You are on page 1of 2

Di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.

Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si
Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng
kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na
sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa
katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay
Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga,
at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na


nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot
sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili
na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya,
nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados
Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga
bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa
kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito
ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang


kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para
sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba
ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano
itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak
pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob
nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang
hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-
asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon
ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di
nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan
ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso
sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon
natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like