You are on page 1of 10

FILIPINO 9

GAWAING PAGKATUTO
Nobela

Pangalan: _____________________________ Q1W4-Limang Araw

Seksiyon: _____________________________ Petsa: _______________________

UNANG ARAW
ARALIN 1
Panimula (Susing Konsepto)

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga

pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan
sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Layunin nitong gisingin ang diwa at damdamin ng mambabasa. Nananawagan din ito sa
talino ng guni-guni na magbigay aral tungo sa pag-unlad at pagbabago sa sarili at sa lipunan.
. http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/

Ilan sa mga kilalang nobela dito sa ating

bansa ay ang mga isinulat ng ating
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na
pinamagatang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Mga nobelang talaga namang
gumising sa natutulog na diwa ng
sambayanang Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

● Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda

F9PT-Ic-d-40

● Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili F9PU-Ic-
d-42

PANUTO
Minamahal kong mag-aaral, nauunawaan mo na ba ang sa susing konsepto ukol sa nobela?
Kung sakaling mayroon ka pang ilang katanungan o di kaya’y ilang di maunawaan, maaari mo
akong i-text sa aking personal na numero o kaya ay tawagan o mag-iwan ng mensahe sa
Messenger. Ikinalulugod kong sagutin at bigyang-linaw sa iyo ang ukol dito.

1
Ngayon, alam kong handang-handa ka na para sa ating mga gawain. Upang maging madali
ang iyong pagsagot, sundin mo lang ang mga tagubiling ito:
1. Magbasa at unawaing mabuti ang mga gawaing ipinagagawa;
2. hamunin ang sarili na kaya mong gawin iyan! At
3. pagsumikapang matapos ito. Alam kong kayang-kaya mo iyan!

Pamamaraan
GAWAIN 1
Upang lubos mong maunawaan ang iyong babasahin, narito ang ilang talasalitaang
maaaring makadagdag sa iyong bokabularyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakaitalisadong salita sa loob ng pangungusap at
ang kahulugan ng mga ito.
1. Patuloy pa rin ang mga pasaring ng ina ni Amelita. (pagpaparinig)
2. Hindi nagtagal, nalaman nilang nagdadalang-tao si Amelita. (buntis)
3. Nagdesisyon si Amelita na makipag-isang dibdib kay Mauro. (magpakasal)
4. Napagkuro ni Osmundo na tumira na lamang sa Estados Unidos. (napag-isipan)
5. Di naglaon, natanggap na ni Osmundo na hindi siya mahal ni Amelita.(di nagtagal)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng nobelang Titser at pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na tanong ukol dito.

TITSER (Buod)
ni: Liwayway A. Arceo
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa
mariing di-pagsang-ayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi
titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na suweldong nakukuha ng
anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang
binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang
ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipag-isang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa
bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatuwiran na lamang sa sarili na
talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin
ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago
mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya
ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito
ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng
gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang
kanilang anak na si Rosalinda. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa
ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit
ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na

2
pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na
si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa
kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na
ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa
pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa
kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak
pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito
sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hacienda. Wala
ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala
nila'y si Rosalinda ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo
na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa
kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon
natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kurso na napili ng bunsong anak ni Aling Rosa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dahilan ni Aling Rosa kung bakit ayaw niyang ipakuha ang kursong
nais ng kanyang bunsong anak?
______________________________________________________________________
______________________________________________________
3. Kanino nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa para sa kinabukasan ni Amelita? Anong
klaseng pamumuhay mayroon ang taong ito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Sino ang naging dahilan ng pagkabigo ni Aling Rosa matapos ipakilala ang lalaking
itinuturing niyang pag-asa sa kinabukasan ni Amelita? Ano ang kaugnayan nito sa
buhay ng kanyang bunsong anak?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ano naramdaman at ginawa ni Aling Rosa matapos malamang nakipag-isang dibdib si
Amelita kay Mauro?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
6. Anong pag-uugali o katangian ang nangingibabaw kay Aling Rosa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
7. Sa iyong pananaw, tama lang ba ang mga naging desisyon ni Aling Rosa para kay
Amelita?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
8. Kung ikaw si Amelita, susuway ka rin ba sa kagustuhan ng iyong magulang alang-alang
sa pag-ibig?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3
9. Kung ikaw si Mauro, magiging masaya ka ba sa pagbabalik ng ina ni Amelita gayong
una pa lang ay ayaw na niya sa iyo? Ano ang maaari mo gawin para gumaan ang loob
ni Aling Rosa sa iyo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

10. Bilang kabataan, ano naman ang maipapayo mo sa mga magulang at kabataan
maaaring makaranas ng ganitong problemang pampamilya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Mula sa binasang nobela, punan ng angkop na impormasyon ang loob ng graphic
organizer.

