You are on page 1of 49

Miyembro 2 Jonalyn Alcasid 10 Therese Coronel 27 Nadine Magpayo 28 Katrina Mallari 31 Buena Monillas 45 Racielle Tanedo

Guro Bb. Pedilyn Fernandez

TAGPUAN

Nayon Ito ang pangunahing tagpuan sa nobela Dito makikita ang tahanan nina Amelita at Mauro sa may sangandaan Karamihan sa mga pangyayari ay naganap dito Matatanaw ang bukid sa mismong sangandaan Narito rin ang lugar kung saan nagtatrabaho sina Amelita at Mauro

MGA PANGUNAHING TAUHAN

Aling Rosa

Ang ina ni Amelita at manugang ni Mauro Bilang isang ina tila marahas ang kanyang pamamaraan upang maging matagumpay sa buhay ang kanyang mga anak pinipilit ang mga ito na gawin ang kanyang nais siya mismo ang gumagawa ng desisyon para sa kanila lumalayo ang damdamin ng kanyang mga anak sa kanya

Mang Ambo

Ang tahimik na ama ni Amelita at kabiyak ni Aling Rosa Naniniwala na may kapasidad na ang kanyang mga anak na gumawa ng sariling desisyon sa buhay Hinahayaan pa rin ang kanyang asawa na gumawa ng desisyon para sa mga anak nila Hindi niya sinasabi ang kanyang mga saloobin at opinyon Mas napangingibabawan ng kanyang asawa

Amelita

May matinding dedikasyon sa kanyang propesyon (pagiging isang guro) Pinahahalagahan ang kanyang dignidad Punung-puno ng pag-aagam-agam kung minsan ay hindi niya malaman ang gagawin sa ilang sitwasyon hindi niya mapagtanto ang tunay niyang kagustuhan x kung susundin ba niya ang kanyang naisin (ang desisyong kanyang pinaghahawakan) o ang nais din naman niyang makitang nasisiyahan sa kanya ang kanyang ina

Mauro

Alam na ang kanyang kagustuhan sa buhay Nalalaman niya kung ano ang mga bagay na mahalaga sa buhay niya ang kanyang pamilya, ang kanyang propesyon at si Amelita Malimit niyang pinapauna ang ibang tao, ang kanilang kaligayahan bago sa kanyang sariling naisin kung minsan, ito ay nagbubunga ng kanyang sariling kapighatian

Osmundo

Hindi tahasang masasabing isang antagonista Kahinaan niya ang magmahal sa taong umiibig na sa iba x ito ang dahilan ng ilang kamaliang kanyang nagawa x ang nais niyang pagkitil sa buhay ni Mauro May paniniwala sa kadakilaan ng pag-ibig x kahit na siya ay bigo sa pag-ibig, patuloy ang pagtulong niya sa mga mahal sa buhay ng taong kanyang lubos na sinisinta

Aling Idad
Tahimik lamang Isang mapagmahal na ina Kawalan niya ng tamang

sa pagpapahayag mgasaloobin Hindi niya lubusang maipagtanggol ang sarili mula sa mapangutyang mga salita ni Aling Rosa

mga salita ng kanyang

BUOD

Kabanata 1: Paninindigan

Galit na galit si Aling Rosa habanag kinakausap si Mang Ambo tungkol sa napiling karera ng anak niyang si Amelita, ang pagiging titser. Pinipilit ni Aling Rosa na maging asawa ni Amelita si Osmundo, isang mayamang binata. Hindi pumayag si Amelita sa kagustuhan ng ina at kahit paglabas kasama si Osmundo ay hindi siya pumayag.

Kabanata 2: Hilig

Sinabi ni Amelita sa kanyang ina na may lalaki na siyang pinangakuan ng pag-ibig. Ito ay si Mauro, titser tulad ni Amelita. Nakaraan: Kausap ni Amelita ang kanyang gurong si Mauro tungkol sa kasiyahan sa pagtuturo. Nakaraan: Sinabi ni Amelita kasy Mauro ang mga salitang Sir, I love you. Muling ipinilit ni Aling Rosa si Osmundo sa anak.

