You are on page 1of 3

A.

Buod ng Nobela (sariling katha)

Ang kuwento ng nobelang Madaling Araw ay pumapatungkol sa magkasintahang Mauro at Luisa. Hindi
gusto ng mga magulang ni Luisa si Mauro dahil tamad at umaasa lang sa magulang ito. Madalang sila
magkita kaya pasekreto silang nag–usap na pupumunta sila ng karnabal . Kasama nila si. G. Antonio
Delgado, Nieves, Nendeng, Carding, Sision, Roman, Mariano, at Pendoy. Lingid sa kanilang kaalaman ay
nakita pala sila ni Carding. Agad naman itong nalaman ni Aling Minang at pinagalitan si Luisa,
pinagbawalan siyang lumabas ng bahay.Dahil kay Nieves nagkaroon sila ni Mauro ng komunikasyon, sa
pagbibigayan ng sulat. Nagkita sila ni Mauro sa ilalim ng puno ng ilang – ilang nag usap sila at sinabi nila
mahal nila ang isa’t isa. Nag karoon ng sayawan sa bahay lipunan at lahat ay nagsasayawan maliban kay
Luisa malungkot pa rin siya. Nag uuwian na ang lahat at naiwan si Nieves at Daniel sa kusina. Si G.
Delgado ay nag papaalam sa mga bisita, bigla siyang kinabahan at hinanap niya si Nieves. Nakita niya si
Nieves at Daniel sa kusina may ginagawang emoral. May malaking pagdiriwang sa bayan Ipinagdiriwang
nilang ang nalalapit na kasal nina Daniel at Nieves ,Roman at Sision. Hindi nakapunta si Mauro dahil
susunduin nila ni Kabisang Leonang si Ines galing sa ibang bayan dahil nag aaral ito. May kumakalat na
tsismis na ang babaeng nakatira kila Kabisang Leon ay kalaguyo daw ni Mauro. Pero ang totoo ang
babaeng iyo ay si Ines at pamangkin siya ni Kabisang Leon . May dumating din na malungkot na balita ka
Mauro na magpapakasal daw si Luisa kay Pendoy para daw mabayaran ang utang ni Mang Marcos.
Nagkita si Luisa at Mauro para pag-usapanang balitang ito.Tinanong ni Mauro kung talaga bang may
utang si Mang Marcos kay Pendoy at inamin naman ni Luisa. Kaya ang akala ni Mauro ay totoo rin na
nagpapakasal si Luisa kay Pendoy, sinabi niya kay Luisa na iiwan niya na ito. Nagmamakaawa si Luisa
pero hindi niya ito pinakinggan. Si Mang Marcos naman ay makukulong dahil sa kanyang utang kay
Pendoy. Nag–uusap si Luisa at Nendeng kinuwento ni Luisa ang nangyaring pagaaway nila ni Mauro, si
Nendeng naman ay umamin kay Luisa na ginahasa siya ni Mang Marcos. Nagulat si Luisa sa kanyang
nalaman at niyakap niya si Nendeng. Ibinenta ni Mang Marcos si Nendeng sa bahay namumuhunan sa
halagang tatlong daang piso. Si Daniel naman ay nakatanggap ngsulat na nagsasabing hindi siya
naniniwala sa una pero ng natanggap niya ang sumunod na sulat ay sumunod siya kay Mauro sa bayan
nito.Ilang araw na ang nakakalipas ng umalis si Daniel at Mauro sa kanilang bayan. Dahil sa malaking
problema si Aling Minang tiyahin ni Luisa ay nabaliw. Pagkatapos makulong ni Mang Marcos ay tuluyan
ng nabaliw si Aling Minang. Si Galit na ang kumupkop sa kanila mula nung nawalan na sila ng bahay. Si
Luisa ay buntis at humihina na ang kanyang katawan mula nung umalis si Mauro. Habang patuoy naman
na nalulungkot si Nieves sa pag–alis ni Daniel. Nakita niya ang iniwang sulat ni Daniel mula noon ay lalo
na siyang nalungkot. Maraming tao ang nalulungkot sanangyari kila Mauro, Luisa, Nieves, at Daniel
maliban sa isa si Pendoy. Habang nag – uusap si Mauro,Daniel, at Impong Emo ay nabanggit ni Mauro at
Daniel na kailangan na nilang umuwi nakatanggap silang sulat mula kay galit na nagsasabing si Pendoy
ang may kasalanan ng lahat. Namatay si Nieves sa panganganak. Umuwi na si Mauro at Daniel sa
kanilang bayan, nalaman ni Daniel na wala na si Nieves. Si Galit naman ay naghahantay sa bahay ni
Kabesang Leon upang siya ay patayin. Nagawa niya ang kaniyang balak na patayin si Kabisang Leon.
Kinabukasan nakita ni Mauro ang malamig na bangkay ng amain ngunit si Luisa pa rin ang kanyang
hanap. Nakita niya si Luisa na nahihirapan, humingi siya ng tawad rito at simula noon ay bumalik rin ang
lakas Luisa. Ang wakas ng nobelang ito ay nakakalungkot ngunit nag kaayos naman sina Mauro at Luisa.
At kung namatay si Nieves may bagong buhay ang iniluwal ni Nieves at Daniel.
B. Pagpapakilala ng mga tauhan

1. Luisa Gatmaitan – ang magandang nobya ni Mauro at anak ni Mang Marcos. Mahusay siyang manahi.

2. Mauro Kabiling – ang nobyo ni Luisa, wala na siyang magulang. Anak–anakan ni Kabisang Leon.

3. Juan Galit – mayaman; nang umibig sa isang babae napabayaan niya ang kanyang pag aaral. Namatay
rin ang kanyang mga magulang.

