You are on page 1of 3

Ang Paglalakbay ni Gabriel

Isinulat ni:Adrian Paul D. Espina

Nag simula ang lahat sa lungsod ng Tandaya na nagngangalang Leyte sa kasalukuyan.

Noon mapa hanggang ngayon ay nakapa misteryoso na ng lugar na ito,Ngayon ay masasaksihan


mo ang isa sa maraming kwento na bumabalot sa lugar ng Tandaya.

Nag umpisa ang ating kuwento sa kamay ng ating karakter na si Gabriel.


Pinanganak at lumaki si Gabriel sa lungsod ng Sugbu,Dahil laki sa hirap ang binatang si Gabriel
ay napilitan siyang kumayod sa murang edad,Siya mismo ang nag paaral sa kaniyang
sarili at dahil dito sukat ang kaniyang bulsa at bukas palad siya sa kaniyang pamilya at sa
mga taong kaya niyang tulungan.Hindi nag tagal ay kailangan niyang umalis sa lungsod
ng Sugbu upang maipatuloy ang kaniyang pag-aaral,Madamdamin siyang umalis dahil
napamahal na siya sa lugar na kaniyang kinalakihan.

Naglakbay ang labinlimang taong gulang na si Gabriel patungo sa lugar na nagngangalang


Tandaya dahil sa pagkaka alam niyang mayroong prestihiyosong paaralan dito.Naglakbay
ang ating karakter na si Gabriel sa loob ng sampung oras para makarating sa lungsod ng
Tandaya,Nang dumating na si Gabriel sa Tandaya ay namangha at natulala siya sa
tanawin na mayroon ang Tandaya at napasabi siya ng “Tunay ngang ka mangha-mangha
ang lugar na ito!!”,Muntikan pangang makalimutan ni Gabriel ang kaniyang kinalakihang
lugar.Hindi nag aksaya ng oras ang binatilyo na hanapin ang prestihiyosong paaralan ng
Tandaya o Unibersidad ng Altagracia de Tandaya upang magpatala,Hindi naging madali
ang mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan patungo ng Tandaya kaya’t hindi naging
hadlang ang mga pagsusulit na ito sa kaniya,Bagama’t pinanganak na mahirap ay
nagtataglay siya ng angking talino na sapat upang makapasok sa paaralan.
Matapos niyang malampasan ang lahat ng ito ay tumungo at nag hanap siya ng
matitirahan,Nakarating ang binatilyo sa pook ng Gyid para lamang maka hanap ng
matitirahan na may dalawang kilometro ang layo sa Lungsod ng Tandaya.Mayroong
isang nabubukod tanging apartyamento sa lugar na ito, Dahil sa tatlong nag gagandahang
magkapatid na nakatira rito ay napabaling ang atensiyon ni Gabriel,Unang beses niya
makakita ng tatlong kambal kaya’t ganon nalamang ang kaniyang kuryusidad.Panay ang
tanong niya sa tatlong magkakapatid kaya’t sila’y konti konting naiirita,Nagkaroon ng
pag kakataon si Gabriel na tanungin ang tatlong magkakapatid sa kanilang
pangalan,Tugon ng pinakamatanda “Ikingagalak ko makilala ka Gabriel,Ako nga pala si
Leonora ang pinakamatanda pero ang pinaka maganda”,Nagsalita naman ang gitnang
kapatid “Kamusta ka Gabriel ako nga pala si Esther”Pormal na sinabi ng pangalawang
kapatid,At sa pang huli ay ang pinakabatang kapatid na nahihiyang sabihin ang kaniyang
pangalan “aa.. ako... ako nga pala .. si Anna,Ikinagagalik kitang makilala..” Napangiti si
Gabriel sabay sabing “Naikakagalak ko ring makilala kayo” Ngunit malapit na mag
takip-silim kaya’t tinanong ni Gabriel kung may lugar paba sa isa pang tao,Sabay sabi ni
Leonora na humingi muna ng pahintulot si Gabriel sa may ari,Tinanong ni Gabriel kung
naroroon ang may ari,Pinahatid ni Leonora si Gabriel kay Esther patungo sa opisina ng
may ari na nagngangalang Ray.Kumatok si Gabriel sa pintuan at sinabing “Tao po!”
Binuksan ng may ari ang pintuan at pinatuloy si Gabriel at Esther, “Anong
maipaglilingkod ko sa inyo?” tugon ng may ari, “Maaari bang makitulog muna sa
apartyamentong ito?Mayroon akong salapi sa aking bulsa” sagot ni Gabriel,Lumigaya at
parang gumaan ang pakiramdam ang may ari na si Ray sa pagkaka dinig nito,Dahil sa
totoo lang ay wala ng halos bumibisita at dumaraan sa pook na ito bagama’t maraming
tao sa lungsod.Pinatuloy niya si Gabriel sa kaniyang apartyamento sa kapalit ng ilang
daan.
