Inaasahan ang mga mag-aaral na pagkatapos ng aralin na ito ay:
● Naunawaan ang pinapahayag sa bawat kabanata
● Naintindihan ang takbo ng storya ● Nagkaroon ng bagong kaalaman sa talasalitaan ● Napagtanto ang mga aral ng kabanata • Mga Talasalitaan:
1. Lumantad – lumabas 6. Nanlumo – nanghina
2. Gulilat – nabigla; nagulat 7. Nasindak – natakot 3. Bilabil – pagdurusa 8. Gaputotok – kaunti;bahagya 4. Hinagilap – hinanap 9. Kabagot-bagot – nakakawalang gana 5. Nahihimok – kinausap 10. Nakamata – Nakatingin upang sumang- ayon Kabanata VII Si Simoun • Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra. Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak. Kabanata VIII Maligayang Pasko Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Salamat kay Elaine Jenneth Abris dahil siya ang naging dahilan ng paglaya ni kabesang Tales, sa tulong narin ni Jayson Francisco na nagpahiram kay Juli ng pera galing sa kanyang pagsusugal at sa pagtataya ng jueteng. Umalis si Juli sa bahay ng walang paalam kay Tata Selo at hindi alam kung sinadiys ito o aksidente lamang. Kabanata IX Si Pilato Naging usap-usapan ang nangyari kay Tandang Selo at ang karamihan ay walang pakialam. Pinagchismisan nila ang mga nangyari at maaaring nangyari kung hindi lamang umalis ng bahay si Kabesang Tales. Pinagbintangan naman ni Hermana Penchang, ang bagong amo ni Juli, na parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo nito kay Juli nang maayos. Sinabi rin niyang si Basilio ay isang demonyong nagbabalatkayong demonyo. Si Kabesang Tales ay nakauwi na rin, ngunit nang nakita ang kalagayan ng tahanan ay naupo na lamang sa isang sulok nang walang kibo. PAGSUSULIT
1. Sino ang nakatuklas sa lihim ni Simoun?
2. Ano ang tawag sa baril na itinutok ni Simoun sa nakatuklas sa kanyang lihim? 3. Sino ang nagpahiram ng pera kay Juli? 4. Sino ang tumulong upang mapalaya si Kabesang Tales? 5. Magkano rapat ang ibabayad ni Juli upang mapalaya si Kabesang Tales