You are on page 1of 3

I.

PAMAGAT : Pusong Walang Pag-ibig

II. MAY-AKDA : Ramon Reyes

III. KAHULUGAN NG PAMAGAT :

IV. BUOD:

Sa Baryo ng Pulong-gubat, nais ni matandang Tikong na maikasal ang anak niyang si


Loleng. Nararamdaman ng matada na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang
siya kung mayroon lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni
tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala
namang nagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t
napupusuan niya si Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba.

Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagsundo na nga kay matandang Tikong at


nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na
naman siya sa hindi niya gusto dahil may dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang,
beheng at Gunday.

Nagkausap-usap ang mga binata ng pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na
ang isang dayo ang siya pang manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil
dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya
magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala siyang magagawa dahil ama niya naman
talaga ang nasusunod. Nabigo si Isiang, Gunday at Beheng . Idinemanda pa siya ni
Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang anak na si Isiang matapos tangkaing
itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung
hindi kadikit ni Ikeng ang derektor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi
sumusuko si kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan ay siya
mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay
naisipan nila Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin tulong ni Tenyente Pedro ang
mag-amang taga pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa
mungkahi iyon dahil wala na talaga ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang
lumipas. Natuloy ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang
kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit
hindi nagtagal ay nagbalik namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si
Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni
Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hangang sa
manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. unti-unting naubos ang pamana ni
Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni
Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging
kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si
Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom.

Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa pulong-


gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok.
Isa si ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang
maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalo nang mga
Amerikano ang mga Kastila. Sa hanap na mansarili na ang pilipinas ay inako lamang ng
mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan.

Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay
Nene kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni
Ikeng si Beng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino itinago sa Tarlac. Masalimuot
ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa Maynila.

Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang


abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro
dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina.

Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa


daang Villalobos. Napagkamalan nga ng Ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa
itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si
Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina!
Hindi ibang tao ang turing nina G. Ricardo at ng Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni loleng
na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si
Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka.

Unti-untinh gumiginhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaan sumulpot si Ikeng sa barberya


ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa. Nalaman ni
Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni
Ikeng na Makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saansila hahanapin. Siya
naming itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay
nabangga ng isang humaharurot na awtomobil. Si Ikeng at isinugod sa hospital San
Pablo.
Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin
na napakakalaki ng pagkukulang niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at
siya’y tuluyang nang namatay. Dito nagtatapos ang kwento ni Ikeng, ang “Pusong walang
pag-ibig”

V. BISANG PANGKAISIPAN:
Ang pamilya ay ang yaman ng isang tao na bakit kailanman ay hindi matutumbasan ng
kahit na ano o sino kaya nararapat o bigyang pansin

VI. BISANG PANDAMDAMIN:


Ang magulang ay nararapat na sundin dahil tayong mga Pilipino ay may kasabihang
“walang magulang ang gusting mapahamak ang anak” ngunit tayong mga anak ay
mayroon sariling pag-iisip at karapatan para sa ating mga sariling upang mga desisyon
lalo na kung alam naman natin na maganda ang magiging bunga noti

VII. BISANG PANGKAASALAN :


Marapat na bigyan natin ng pagkakataon ang kahit na sino mag desisyon para sa
kanilang buhay ng sagayon ay hindi natin ito pagsisihan sa huli

VIII. KONGKLUSYON:
Ang PUSONG WALANG PAG-IBIG ay isa sa mga maganda at kapaki-pakinabang na
basahin dahil sa pagging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindi nakakatamad
suriing nobela dahil sa magandang kwentong taglay.

IX. REKOMENDASYON :

You might also like