You are on page 1of 4

“Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa”

Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Ina si Maymay kung


kaya’t parang kapatid na ang turing na sa kanyang mga alaga.
May aso siyang si Bruno at pusa na si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang


mag-asawa ay nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-
iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa mga alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa


pagitan ni Bruno at Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si
Mang Tibo nagtatrabaho at si Maymay naman ay sumama kay
Aling Ina sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalaglag si Kiting kay Bruno na siya naming


natutulog sa sala sa munting bahay ng pamilya Santos. Nagising
ang aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at ng madatnan niya ito ay pinag-


kakagat niya. Hindi naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat
sa pusa pero nagdulot ito ng mga maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi nya ito


pinakain habang awing-awa siya kay Kiting. Nais ng bata na
matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit rin sa
kaniya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni


Maymay. Umalis ulit si Aling Ina at ang anak niya. Saktong pag-
sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kaniyang kainan
patungo kay Bruno.

Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang


pagkain sa kainan ng pusa. Si Kuting naman, umupo lang sa
gilid at pinanuod ang aso na kumain. Nasiyahan si Bruno sa
ginawa ng pusa at nagkabati sila.
Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong
dumating sila ng nanay niya ay hindi ito lumapit, tanging si
Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at hinimas-himas
ang ulo nito.

“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro tayo ni Kiting, e, ang liit-


liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.

Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman si


Bruno. Nagsisi rin siya sa ginawa niya sa aso at ipinangako sa
sarili na hinding-hindi na niya paparusahan ang mga alaga kahit
anong mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at


agad-agad itong tumayo at lumapit sa pintuan – hudyat na gusto
na niyang makipaglaro.

Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi


na rin nagagalit ang aso sa tuwing hindi sinasadyang malaglag
sa kanya ang pusa at magigising siya sa mahimbing niyang
tulog.

Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina


Bruno at Kiting. Nawala na ang takot ng pusa sa malaking aso.

Mga tanong:

1. Ano ang pangalan ng aso at pusa ni Maymay?

2. Ano ang pangalan ng mga magulang ni Maymay?

3. Bakit nagalit si Bruno kay Kiting?

4. Ano ang parusa na ibinigay ni Maymay kay Bruno?

5. Ano ang aral na mapupulot sa kwentong binasa?


“ Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”
Malapit nang makatapos ng elementarya si Inday at parehas silang nasasabik ng nanay niya
sa pinakahihintay na araw. Si Aling Peling halos hindi na makatulog kaka-isip kung ano ang
ireregalo sa nag-iisang anak.

Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si Aling
Peling na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at doon
nakakita siyang isang selpon.

“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan na papasukan ni Inday sa sekondarya,


kakailanganin niya ito,” sabi ni Aling Peling sa sarili.

Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos
niya sa elementarya. Pagkauwi nito sa bahay, agad niyang itinago sa kanyang aparador.

Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling Peling at
Inday. Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng
entablado.

Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang
kanyang sorpresa kay Inday na agad naman nitong binuksan.

“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat nanay! May selpon na ako,”sigaw ng anak.

Simula ng gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Inday. Kahit bakasyon , malimit
silang mag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Rico o di kaya nagtatawagan sila.

“ Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro
guwapo siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan niya.

Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya ang
anak at kinausao ito.

“Teka bessy tawag ako ni nanay. Tatawag nalang ako sayo ulit. Bye! Nay, bakit po?” tanong
ni Inday sa ina.

“ Ano yung narinig kong makikipagkita ka sa hindi mo kilala? Ganun ka ba ka kampante na


mabuting tao yan, e sa selpon mo lang nakilala,” sabi ni Aling Peling sa anak.

“Kaya nga po magkikita kami nay upang magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa inyo
minsan na nga lang ako lumabas marami pa akong maririnig,” sabi ni Inday na padabog na
pumasok sa kwarto niya.

Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak. Dati- rati ay ni hindi ito magawa na sagutin siya ng
ganun. Nagtimpi na lang ang matanda at pinagpatuloy ang pagluluto ng kanilang hapunan.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na lang
na umalis na yun at sana’y mag-ingat siya. Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina.

Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kanyang mga paninda sa
araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kaniyang lutong
bibingka.

Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami na ang bumili sa kainya at noong papaalis
na siya ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya masyadong maaninag ang
mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.

“Nak! Inday! Anong nangyari sayo ba’t ka umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.

“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap kami tapos
biglang naiihi raw siya kaya siya umalis saglit,” sabi ng anak habang umiiyak.

Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng isang oras na pag-
uusap ay nagpresenta daw itong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay isinabit ng
binata ang bag ni Inday sa kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito.

Kasama sa nawalang bag ni Inday ang bagong selpon na pinag-ipunan at ibinigay ng nanay
niya sa kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig sa nanay niya.

MGA TANONG:

1.Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Ano ang regalo ni Aling Peling kay Inday?

3. Saan nagkita si Inday at Rico?

4. Ano ang dahilan ng pag-iyak ni Inday?

5. Ano ang aral na makukuha sa kwento?

You might also like