4. Daniel Magsarili – kaibigan ni Mauro kasama niyang pumunta sa ibang bayan. Kasintahan siyani
Nieves at pangulo ng samahang Madaling Araw.

5. Nieves Delgado – Kasintahan ni Daniel, iniibig din siya ni Pendoy. Anak ni Antonio Delgado.

6. Mang Marcos – ang tatay ni Luisa. Mahigpit siya sa kaniyang mga anak lalo na kay Luisa.

7. Roman de Dios – kaibigan rin siya ni Mauro. Asawa ni Sision. Miyembro ng samahang Madaling Araw.

8. Pedro Pinlak – umiibig siya kay Nieves. Nag patulong siya kay Daniel na suyuin si Nieves. Siyarin ang
pinagkakautangan ni Mang Marcos.

9. Aling Minang – ang nanaynanayan ni Luisa. Ayaw na ayaw niya kay Mauro dahil umaasa lang daw ito
sa pera ng kanyang ama

10. Kabisang Leon – ang amain ni Mauro. Siya ang nag alaga kay Mauro sa umpisa pa lang. Gusto niyang
iahon ang mga manggagawang Filipino.

11. Ricardo “Carding” – ang bunsong kapatid ni Luisa. Isinumbong niya kay Aling Minang na nagkitasi
Mauro at Luisa.

12. Ines – nung una pinsan lang siya ni Mauro ang totoo ay anak siya ni Kabisang Leon. Gusto siyang
Ipakasal ni Kabisang Leon kay Mauro.

13. Sision – Asawa ni Roman. Anak ni Aling Kamila. Miyembro rin siya ng Madaling Araw.

C. Teoryang Pampanitikan na kinabibilangan

Ang Madaling Araw ay teoryang romantiko at sosyo-politikal na akda. Bilang romantikong nobela,
isinalaysay nito ang pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan, sina Mauro at Luisa, ng iba pang
mahahalagang tauhan tulad nina Daniel at Nieves na anak ng isang mayaman. Katulad ng karaniwang
romantikong kuwento, ang pag-iibigan ay masalimuot at puno ng probema at hadlang. Tutol ang mga
magulang ni Luisa, sina Mang Marcos at Aling Minang, kay Mauro sapagkat nakikita siya bilang isang
taong walang ambisyon at patutunguhan dahil sa kanyang pagiging isang artista ng sining. Tutol naman
ang tumatayong magulang ni Mauro, si Kabisang Leon, kay Luisa sapagkat balak niyang ipakasal ang
binata kay Ines, isang kolehiyala.Bilang sosyo-politikal na nobela, kasabay nitong inilalarawan ang
panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitikal na sitwasyon sa Katagalugan noong panahong iyon.
Isinasalaysay nito ang mga usapin at pangyayari tungkol sa paggawa, pagbabago ng lipunan, kawalang
katarungan, karahasan at pamamahalang Amerikano sa bansa.

D. Mensahe

Ang mensahe ng nobelang ito ay hindi tayo laging nasa mahirap na sitwasyon dahil tayo ay sinusubok
lang ng mundong ito.Sa sandaling ating malampasan ang mga problemang ito ay masaya at
maginhawang buhay naman ang ating matatamo.Kaya huwag papanghinaan ng loob sa mga panahong
nahihirapan,pahinga muna tapos laban ulit hanggang magtagumpay.Ang titulong Madaling Araw ay
isang metaporya na ang hatinggabi ay masungit kaya ang madaling araw ay ang pagsisimula ng umaga
na matiwasay at payapa. Kumbaga, para itong transisyon mula sa buhay na masalimuot tungo sa masaya
at matiwasay na estado.

E. Pumili ng isang sitwasyon mula sa akda na maaaring iugnay sa anumang suliranin ng ating
lalawigan.

Marami ring iba’t-ibang isyu ng lipunan ang tinalakay sa nobelang ito. Isyu noong panahon nila na isyu
pa rin hanggang ngayon tulad ng pagtangkilik sa produktong banyaga.Maiuugnay ko ito sa ating mga
magsasaka sa ating lalawigan na mas gusto natin ang mga produkto na inaangkat ng ating pamahalaan
sa ibang bansa.Dahil sa mas mura ang mga ito nawawalan ng halaga ang mga pananim ng ating mga
magsasaka.Magtatanim ng mga pananim ang ating mga magsasaka at sa panahong malapit ng umani
ang ating gobyerno naman ay aangkat ng mga produktong banyaga sa paraang ito ay bababa ang halaga
ng mga pananim ng magsasaka hanggang sila ay malugi at walang kitain.Nakalulungkot pero ito ang
realidad sa ating lugar.

You might also like