Tauhan Tagpuan

Pamagat at Manunulat

Paksang Umiiral
sa Akda
Suliranin

IKALAWANG ARAW
GAWAIN 3
Atin namang subukin ang galing mo sa pagbibigay interpretasyon gamit ang ilang tagpo
sa binasang nobela.

Panuto: Kailangan mo lang bigyan ng pansariling interpretasyon ang mga pahayag na kung
saan maaari kang magbigay ng ilang halimbawa ng pangyayari sa tunay na buhay o batay sa
pansarili mong karanasan.

4
1. pagtanggi ni Aling Rosa sa kursong nais ng kanyang anak
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. pagpili ni Aling Rosa kay Osmundo bilang mapapangasawa ni Amelita

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. patagong pagkikipag-isang dibdib ni Amelita kay Mauro

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. paggawa ng masamang balak ni Osmundo kay Mauro

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. pag-iwan ni Aling Rosa kay Amelita o pagtira/pamamalagi sa iba niyang anak

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6. pagiging abala ng ibang anak ni Aling Rosa at hindi gaanong pag-aasikaso kay Aling
Amelita.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

7. pagpasyal ni Osmundo kay Rosalinda

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

8. pagdedesisyon ni Osmundo na manirahan na sa Estados Unidos

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

9. pagkakaroon ng matinding sakit ni Aling Rosa

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

10. pagtanggap ni Aling Rosa sa kanyang pagkakamali

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Puntos Antas Katangian ng Isinulat na Teksto

Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye, malinaw(hindi na
5 Napakahusay manghuhula pa ang babasa kung ano ang layunin ng sumulat) at
gumamit ng wastong bantas.

May kaisahan at sapat na detalye, may malinaw na intensyon at

4 Mahusay
gumamit ng wastong bantas.

Konsistent at may kaisahan ngunit kulang sa detalye,hindi gaanong

3 Katamtaman
malinaw ang intension at gumamit ng wastong bantas.

Hindi ganap ang pagkabuo, kulang ang detalye, malinaw ang intesyon
2 Mahina
at hindi wasto ang bantas na ginamit.
Hindi buo, hindi konsistent, walang sapat na detalye, malabo ang
1 Napakahina
intensyon at walang bantas na ginamit.

5
GAWAIN 4
Panuto: Pumili ng isang tauhan mula sa buod ng nobelang “Titser” ni Liwayway Arceo. Sa
pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, ibigay ang magagandang katangiang
taglay ng tauhang pinili mo na maaaring taglayin din ng mga kabataan sa
kasalukuyan. Isaalang-alang ang rubric na nasa ibaba.

Tandaan, mga katangian lang na maaaring gayahin o mapulot ng mga kabataan na

mambabasa na gaya mo.

____________________________________________________________________________

REPLEKSIYON
Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay, pakibahagi naman ang mga pagbabagong
pangkaisipan at pandamdamin na naganap sa iyo matapos mabasa ang nobela. Isaalang-alang
ang rubric na nasa ibaba.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________
Puntos Antas Katangian ng Isinulat na Teksto
Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye, malinaw(hindi na
5 Napakahusay manghuhula pa ang babasa kung ano ang layunin ng sumulat) at
gumamit ng wastong bantas.

May kaisahan at sapat na detalye, may malinaw na intensyon at

4 Mahusay
gumamit ng wastong bantas.

Konsistent at may kaisahan ngunit kulang sa detalye,hindi gaanong

3 Katamtaman
malinaw ang intension at gumamit ng wastong bantas.

Hindi ganap ang pagkabuo, kulang ang detalye, malinaw ang intesyon
2 Mahina
at hindi wasto ang bantas na ginamit.
Hindi buo, hindi konsistent, walang sapat na detalye, malabo ang
1 Napakahina
intensyon at walang bantas na ginamit.

IKATLO AT IKAAPAT NA ARAW

ARALIN 2
Susing Konsepto

Tunggaliang Tao laban sa Sarili-

nilalabanan ang kanyang mismong sariling paniniwala, prinsipyo at palagay.

6
PAALALA: Sa lahat ng gagawin mo, kailangang isaisip at isapuso ang sumusunod:
Basahin at unawain nang mabuti ang mga panuto; kaalaman, ok lang na magkamali ka,
ang mahalaga, ibinigay mo ang BEST mo at may NATUTUHAN ka; Pakisabi sa iyong
sarili na “kayang-kaya ko ‘to!; Ngayon pa lang, binabati na kita.

