You are on page 1of 4

ANG KUWINTAS

Ni Guy de Maupassant

Dumating ang kanyang asawang si G. Loisel isang gabi na may dalang sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang
kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko. Ngunit nagdabog at bumulong si Mathilde sa anong gagawin niya rito.
Sinabi niya sa asawa na kailangan niya ng pera para bumili ng bagong bestida upang magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na
raang prangko ang kanyang hiningi kung kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito na bumili ng bagong bestida si
Mathilde.

Pero hindi nakuntento si Mathilde na wala man lang hiyas na suot kaya humiram siya ng kwintas sa kanyong kaibigang si
Madam Forestier. Pinahiraman ni Forestier si Mathilde ng kwintas. Nang sumapit ang araw nahigitan ni Mathilde ang lahat ng
mga babae sa ganda, rangya at kahalina halina. Kung kaya siya ay naging maligaya sa gabing iyon.

Matapos ang kasiyahan umuwi silang mag-asawa. Nang humarap sa salamin si Mathilde ay napasigaw siya dahil nawala
ang kwintas na hiniram niya.

Hinahanap nila ito ngunit hindi ito makita. Kaya siya naghanap ng katulad nito upang isauli kay Madam Forestier
sapagkat nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko.

Nang mabili na nila ang kwintas ay isinauli ito kay Madam Forestier na naging malamig ang pakikiharap sa kanya. Noon
lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitaan. Tumagal ng sampung taon ay natapos din ang lahat ng
kanilang utang kasama na ang mga tubong nagkapatong patong.

Mukhang matanda na si Mathilde na isa nang tunay na babae na mayroong maralitang buhay. Isang araw ay naglalakad si
Mathilde sa Champs Elysees. Nakita niya si Madam Forestier na may kasamang bata. Katulad pa din ito ng dati na may taglay na
panghalina. Binati niya ito ngunit siya ay hindi na nakilala dahil malaki ang pagbabago ng kanyang itsura. Isinisi niya kay
Foresties sa nangyari sa kanya.

Sinabi niya ang pagkawala ng kwintas at ang pagbili niya kapalit ng kwinras na naging sanhi ng kahirapan ng kanyang
pinagdaanan. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na isang imitasyon lamang ang hiniram niya kay Mathilde. Ang pinakamataas na
maihahalaga ay limang daang prangko lamang. Umuwi si Mathilde sa kanilang bahay at sinabi ito sa kanyang asawa.

EMPENG NEGRO
Ni Rogelio Sikat
Si Impen ay madalas na tuksuhin sa kanilang pook dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay anak ng isang Negrong
Amerikano at siya ay may mga kapatid na anak ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti, mapuputi ang kanyang mga kapatid
kaya ganoon na lamang ang panunukso ng mga tao sakanya.

Tuwing aalis si Impen sa kanilang tahanan bilang isang Agwmador ay madalas siyang pinangangaralan ng kanyang ina
na huwag makipag away kay Ogor. Si Ogor ay kinikilalang hari ng gripo, siya ang nangunguna sa pagtukso kay Impen.

Isang araw, habang siya ay nakapila upang mag-igib ay sinubukan nanaman siya ni Ogor. Pilit na sinisingit ni Ogor ang
kanyang balde gayong si Impen na ang sasahod. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito
pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi.

Subalit sa kanyang pag-alis ay pinatid siya ni Ogor kaya tumama ang kanyang pisngi sa nabitawang balde na nagsanhi ng
pagdudugo nito, agad tumingala si Impen sa kanyang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Tumawa lang ng malakas si Ogor at
sinipa pa siya.

Nagulat si Ogor nang mabilis siyang sipain ni Impen. Nagpambuno ang dalawa, subalit bigla ang paglakas ni Impen kaya
natalo at napasuko niya si Ogor. Hindi makapaniwala ang ibang Agwador, bakas ang paghanga sa kanilang mga mata. Sa
pagkakataong iyon, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga tao.

MABANGIS NA LUNGSOD
Ni Efren R. Abueg

Ulila na at nabubuhay na mag-isa ang batang si Adong. Upang makaraos sa araw-araw ay pinili ng pobreng
bata na mamalimos na lamang sa harap ng simbahan ng Quiapo.
Araw hanggang gabi ang panghihingi tulong ng bata sa mga naglalabas-pasok na deboto ng sikat na
simbahan.

Ngunit sa kaniyang murang isip ay alam na ni Adong ang bangis ng kaniyang paligid dahil sa binatang si
Bruno na laging kinukuha nang sapilitan ang kaniyang mga nalilimos. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang
makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong.

Kinukuha ni Bruno ang perang naipon ni Adong at wala siyang nagagawa. Isang araw, batid na ni Adong na
katulad ng mga nakaraang panahon ay kukuhanin na naman ni Bruno ang kaniyang perang pambili ng pagkain.

Ngunit naisipan niya noong gabi na iyon na magtago kay Bruno. Ngunit ang panahon ni Adong para tumakas
sa mapang-aping si Bruno ay kakaunti na lamang. Sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa
puwesto sa tapat ng simbahan, ang bruskong si Bruno.

Nagtago pa rin itong pilit ngunit nahabol at natagpuan ni Bruno. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at
pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang pera ay binugbog nila si Adong hanggang sa manghina.

KUWENTO NI MABUTI
Ni Genoveva Edroza-Matute

“Mabuti” ang tawag ng mga mag-aaral sa gurong iyon. Ito ang naging pangalan niya dahil marami siyang kuwentong
kapupulutan ng kabutihan. At higit sa lahat, “Mabuti” ang naging palayaw niya dahil hilig niyang sambitin ang “mabuti” sa
kaniyang mga pahayag.

Dahil sa angking husay sa pagtuturo at mabuting kalooban, naging idolo ng mag-aaral na si Fe ang kaniyang guro na si
Mabuti. Hangang-hanga siya sa guro na maliban sa magaling nang magturo, ay lagi pang ipinagmamalaki ang kaniyang anak.
Gayunman, isang araw, mayroong mababaw na suliranin si Fe. Dahil doon, nagpunta siya sa silid-aklatan kung saan
walang tao upang umiyak. Ilang sandali pa ay dumating ang kaniyang gurong si Mabuti at nakinig sa kaniyang salaysay. Maya-
maya pa, hindi na rin napigilan ng gurong umiyak. Doon nalaman ni Fe na kahit ang magliw at mahusay na gurong si Mabuti ay
may suliranin din.

Napag-alaman ni Fe matapos ang ilang araw ang dahilan ng pag-iyak ng gurong si Mabuti. Natuklasan pala ng guro na
hindi siya ang unang asawa ng kabiyak na doktor. Nalaman niya lamang nang pumanaw ang asawang doktor at hindi maiburol sa
kanilang bahay.

Lumipas ang mga panahon at hindi na guro ni Fe si Mabuti. Ngunit nananatili ang kabutihan nito at inspirasyon sa
kaniyang buhay.

You might also like