Kabanata 3: Pasiya

Muling tinanggihan ni Amelita si Osmundo. Nag-usap ang magkasintahang Amelita at Mauro, at pinag-isipan na ang kasal.

Kabanata 4: Sangandaan

Sinabi ni Mauro na mas mabuting makapaghanda sila bago magpakasal. Dahil sa pag-aalala, sinabi na ni Mauro ang pagpapakasal kay Amelita sa kanyang inang si Aling Idad. Nais na ni Amelita na manatili sa bahay ni Mauro at ayaw ng umuwi.

Kabanata 5: Ganti

Mabigat ang damdamin ni Amelita sa ideyang pagpapakasal kay Osmundo kaya ayaw niyang umuwi Sinamahan ni Mauro si Amelita sa pag-uwi Balak ni Mauro magpakilala sa mga magulang ni Amelita Habang nakikipag-usap si Mauro kay Aling Rosa, nanlalamig at punung-puno ng kaba si Amelita Nakapagpaalam si Mauro tungkol sa kasalan at nang umalis, nakadama si Amelita ng panggigipuspos

Kabanata 6: Pagpapaubaya

May ibang binabalak si Aling Rosa Nais ni Aling Rosa na ipakasal si Amelita kay Osmundo Ayon kay Mang Ambo, kailangang hayaan na nilang magdesisyon mag-isa si Amelita Kinuwento ni Mauro kay Aling Idad ang nangyari. Nagkaroon ng masamang kutob si Aling Idad Kinabukasan, hindi pumasok si Amelita sapagkat may sakit daw ito Nalaman ni Mauro na wala talagang sakit si Amelita at sinabi sa kanya ni Aling Rosa na huwag na siyang makipagkita kay Amelita sapagkat ikakasal na ito kay Osmundo Nakapag-usap si Mauro at si Mang Ambo nang siyay paalis na. Sinabihan siya na kalimutan na si Amelita

Kabanata 7: Lalang
Sinabi ni Amelita sa kanyang ina ang diumanong naganap sa pagitan nila ni Mauro Nalaman ni Mang Ambo at nagdesisyong kailangan maidaos sa lalong madaling panahon ang kasal Nagulat si Osmundo ngunit inisip na lalang lamang iyon ni Amelita Pinuntahan ni Mang Ambo si Mauro upang kausapin Ang hiling lamang ni Mang Ambo ay mahalin at ingatan ni Mauro si Amelita at ang kanyang magiging apo Lumuwas ng Maynila si Aling Rosa upang dalawin ang kanyang mga anak

Kabanata 8: Anak
Naisipan ni Aling Rosa na puntahan si Felisa

na isang doktor Hindi agad lumabas si Felisa sapgkat itoy may pasyente Nagkuwentuhan ang mag-ina Kalat na kalat na ang balitang pagpapakasal nina Amelita at Mauro Marami ang nagtataka kung bakit wala sa nayon si Aling Rosa Sinabi ni Mang Ambo na kahit anong mangyari, tuloy ang kasal

Kabanata 9: Bagong Buhay

Ikinasal sina Mauro at Amelita ngunit wala roon si Aling Rosa Inihabilin ni Mang Ambo kay Mauro na alagaan at mahalin nang tunay si Amelita Inanyayahan ni Ginoong Batac, punungguro ng paaralan sa kabisera, si Mauro na magturo sa paaralang kanyang ipapatayo Bumisita si Osmundo sa tahanan nina Mauro

Kabanata 10: Banta ng Panganib

Kabanata 11: Isang Ina, Isang Ama


Sumakit ang tiyan ni Amelita pagkaalis ni

Osmundo sa kanilang tahanan Manganganak na si Amelita ngunit wala pa ring pakialam ang kanyang inang si Aling Rosa

Kabanata 12: Talaga ng Diyos


Nanganak si Amelita at babae ang naging una nilang anak ni Mauro. Nagtungo sa tahanan ni Enteng, isang lalaking pisak ang mata at may malalim na gatla sa pisngi, si Osmundo. Nais ni Osmundo na ipapatay si Mauro. Hindi nagawa ni Enteng and kanyang misyon dahil si Mauro ang tumulong sa kanyang anak. Inihabilin ng lalaki ang kanyang anak kay Mauro at umalis sa kanilang nayon upang lumayo.

