You are on page 1of 3

Basahin pantahanan#1

I.Pamagat:Ang mga kaibigan ni mama susan

II.May-akda:
Si Bob Ong ay manunulat. Ang pangalang Bob Ong ay isa lamang pseudonym. Si Bob Ong ay hindi Intsik.Si
Bob Ong ay nagsimula ng pagsusulat pagkatapos niyang nagdrop-out sa kolehiyo. Habang nagtatrabaho
siya bilang web developer at guro, ginawa niya ang Bobong Pinoy website.Ang Visprint Inc. ang naglimbag
ng librong ABNKKBSNPLAko? noong 2001, ang una niyang libro. Mula 2001 hangang 2018, 10 pang aklat
ang nailimbag niya.Ang ABNKKBSNPLAko?! Ay nasaipelikula noong 2014 at noong 2016, nasaipelikula
naman ang Lumayo Ka Nga Sa Akin.

III.Tauhan
Gilbert o Galo-Masipag na mag-aaral pero Siya pala magnanakaw Ng pera Ng kanyang kamag-aral at
kaibigan.
Mama Susan-Siya Ang kumupkop sa nanay ni Gilbert Siya mabait pero Siya lider Ng mga kulto.
Aling Delia-Kanang kamay ni Mama Susan Siya malupit Kay Gilbert
Jezel-Kapatid ni Niko siya ay matapang,tahimik at mayroon siyang 3rd eye.
Niko-Kapatid ni Jezel Siya masyahing bata,matapang at mapagmahal na kapatid.
Tiya Auring-Tita ni Gilbert at asawa ni Tiyo Dindo.
Tiyo Dindo-Tito ni Gilbert at asawa ni Tita Auring.Hindi alam ng kanyang asawa na binabayaran niya ang
matrikula ni Gilbert.

V.Buod
Isang gabi si Gilbert ay binabangongot.Sa kanyang bangongot siya ay sinasakal Ng nakaitim na
damit,maitim na kuko,kulay abo ang balat at nakakatakot na babae.Si Gilbert ay Isang Masipag na
estudyante sa kolehiyo at siya parang inampon na rin ng kanyang Tiya Auring at Tiyo Dindo.Si Gilbert ay
malas sa kanyang mga magulang kaya Siya nahirapan sa kanyang Buhay kung sana nakinig Ang kanyang Ina
sa kanyang Lola o nagayos Ang kanyang itay ede sana maayos ang buhay ni Gilbert kaya medyo naiinis sa
kanyang magulang pero mahal niya parin ang mga ito.Si Gilbert ay malungkot sapagkat bigla nalang siya
iniwan ng kanyang nobya.Marami rin Siyang ginagawang tandang aralin dahil Isa siyang estudyante sa
kolehiyo at mnainis si Gilbert sapagkat nawala ang kanyang talaarawan pero sa huli nahanap Niya rin
ito.Minsan naalala ni Gilbert Ang kanyang nobya pero pinipilit Niya kalimutan Ang kanyang
nobya.Nagkasakit Ang Lola ni gilbert at tinatanong Siya Ng kanyang Tiya Auring kung pupunta Siya sa
probinsya pero Hindi Siya pumunta sapagkat sayang lamang ang pamasahe.Natapos na Ang unang
semestre na kompleto naman ni Gilbert ang mga kinakailangan.Isang araw may tumatawag sa telepono
sinagot ni Gilbert Ang telepono.Ang tumawag ay si Tiyo dindo at Wala na Siya sa ibang bansa sinabi ni Tiyo
Dindo na itago lamang ito at wag sabihin kay Tiya Auring.Isang Araw sinabihan ni Sheryl na kailangan ni
Gilbert na umuwi Ng probinsya sa kadahilanan daw na may importante na dapat gawin.