Pamamaraan
Gawain 1. SUBUKAN MO!
PANUTO: Kulayan ng PULA ang hugis na naglalaman ng kabutihan at huwag naman lagyan ng
kulay ang sa palagay mong hindi mabuti.

Nanonood ka ng paborito
mong serye sa telebisyon May takdang- aralin ka na
pero sinunod mo pa rin dapat tapusin pero inuna mo
Hindi mo ang utos ng magulang ang paglalaro mo.
pinansin mo.
ang kaaway
mo.

Nalito ka ba kung ano ang dapat mong kulayan? Nagtalo ba ang kagustuhan mo sa dapat mong
gawin? Sa iyong palagay, sino ang kalaban mo habang gumagawa ka ng desisyon kung alin
ang kukulayan mo? Sagutin nang tahimik.

GAWAIN 2 PILIIN MO NGA!

PANUTO
Bilugan ang EMOJI na angkop sa iyong naramdaman kanina habang pumipili ka ng hugis na
iyong kukulayan at pakisulat sa nakalaang espasyo kung bakit ito ang naramdaman mo.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang bahagi ng nobela na aking sinipi sa akdang “Isang Libo’t
Isang Gabi” mula sa bansang Saudi Arabia na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking

mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal
ng kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag- uwi ng lalaki, nakadama
siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata
sa kanya.
7
Gawain 3 SURIIN MO!
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.
1. Bakit malimit iniiwan ng lalaki ang asawang babaeng mangangalakal?
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Ano ang naramdaman ng babaeng mangangalakal sa matagal na di pag- uwi ng
asawa?
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Ano’ng ginawang desisyon ng babaeng mangangalakal na maaaring naging sagot sa
kanyang problema?
______________________________________________________________________
__________________________________________________________

Panuto: Mula sa Gawain 1, 2 at 3, maaari mo nang masagot kung ano nga ba ang
TUNGGALIANG TAO VS. SARILI, pakisulat sa nakalaang espasyo.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________.

Tunggaliang Tao vs. Sarili

Ang Galing mo
naman!

IKALIMANG ARAW
Gawain 4: ISULAT MO!

Panuto: Isulat sa nakalaang espasyo o patlang ang isang pangyayari sa buhay mo na

magpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili sa loob ng 5-10 pangungusap. Lagyan ng pamagat na
angkop sa iyong karanasan May pamantayan na susukat sa iyong sagot.

Pamantayan
Nilalaman 10
Organisasyon 5
Gramatika 5
______________
20 puntos

8
SANGGUNIAN

Aklat
Panitikang Asyano- Ikasiyam na baitang: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, Unang
Edisyon 2014.

Online
BlosSpot. Ang Tunggalian. 2014.
http://proyektosasignaturangfilipino.blogspot.com/2014/12/ang-tunggalian.html

Filipino Grade 10. Nobela. N.d.http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/

Ton. SCRBD. Alamin Ang Kahulugan Ng Katotohanan at Opinyon. 2020.

https://www.scribd.com/doc/315341185/Alamin-Ang-Kahulugan-Ng-Katotohanan-

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1
GAWAIN 1.
1. pagpaparinig 4. napag-isipan
2. buntis 5. di-nagtagal
3. magpakasal
GAWAIN 2.
- Pagsagot sa mga katanungang may kaugnayan sa binasang nobela
GAWAIN 3.
- Pagbibigay ng angkop na impormasyong ilalagay sa loob ng graphic organizer
GAWAIN 4.
- Pagbibigay interpretasyon sa mga ilang tagpo o pahayag
GAWAIN 5.
- Pagbabahagi ng isang magandang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagsulat
ng sanaysay
GAWAIN 6.
- Pagbabahagi ng pansariling epekto ng akda sa mag-aaral

Aralin 2

Gawain 1 SUBUKAN MO!

Gawain 2 PILIIN MO NGA! – Pagwawasto ng guro

9
Gawain 3 SURIIN MO!
1. Malimit na naiiwan ang asawang babaeng mangangalakal sapagkat mahilig maglakbay
ang asawang lalaki.
2. kalungkutan at pagkabagot
3. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kanya.

Gawain 4 ISULAT MO!- Pagwawasto ng guro

Inihanda / May-akda nina:

EUGENE M. CANLAS
SST-III RLLMHS

MARASHANE M. MOJICA
SST- II FILIPINO
CLARO M. RECTO ICT HIGH SCHOOL

10

You might also like