Kabanata 13: Nahawing Ulap


Ibinalita ni Mang Ambo kay Mauro ang mga bagay na taliwas sa totoong kalagayan ng kanyang apo. Katotohanan: Walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng sanggol.

Kabanata 14: Pakitang-Tao


Lumuwas ng Maynila si Aling Rosa. Nagtungo sa kanyang anak na si Felisa at ibinalita rito ang panganganak at nalalapit na binyag ng anak ni Amelita. Lahat ng mga kanayon nina Mauro at Amelita ay dumalo sa binyagan na siyang ikinagulat ng mag-asawa.

Kabanata 15: Transisyon


Ipinagdiriwang ng pamilya nina Mauro ang unang kaarawan ni Lida. Nagkaroon ng maliit na kantina ang paaralang pinagtuturuan nina Amelita sa tulong ng mga guro at mga magulang. Nagulat si Amelita sa itinanong ni Lida kung bakit hindi sila binibasita ng kaniyang Lola Rosa. Bumsita sina Lida at Amelita sa tahanan nina Mang Ambo ngunit umuwi sila kaagad dahil hindi sila kumportable sa kanilang sitwasyon.

Kabanata 16: Ang Pagbabalik


Nagbalik si Osmundo galing sa Amerika Hindi mapawi ang kasiyahan ni Aling Rosa sa balita ngunit si Amelita namay hindi mapakali sa kaba Nagpumilit si Lida na masilayan si Osmundo sa kanyang pagbabalik

Kabanata 17: Muling Pagbabalik


Naging abala si Mauro sa pagtitipon Nagtungo si Osmundo sa tahanan nina Mauro upang magpasalamat sa pagiging abala niya sa naganap na pagtitipon Hindi maalis sa isip ni Osmundo si Amelita sapagkat lubos ang pagmamahal niya rito

Kabanata 18: Bagong Babala ng Panganib

Muling nagtungo si Osmundo sa tahanan nina Mauro ngunit bigo itong makita si Amelita Nagbukas ng paaralang bokasyonal sa tulong ng mga kapwa guro nina Amelita, mga magulang at ni Osmundo

Kabanata 19: Sa Bingit ng Kamatayan


Nagkasakit ang pinakamamahal na anak nina Amelita at Mauro Sa tulong ni Osmundoy nakarating sila sa ospital Naisip ni Amelita ang gastusin ngunit agad naman itong napawi dahil sa balita ng kanyang asawa na may pagkukunan na sila ng pera Agad binisita ni Aling Rosa ang anak na si Lourdes at apong si Lety. Nag-alala ito na baka raw nahawaan ni Lida ng sakit niya si Lety

Kabanata 20: Kaibigan o Kaaway?


Nakalampas na si Lida sa krisis ng kanyang sakit. Nakatagpo ng kasiyahansi Osmundo ng sinunod niya ang payo ng kanyang kaibigan na si Cesar. Inanyayahan ni Osmundo si Lida na sumama sa kanyang mamasyal at sumama ang bata.

Kabanata 21: Sa Dulo ng Landas


Halos hindi mapakali si Amelita dahil hindi niya alam kung nasaan ang kanyang anak na si Lida. Alalang-alala ang mag-asawa dahil wala pa rin silang balita kung nasaan ang kanilang nagiisang anak. Nabalita sa nayon na hindi na raw babalik sa bayan si Osmundo at mangiibang bansa na siya para doon magtrabaho at magsimula ng pamilya.

