Pangkat Tatlo Ang aming pananaw sa pulitika ng Pilipinas
Sa pananaw ko ang pulitika sa pilipinas ay
napakadumi.Magbago man presidente hindi parin mawawala ang mga korap na pulitiko.Tanggalin man natin ang pinaka korap na pulitiko marami parin ang papalit. Sa aking paniniwala ang politika ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga tao ay nag hihirap dahil ang ibang nakaupo sa pwesto ay silang mga taong nangungurap imbes na tumulong ay sila pa yung hindi gumagawa ng tama ngunit hindi konaman ito inilalahat may roon ding tapat at totoo. Samantala ang politika ang isa sa mga gumagawa ng proyekto sa iba't ibang lugar na maaring makatulong sa tao tulad ng mga bridge o pag gawa ng daanan upang mas mabilis ang traspormasyon sa bansa at para magandang ang epekto nito sa iba. Sa palagay ko isa sa mga nagiging suliranin ng ating bansa ang hindi pagkakaroon ng maayos na patakaran ukol sa politika maraming politiko na namumuno na hindi karapat dapat sa kanilang posisyon. Sa tingin ko para maging maunlad ang ating bayan ay mag tulungan para maayos o mapa ganda pa ang ating bayan dahil kung hindi magtutulungan ang bawat isa ay walang mapapala kayat ang gawing solusyon para maayos at mapaganda palalo ang bansa mag tulungan nalang kesa mag korap ng pera ibili o igamitnalang sa bansa para mapaunlad pa ito lalo. Sa palagay ko tayo ay mahihirapan sugpoin ang korapson sa ating bansa.Masusugpo lang natin ito pagtayo ay nagkaisa at nag kapit bisig.Kailangan rin natin maging masmautak sa kanila para natin sila matalo. Sa aking paniniwala , bagamat talamak ang katiwalaan sa ating pamahalaan ay may ibat-ibang programa pa rin silang naisusulong katulad ng 4p's na nakakatulong sa pamilyang pilipino na walang sapat na kita at Build Build Build na naglalayon sa pagpapa-unlad ng imprastukra at pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Sa tingin ko marahil magkakasundo tayong lahat na malaki at malalim ang suliranin nating mga pilipino pagdating sa pulitika sa ating bayan. Kinakasangkapan ng mga makapangyarihan at mayayaman ang pulitika para sa kanilang pansariling kapakanan, at sa maraming pagkakataon hindi man lamang isinaalang-alang ang kalagayan ng mga mahihirap at aba sa ating lipunan. Sa kabilang banda malaki ang tulong ng politika sa ating bansa dahil dito natin mahahanap ang mga mamumuno sa ating bansa o sa lipunan na ating ginagalawan. Sa tingin ko ang pag aaral ng politika (agham politika) ay nakakatulong talaga sa atin upang magkaroon tayo ng kaalaman ungkol sa mga gawaing pampolitika at mas lumawak pa ang ating kaalaman sa politika. Salamat :3