Napuno na si Gilbert sa kanilang bahay kaya napagdesisyonan niya siya uuwi sa probinsya.Nagka-aberya sa
daan pero siya nakarating ng maayos.Nang siya narating na si Gilbert agad niyang iniyap ang kanyang
lola.Pagkatapos nila magkamustahan sila'y natulog na.Kinabukasan nag ikot-ikot si Gilbert sa bahay nakita
niya rin ang labingdalawang imahen.Alas tres ng madaling araw may pumipilit buksan ang pinto nagising si
Gilbert akala niya may kagipitan kaya agad niyang pinuntuhan ang kanyang lola mabuti naman maayos na
natutulog ang kanyang lola kaya bumalik nalang siya sa pagtulog.Isang araw nakita ni Gilbert ang
magkapatid na sina Niko at jezel na kinakain ang kakanin na nilalagay nila sa platito ng poon.Sina Niko at
Jezel ay ulila na rin dahil namatay ang kanilang nanay kaya kinupkop sila ng lola ni Gilbert. Natuwa si
Gilbert sapagkat meron na siyang mga bagong kasama at kahati sa gawaing bahay.Nagising si Gilbert ng
alas tres ng madaling araw sa kadahilanan may bisita uli sila mga singkwinta sila ay nag rosary pero kakaiba
nakita ni Gilbert ang ginawa nila sa kanyang lola at pinipilit niyang huwag tumawa.Alas dos ng nag tanong
ang mag kapatid sa lola ni Gilbert kung siya ba ay katoliko,kung siya ba ay masamang tao at kung siya ba ay
mangkukulam na pumapatay ng tao lahat ng tanong na ito pinabulaanan ng lola ni Gilbert at nanginginig si
Gilbert habang tanatanong ng mga bata ang kanyang lola sisitahin niya na dapat ang mga bata.Nang alas
tres na hinarap ni Lola ni gilbert si Gilbert sinabi niya na hindi niya tunay na anak ang nanay ni Gilbert na si
Melissa at sinabi niya rin na nangbabae Ang kanyang tatay dagdag pa ng kanyang Lola na dapat Mama
Susan Ang itawag sa kanya mangiyak-ngiyak si Gilbert ng umalis na ang kanyang (Lola)Mama Susan.

Isang araw nilagnat si Mama Susan inaalagaan siya ni gilbert nakalipas na ang dalawang araw pero ang init
parin ni Mama Susan at biglang sumagi sa isip ni Gilbert ang buhay Maynila parang gusto na niya ulit
bumalik sa Maynila.Binangongot ulit si Gilbert sa bangongot siya naman ay pinapalibotan ng mga kasama
ni Mama Susan dinadasalan siya at tinatawanan siya ng lalaki.Pumunta si Gilbert sa simbahan pagkapunta
niya doon wala ang pari doon sabi daw ng matanda tinalikoran na daw ng kristyanismo ang chapel at ng
gobyerno ang isla sa kadahilan tutol ang kapatiran hindi naman sila nagbibigay ng buwis kaya pinabayaan
nalang ang isla.Si Gilbert ay nag ikot-ikot sa Tarmanes para kung lumala ang sakit ni Mama Susan meron
siyang matatakbohan.Alas tres ng hapon ng matuklasan ang lihim na silid sa bahay ni Mama Susan Nakita
ni Gilbert na may pagtitipon ng mga nakaube na damit katulad ng kasama ni Mama Susan tuwing nag
rorosary sila,labingdalawang imahen may upuan na may nakaupo at nakakatakot sa loob parang silang
kulto.Sa mesa may nilalangaw na pagkain at matigas na kalamay agad tumakbo si Gilbert sa kanyang
kwarto.Napagisipan na ni Gilbert na umalis sa isla gusto rin sumama ni Niko kasi nakita na niya rin ang lihim
na kwarto sa bahay ni Mama Susan.Alas dose ng umaga ginigising ni Gilbert si Jezel pero ang hirap magising
ni Jezel ng magising si Jezel agad siyang kinarga ni Gilbert si Niko naman ay nagmadali lumabas ng bahay sa
pagkamadali umalis nasagi niya ang dalawang babasagin na imahen tumayo ang mga tao nakaupo sa lihim
na kwarto.