Kabanata 22: Kung Ano ang Ipinunla


Nagulat si Amelita nang nakita niya ang kondisyon ng kanyang ina. Lumuwas sa Maynila si Mauro upang balitaan ang kanyang mga hipag at bayaw na may sakit ang kanilang nanay. Hindi sila nag-aalala dahil kasama naman ni Aling Rosa sina Amelita at alam nila na hindi siya pababayaan nito. Nakita ng bayan ang mga huling tulong ni Osmundo kahit nasa ibang bansa na ito. Nakatanggap ng liham si Amelita sa pagdiriwang na nagbabalita sa Gawad ng Pagkilala na ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa. Nang matanggap nila ang Gawad kaagad silang bumalik sa tahanan nina Aling Rosa at ipinakita ang plaka. Yinakap ng ina ang kanyang anak at natiyak ni Amelita na hindi na ang dating ina ang kanyang kaharap.

KAHALAGAHAN SA LIPUNAN

Mamulat ang kabataan Layunin imulat ang kabataan

sa katotohanang nagaganap sa kanilang lipunang ginagalawan

Katotohanan
ang propesyong pagtuturo ay hindi isang madaling gawain ang mga guro ay may lakas ng loob sa kanilang pusot isipan

upang ipagpatuloy ang propesyong ito (pagtuturo)

Sa Nobela
ilang ulit sinabi ni Aling Rosa na walang mangyayari sa

kanyang anak na si Amelita kung patuloy itong magiging isang guro

Mensahe
kung ang isang propesyon ang nagbibigay-kaligayahan sa

isang tao, walang sinuman ang makapipigil sa kanyang maabot ito bawat isa sa atin ay may karapatang magdesisyon para sa ating mga sarili kinakailangang tayoy tumayo sa ating sariling paninidigan

Hindi lahat ay nakasalalay sa pera o salapi

Hindi lahat ng bagay sa mundo ay masusukat sa salaping pagmamay-ari ng isang tao Pamilya mas mahalaga kaysa sa pera o salapi nagsisilbing pundasyon ng pagmamahal, pagtitiwala at kaligayahan Sa Nobela binigyang-pansin ang kahalagahan ng pamilya pagkakasakit ni Aling Rosa naghatid sa kanya at kay Amelita upang lubusang maunawaan ang isat isa (kailangan nila ang isat isa sa kani-kanilang mga buhay)

SULIRANING PANLIPUNAN

Diskriminasyon

Kung minsan, ang diskriminasyon ay mismong nagaganap sa loob ng tahanan ng isang pamilya ipinakita sa nobelang Titser ang diskriminasyon ng isang magulang sa kanyang anak dahilan ng propesyong pinili ni Amelita, malimit na maikumpara siya sa kanyang mga kapatid sa Maynila Hindi mabuti ang hatid ng pagkukumpara sa isang tao sa nobela ang pagkukumpara ay nagdulot ng pag-aalangan ni Amelita sa kanyang sariling mga kapatid x dulot din ng kanyang takot na masaktan ang kanyang anak na si Lida sa maaaring pangaaping kanyang abutin.

Kahirapan

Ang kahirapan ay hindi maiiwasang suliranin sa bawat pamilya

Sa nobela pamilya ni Mauro - marami silang magkakapatid pagkakasakit ni Lida - hirap ang mag-asawa sapagkat gipit sila sa pera Hindi lamang ang mga taong walang salapi ang masasabing mahirap sa buhay mahirap ding maituturing ang mga taong hindi marunong umunawa o magmahal x hindi nila natutunan ang isang bagay na napakahalaga sa buhay

ang lubusang pagmamahal sa Diyos, sarili, sa pamilya at sa kapwa

SIMBOLISMO

Pera o salapi

Kahalagahan ng pagkakaroon ng salapi malaki ang maitutulong sa isang indibidwal para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan malaki ang tulong na hatid ito sa mga pagkakataong higit itong kinakailangan x pagkakaroon ng malubhang karamdaman ang isang kamag-anak Nakakasilaw din ang pera at maaari nitong ilayo ang tao sa daang matuwid maaaring makalimot ang isang indibidwal sa mga mas makabuluhang bagay (pamilya, pangarap, kaligayahan)

