga sinungaling na politiko
sa Pilipinas.

“Sa jeep may nakalagay, "BARYA LANG SA UMAGA". Kasi mahirap nga
naman daw kung una pa lang nagbigay ka na ng buo tapos di naman
masusuklian.” sabi ni Sen. Miriam Santiago sa isa sa kanyang mga talumpati. Kilala si
Sen. Miriam Defensor-Santiago bilang isang magaling, tapat at matapang na senadora sa
kasaysayan, hindi rin maikakaila na isa siyang magaling sa pagpapatawa sa pamamagitan
ng kanyang pagbitiw ng mga salitang mapapangiti ka talaga. Kung lubos nating iisipin ang
mga pick-up lines niyang ito ay may ibang kahulugan na nagpapatungkol sa mga taong sa
tingin niya ay walang silbi at salot sa lipunan. Ibigay nating halimbawa ang pick-up line na
mababasa sa taas, sa unang tingin akala ko ito ay isang simpleng pagpapatawa lamang
kung bakit may nakapaskil na “BARYA LANG SA UMAGA” sa mga pampasaherong dyip,
ngunit kung ito’y ating susuriin, maiiuuganay natin ito sa isa sa mga isyung panlipunan
ngayon sa ating bansa- ang mga kurakot na pulitiko meron tayo. Ayon sa pick-up line,
barya lang muna daw sa umaga, kasi mahirap na kung nagbigay ka ng buo tapos di ka
naman masusuklian. Katulad lang ito sa mga pulitikong puro pangako ang sinusubo sa mga
botante ngunit mapapako lang naman pala ito, sa simula lang magaling ngunit di kalaunan
kakalimutan lang ang lahat at magbubulsa pa ng kaban ng ating bayan. May pagpa-papayo
rin sa linyang iyon na dapat ay pagisipan ng maigi ang desisyon sa pagpili ng tamang
opisyal sa gobyerno upang mapag-tuunan ng pansin ang hinanaing ng mamamayang
Pilipino.

Sa panahon ngayon maging wais sa pagpili ng mga pinuno sa ating bayan lalong-
lalo na sa papalapit na eleksiyon, bilang isang menor de edad importante rin sa amin ang
magiging kalabasan ng pamumuno ng mga maituturing na mga opisyal n gating gobyerno
dahil sa kanila rin nakasalalay ang kinabukasan ng ekonomiya ng bansang Pilipinas at pag-
gabay sa amin na mga kabataan, huwag padadala sa mga bulaklaking mga salita na
lumalabas sa kanilang mga bibig at huwag pabubulag sa pera ipapaulan ng mga buwayang
mga pulitiko.

You might also like