Nang nakalabas na ng bahay si Gilbert at Jezel dali dali sila tumakas palayo sa bahay at pumunta sila sa
aplaya pero pagdating nila napansin ni Gilbert ang tao doon ay mga miyembro rin ng kulto.Kaya
napagisipan nalang nila bumalik sa bahay ni Mama Susan.Sa pagmadali ni Gilbert hindi niya alam natusok
at nabutas ang kanyang inliliit na daliri sa kanyang kanang paa.Pagbalik nila naka-abang sa kanila si Aling
Delia Ang katulong nila sa bahay at parang kanang kamay ni Mama Susan.Agad sila tinulungan ang tatlo
ang ginamot ang sugat sa paa ni Gilbert sa pagod ang tatlo ay nakatulog.
Nang nagising si Gilbert Siya agad pinapunta sa kwarto ni Mama Susan Nakita ni Gilbert na dinadalasan si
Mama Susan Ng mga kulto at sabi ni Aling Delia kay Gilbert na gusto niya siya saksakkin tuwing nakikita
niya siya dagdag niya kailangan ni Gilbert mag dasal.Biglang tinawag ni Mama Susan si Gilbert at sinabi niya
ang mga kasalanan ni Gilbert na ninakaw niya ang pera ng kanyang kamag-aral at hindi niya pagkaawa sa
batang pinalalag ng kanyang nobya at Gilbert ay namura ni Mama Susan.Nilagnat si Niko at dinala siya ng
miyembro ng kulto sa hospital.Mayroon pala 3rd eye si jezel at nakakita siya ng mga multo.Nang namatay
na si Mama Susan pinadasalan ng mga kulto si Gilbert napansin niya wala si Jezel hindi niya na alam kong
ano ang gagawin dinasal niya nalang ang dasal na latin nakita niya sa parang bibliya ng mga kulto na
isinulat Niya sa kanyang talaarawan.At si Gilbert ay nawalan Ng Malay.

VI.Pagsusuri sa akda:
A.Tauhan(pagsusuri sa mga tauhan)

Tauhang Lapad
Gilbert o galo-Si Gilbert ay isang masipag na estudyante nung siya bata marami na siyang nagagawang
gawain bahay dahil siya ay lumaki sa probinsya.Kailangan niyang magsipag sa mga gawaing bahay sapagkat
wala na siyang mga magulang at siya nakikitira sa kanyang Tiya Auring at Tiyo Dindo pero nagawa niyang
magnakaw ng pera sa kanyang kamag-aral at kaibigan pinalaglag niya rin ang kanyang anak sa huli naman
siya ay nagsisi sa kanyang mga nagawa.
Jezel-Si Jezel ay matapang na bata hanggang sa simula at huli na natiis niya manirahan sa bahay na may
multo na kaibigan ni mama susan.
Niko-Katulad ni jezel matapang rin siya nang makita niya ang lihim na kwarto sa bahay ni mama susan hindi
agad siya nataranta pero sa huli siya ay nahospital.
Aling Delia-Siya ang kanang kamay ni Mama Susan tinutulungan niya si Mama Susan sa mga gawaing bahay
at mataas ang kanyang ranggo sa kulto hanggang sa huli ng kwento siya naging tapat kay Mama Susan.
Tiyo Dindo-Si tiyo dindo ay mabuting ama sa kanyang pamilya at kay gilbert sapagkat binabayaran niya ang
matrikula ni gilbert.

Tauhang Bilog
Mama Susan-Nung una siya ay mabait na lola ni gilbert na palagi ngumingiti at hindi nag mumura pero sa
huli pinakita na niya ang kanyang tunay na pagkatao na siya ay lider ng kulto at namura niya si Gilbert.

B.Bisa ng nobela:

1.Bisang pangkaisipan-Natutunan ko ang konsepto ng katapangan at pagiging kontento sa buhay.


2.Bisang pangdamdamin-Ako bumilib sa magkapatid na sina Jezel at Niko sa kanilang pinakitang tapang sa
kwento.
3.Bisang pangkaasalan-Sa ipinakita ni Gilbert na tumakbo siya sa kanyang mga kasalanan at nagdulot ito
kapamahakan natutunan ko na dapat natin palagi natin hinaharap ang suliranin hindi katulad ni gilbert
kung siya nakontento sa kanyang buhay sa maynila siguro hindi siya napahamak

VII.Reaksyon
Napakaganda ng nobelang ito kong ito bibigyan ko ng skor bibigyan ko ito ng 100/100 sa ganda
nito.Nakakatindig balahibo sa parte ng tatakas sila sa bahay ni mama susan.Nagulat ako ng nalaman ni
gilbert na hindi niya kadugo kanyang kinikilalang lola at lider pala ng mga kulto ang kanyan (Lola)Mama
Susan.At lalo akong nagulat ng nalaman ko ang kasalanan ni Gilbert na ninakaw niya ang pera ng kanyang
kamag-aral at kaibigan at sa kanyang nagawa sa kanyang nobya.

You might also like