You are on page 1of 5

PANUNURING PAMPANITIKAN

MADALING ARAW

JOHN DESTYNN MER N. VASQUEZ

BSMARE – 3A

MARCH 27, 2023


PROYEKTO SA PANITIKAN (PRELIM) PAGSUSURI NG ISANG AKDANG PAMPANITIKAN

I. BALANGKAS NG NOBELA

A. PAMAGAT

MADALING ARAW

B. MAG AKDA AT IMPORMASYON SA MAY AKDA

Ipinanganak siya noong 16 Marso 1888 sa Sampalok,Manila at anak nina Iñigo Regalado y
Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager.
Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin
na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang
kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang
gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal
de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa
Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin
siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa
pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi
lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang
nobelang Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa panahong Ginto ng nobelang Tagalog.
Ito'y tungkol sa isang babaing martir ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng asawa. Katulad
siya ng sampagita na akala ng marami ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan
subalit sa kabila noon ay naging taksil kaya itinuring na sampagitang walang bango.
Si Odalager bilang manunulat ng maikling kuwento at nobela ay maingat sa pagpili ng mga
salitang naglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan at tagpuan. Naging patnugot siya ng
Surian ng Wikang Pambansa at guro ng wika sa iba't ibang Unibersidad ng Maynila.
Kung si Odalager ay nakilala bilang isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa larangan ng
panitikan, higit siyang makata dahil sa kanyang mga tula madarama ang linamnam ng kanyang
panulat. Naging paksa ng kanyang mga tula ang buhay at mga bagay-bagay sa kapaligiran.
Tumanggap siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1968.
Ilan sa mga nasulat ni Odalager ay Sampaguitang Walang Bango, May Pagsinta'y Walang
Puso at Dalaginding.
Sa mga tulang nasulat niya, ay mababanggit ang Sabi Ko Na Nga Ba, Dahil sa Pag-ibig, Madaling
Araw at Kung Magmahal Ang Isang Dalaga. Ang tula niyang nagbigay sa kanya ng di-kakaunting
karangalan ay ang Laura. Tumanggap siya rito ng Unang Gantimpala mula sa Samahang
Mananagalog. Pinaksa ng tulang ito ang mga katangian ni Laura, ang musa ni Balagtas
sa Florante at Laura.
C. TAGPUAN

Kalsada , Bahay, Simbahan, Bayan, Bilangguan, Kompanya, Tabing ilog, batisan , Gitna ng Ilog,

D. PANAHON

Kasalukuyang panahon

E. MGA TAUHAN AT KANILANG KATANGIAN

Luisa – Isang mapagmahal na ka ibigan

Mauro – Padalos dalos at hindi nag iisip

Sision – Mapag mahal na asawa

Roman – Mapag mahal na asawa

Nieves – Isang mapag mahal na asawa

Daniel – Padalos dalos at madaling mapaniwala sa kasinungalingan

Pendong – Mapanirang puri

Kabisang Leon – Mabuting ama sapagkat iniisip lang din nito ang kinabukasan ng kanyang tinuturing na
anak na si Mauro

Mang Marcos – Masamang Ama

Aling Minang - Mapagmahal na magulang

F. MGA SULIRANIN SA KWENTO

Pag tutol ng magulang ni Luisa at Mauro sa kanilang pagiibigan

Ang isa pang nagging balakid sa pagmamahalan ng dalawa ay ang di makatuwirang panibugho ni Mauro.
Pinaniwalaan ni Mauro ang balitang pumayag Luisang maging kabayaran sa utang na salapi ni Mang
Marcos Kay Pendong.

Katayuan sa buhay

Mga balitang walang katotohanan


Paninirang Puri ni Pendoy

G. MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

Noong bumalik si Mauro at Daniel sa kanilang bayan at napag tanto nila na hindi naging tama ang
kanilang naging padalos dalos na desisyon at ang naging kapalit nito ay ang masalimuot at mapait na
sinapit ng kanilang mga iniwan.

H. KINALABASAN

Sa kwentong ipinaloob sa nobela ang Madaling Araw ay masalimuot at malawak na nobelang tinalakay
ang maraming bagay mula pansarili hanggang panlipunan at pampulitikang usapin. Isang malaking hibla,
na sinusuhayan ng ilang salaysay ang nag-uugnay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Tinalakay din ng
nobela ang kondisyong panlipunan at pampulitika, lalo na ang mga dukhang pinagsamantalahan ng gaya
nina Kapitan Leon, ang tiyo ni Mauro na gahamang dayuhang kapitalista.

Ang kinalabasan ng nobelang ito ay sadyang napalungkot at masalimuot sapagkat nagpadala ang maga
tauhan ng nobelang ito sa bugso ng damdamin at hindi muna inalam ang katotohanan sa likod ng mga
balitang paninirang puri. Sa huli, Nawala sa kanila ang pinaka mamahal nila sa buhay sa kanilang
ginawang padalos dalos na desisyon at kawalang tiwala sa kanilang iniirog.

II. PAGPAPAHALAGA SA TAUHAN

Kahit ganoon ang desisyon ng mga magulang ni Luisa ay hindi maikakaila na isa silang mabuting
magulang sapagkat gusto nilang mapunta ang kanilang anak sa lalaking walang maayos na pamumuhay.

Si Luisa at si Nieves ay mapagmahal at loyal sa kanilang mga iniibig sapagkat nagawa man silang iwan
nito, hindi sila humanap ng iba at patuloy na inantay bumalik ang kanilang mga minamahal.

III. PAGPAPAHALGA SA KATAYUAN SA BUHAY

Ang pagpapahalaga sa buhay ay may kaakibat na pagmamalasakit at pagmamahal anuman ang kanilang
katayuan sa buhay. Hindi natin dapat husgahan ang tao base sa kanilang estado sa buhay sapagkat hindi
natin pwedeng masabi kung panghabang buhay ay ganoon padin ang estado nila. Sa makalawa o sa
hinaharap, maaring mas maka angat pa sila sa buhay kaysa satin. Kaya’t wag tayo maging pmapang husga
sa kapwa base lamang sa katayuan nila sa buhay. Ikunsidera din natin ang kanilang ginagawang
pagsisikap sa buhay makamit lamang ang kanilang mga pangarap na inaasam sa buhay.

IV. PAGPAPAHALAGA SA MAGANDANG KAISIPAN V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG MAY


AKDA
Ang teoryang gamit ng may akda ay Realismo sapagkat tinalakay dito ang totoong nangyayari sa ating
lipunan, kultura, pampulitika at wala itong halong sa imahinasyon lamang nangyayari.

Ang layunin ng nobelang ito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang
lipunan. Sa makatuwid ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo. Sapagkat isinalang
alang ng may akda nag kasiningan at pakaepektibo ng kanyang sulat.

You might also like