Sa nobela positibong epektong dulot ng salapi sa buhay ng isang tao x lubusang nakakatulong sa pamilya ni Aling Rosa x nagkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak negatibong epekto ng pagkakaroon ng pera x pagkakasakit ni Aling Rosa - hindi man lamang binisita ng kanyang mga anak x nasilaw sila (mga anak) sa karangyaang hatid ng salapi x tuluyang lumayo ang kanilang damdamin at kalooban sa kanilang ina

Titser

Isang propesyong naglalayong maghatid ng pagbabago sa buhay ng mga taong kanilang nasasalamuha Isang propesyong hindi lamang pagtuturo ang siyang ginagawa pagiging isang ina sa kanyang mga magaaral pagiging isang kaibigan sa kanyang mga kasamahan sa trabaho pagiging isang mamamayan sa kanyang lupang sinilangan

Itinuturing bagong bayani sila ang humuhubog sa mga kabataan tungo sa daang matuwid Sa nobela buhay ng isang titser sa isang pampublikong paaralan hindi gaanong uunlad sa pagiging isang titser dahil nasaksihan ni Aling Rosa na walang pinagbago ang tirahan ng kanyang anak nagkasakit si Lida, dinala sa isang pampublikong ospital nasisiyahan si Amelita sa pagtuturo sa mga bata ang propesyong ito ang lubos na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan sa propesyong ito nakalaan ang kanyang puso

Anak

Nagiging lalong mas matatag ang anak kung ito'y may nais patunayan Maipakitang masaya sila sa desisyong kanilang pinili Ang pagiging anak ay nagpapakita ng pagmamahal kanyang mga magulang

Sa nobela, ipinakita ang lahat ng ito nina Mauro at Amelita sila ang gumawa ng kani-kanilang mga desisyon sa buhay pinatunayang ang propesyong kanilang pinili ay ang nagbibigay sa kanila ng kaligayahan

Paaralan

Hindi lamang sumisimbolo sa lugar kung saan lubusang nahahasa at nahuhubog ang kakayahan ng isang indibidwal Sumisimbolo rin sa lugar kung saan ang bawat isa ay nagsisimulang mangarap Sumisimbolo sa edukasyon malaki ang papel sa pag-abot pangarap ng bawat indibidwal ng

Sa nobela inaabonohan nina Amelita at Mauro ang ilang bata na kanilang tinuturuan nakikita nila ang malaking potensyal sa bawat mag-aaral na ito

TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Humanismo
Ipinapakita ang tao bilang sentro ng mundo Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao Binibigyang pansin din ang mga saloobin at ang magagandang damdaming taglay ng isang tauhan Si Amelita ay isang magandang halimbawa may paninindigan sapagkat sinunod niya ang sarili niyang desisyon matulungin inaabonohan ang matrikula ng ilang mag-aaral niya

Teoryang Romantisismo

Pag-iibigan nina Mauro at Amelita


ikinigalit ng ina ni Amelita sapagkat parehas

sila ng propesyon walang patutunguhan ang kanilang pagiibigan sapagkat hindi sila magiging maunlad at tunay na liligaya nagkaroon sila ng isang babaeng anak na minahal nila nang lubos mas tumindi ang pagmamahalan ng magasawa nang dumating si Osmundo x pinatunayan nila na hindi magiging hadlang si Osmundo sa kanilang matatag na pagmamahalan at pag-iibigan

Teoryang Realismo

Tumatalakay sa realidad ng buhay May kaugnayan sa mga katotohanang nagaganap sa lipunang ginagalawan ng isang indibidwal Sa nobela ang pagiging isang guro ay hindi isang madaling propesyon hirap na dinaranas ni Amelita at ni Mauro sa pamilya ni Amelita, siya ay nahihirapang sundin ang kagustuhan ng kanyang ina pamilya ni Mauro - paghihirap na dinaranas ng isang pamilya

Nangibabaw ang katotohanang hindi sa lahat ng bagay ay nagkakasundo ang magulang at ang kanyang anak Nangingibabaw pa rin ang kaligayahan laban sa kapighatiang dulot ng katotohanan

You might also like