Dumaan ang ilang araw nakapasok na si Gabriel sa Unibersidad ng Altagracia de
Tandaya,Naging normal ang lahat ng pangyayare sa unang linggo niya ng pananatili sa
Tandaya.
Konti konting napapansin ni Gabriel na may kakaiba sa tatlong magkakapatid ng lumaon ang
panahon ng kaniyang pananatili sa apartyamento sa pook ng Gyid dahil sa pakonti ng
pakonti ang mamamayan ng Gyid,Nababahala na si Gabriel dahil baka may masamang
mangyare sa kanya at sa tatlong magkakapatid .
Nagpatuloy ang araw ni Gabriel ng normal sa mga lumipas na linggo hanggang sa naka gising
siya ng madaling araw,May narinig siyang nag uusap na tila man lang nagpaplano ng
kung anong masama,Dali dali siyang nakinig sa sulok na tila ba’y nagmamasid,naririnig
niya ang tinig ng kaniyang puso,kinikilabutan si Gabriel ng mga oras na iyon dahil
narinig niya ang sumusunod na linya ni Leonora “Gagawin natin ang dapat nating
gawin,mapa mabuti man o masamang tao ay dapat parusahan” Ngunit gumaan ng konti
ang damdamin ni Gabriel nuong narinig niyang sinabi ni Esther ang linyang ito “Di ko
magagawa iyon kay Gabriel napaka buti niyang tao upang parusahan”,Dali daling
bumalik sa kwarto si Gabriel dahil sa hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat
gawin,Naisipan ni Gabriel na baka hindi yun totoo at gawa gawa lamang nila iyon para
siya ay takutin,Natulog nalang ulit si Gabriel sa pag iintinding hindi totoo ang kaniyang
mga narinig.
Pinagpatuloy ni Gabriel ang kaniyang pakikibaka sa Unibersidad ng Altagracia de
Tandaya,dumaan ang ilang araw nararamdaman na ni Gabriel at malakas na ang
kaniyang kutob na may kaugnayan ang tatlong magkakapatid sa pagkakawala ng mga
mamamayan sa pook ng Gyid dahil nakita niya ng isang beses na nakalitaw si Leonora
sa hangin na walang ibang taong nakakita,Kinabahan ng husto si Gabriel baka siya ang
masunod na mawala sa kabila ng koneksiyon niya sa tatlong magkakapatid.
Isang araw ay naglalakad si Gabriel pauwi ng kaniyang apartyamento at nakasalubong niya si
Esther sa daan na puno ng dugo at tila’y malapit ng mamatay,Tumakbo palayo si Esther
kay Gabriel sapagkat kahit siya’y nag iba ng anyo ay nakilala niya parin si Gabriel,Hindi
naka abot ng malayo si Esther at siya’y na humandusay at nahimatay sa daan pero
mayroon paring pulso,Dali dali niyang inuwi ng apartyamento si Esther sa pagkakalaam
na kapag dinala niya si Esther sa isang hospital ay siya’y di magagamot at may tiyansang
patayin sa hospital dahil sa kaniyang anyong pisikal,Parang normal lang ang nangyare
para sa may ari ng apartyamento dahil parang alam niya kung ano ang tama at susundin
na gawin sa paggagamot kay Esther.
Gulat na gulat parin si Gabriel sa lahat ng nangyare at mga nagdaang karanasan,Lumapit sila
Leonora at Anna kay Gabriel at sinabing “Ngayon alam mona ang sikretong pinaka
iingatan namin” tugon naman ng Gabriel “Bakit niyo naman magagawa iyon at bakit
hanggang ngayon ay buhay parin ako?” Tumawa lang si Leonora at sabay sabing “Ang
mga taong nawawala sa iyong pag kakaalam ay hindi tao kundi kaparehas lang din
namin” Doon napag tanto na prinoprotektahan lang pala ng tatlong magkakapatid si
Gabriel sa mga maling kamay na pwedeng ikamatay niya,Mayroon pa siyang isang
tanong na nais bigyang liwanag “Bakit noong naka gising ako ng madaling araw narinig
ko kayo na may plano kayong patayin ako?” Humagukhok ng tawa sila Leonora at Anna
dahil gusto lamang nilang takutin si Gabriel upang maging ma alerto sa kaniyang
kapaligiran.
Simula’t sapul sinasamahan na ng tatlong magkakapatid si Gabriel sa pag punta ng paaralan
upang siguraduhing ligtas ang ating karakter.
Lumipas ang ilang taon oras na upang mag hanap ng trabaho si Gabriel dahil tapos na siya sa
kaniyang pag-aaral sa Tandaya at oras na ring mag paalam sa kaniyang mga pinaka
malapit na kaibigan na nabuo sa kaniyang paglalakbay patungo sa kaniyang hinaharap.

Wakas

You might also like