You are on page 1of 5

TITSER

I. PAGKILALA SA MAY AKDASi

Liwayway A. Arceo

ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulatng 90 nobela, 2 libong mahigit na


kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip saradyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa
telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa haloslahat ng pangunahing publikasyong
Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag
na panitikang popular, sa paglalathala ng mgaakdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati
[vision], at kaisipang Filipino. Ginamit dinniyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas;
at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga
kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at
gobyerno.II. URI NG PANITIKANAng Titser ay isang nobela. Mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahingsangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sakabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod
atmagkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa
pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuong mga
kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mgatauhanIII.
TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Humanismo

Ipinapakita ang tao bilang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan atmabubuting katangian
ng tao. Binibigyang pansin din ang mga saloobin at ang magagandangdamdaming taglay ng isang
tauhan. Si Amelita ay isang magandang halimbawa, may paninindigan sapagkat sinunod niya ang
sarili niyang desisyon at matulungin dahil inaabonohannya ang matrikula ng ilang mag-aaral niya.

Teoryang Romantisismo

Pag-iibigan nina Mauro at Amelita ikinigalit ng ina ni Amelita sapagkat parehas sila ng propesyon.
Walang patutunguhan ang kanilang pag-iibigan sapagkat hindi sila magigingmaunlad at tunay na
liligaya. Nagkaroon sila ng isang babaeng anak na minahal nila nang lubosat mas tumindi ang
pagmamahalan ng mag-asawa nang dumating si Osmundo. Pinatunayan nilana hindi magiging
hadlang si Osmundo sa kanilang matatag na pagmamahalan at pag-iibigan.

Teoryang Realismo

Tumatalakay sa realidad ng buhay. May kaugnayan sa mga katotohanang nagaganap salipunang


ginagalawan ng isang indibidwal. Sa nobela, ang pagiging isang guro ay hindi isangmadaling
propesyon. Hirap ang dinaranas ni Amelita at ni Mauro sa pamilya ni Amelita, siya aynahihirapang
sundin ang kagustuhan ng kanyang ina. Nangibabaw ang katotohanang hindi salahat ng bagay ay
nagkakasundo ang magulang at ang kanyang anakNangingibabaw pa rin angkaligayahan laban sa
kapighatiang dulot ng katotohananIV. LAYUNIN NG MAY


AKDAAng layunin ng may-akda ay maipabatid sa mambabasa na hindi lamang materyal na bagay o
mamahaling bato ang kayamanan sa mundo, na maaring makapagpasaya sa isang tao.Kundi ang
totoong pagmamahal, pag-agapay, pagtulong sa nangangailangan, paninindigan atmaging ang mga
taong nakapalibot at patuloy paring nagtitiwala at nagmamahal sa iyo, aymaituturing na isa ng tunay
na kayamanan na higit pang mas mahal kaysa sa hiyas. Mahal itodahil hindi ito kailanman mabibili ng
bilyun-bilyong salapi. Nais din ng may-akda na ipakita na hindi mabuti sa isang tao ang manghamak
ng propesyon, dahil ang lahat ng propesyon ay may kaakibat na paghihirap at pagtitiyaga,makamtan
lamang ito.Kung ating mapapansin, karamihan sa mga pangunahing tauhan ay babae, sakadahilanang
nais ng may-akda na ipakita ang paninindigan at matatag na pakikipaglaban sa pinaniniwalaan ng
mga kababaihan.V. TEMA O PAKSA NG MAY AKDA

Ang tema o paksa ng nobelang pinamagatang “Titser” ay tungkol sa paninindigan at

pagpapasiya, maging kung paano ito pinanghahawakan:panahon lamang ang hahatol sa atin,maging
ano man ang ating larangan at ang pakikialam ng ina o ng magulang sa pag-aasawa at propesyon ng
anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan.VI. MGA TAUHAN O KARAKTER SA MAY
AKDA

Aling Rosa

- ina nila Norberto, Jose, Lourdes, Felisa at Amelita. Isang ordinaryong ilaw ngtahanan na na mataas
ang pangarap para sa kanyang mga anak. Ngunit dahilan sa mga matatayogna pangarap na ito, ay
magagawa niyang maging mapagmataas at manghamak ng propesyon.

Mang Ambo

- isang tahimik at maunawaing haligi ng tahanan, isa rin siyang mabait na asawakay aling rosa at ama
sa kanilang mga anak.

Amelita

- ang protagonista sa nobela, bunso sa limang magkakapatid, isang mabait atmagandang guro sa
pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, larawan siya ng isang babaeng may sariling
pagpapasya at matapang na paninindigan

Mauro

- isang guro ng pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, ang lalaking iniibigni amelita,
may sariling paninidig

an at pagpapasya, bagama’t hinahamak ang kanilang propesyon

ay hindi parin ito nagsisisi sa napiling larangan, dahilan sa likas at tunay ang hilig nito sa pagtuturo.

Aling Idad

isang maunawain at maalalahaning ina nila Peping, Dado at Mauro, bagama’t an

ak-dalita ang kanilang pamilya, hindi parin ito naging hadlang upang sila ay sumaya.

Rosalida/ lida

- panganay na anak nila mauro at amelita, isang pantas at bibong bata.


Lety

- siya ang batang pinalaki sa layaw ng mga magulang at paboritong apo ni aling rosa.
Kungikukumpara kay Lida, maituturing na higit na nakakaangat si Lety sa material na bagay,
subalittaglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa kanilang pamilya.

Osmundo Olivarez

- manliligaw ni Amelita, isang mayamang binata, taga pagmana ng lahat ngkayamanan ng kanilang
pamilya, kompromiso ni Aling Rosa para sa kanyang anak na si Amelita,isang magandang lalaki at
sikat sa kanilang bayan, ngunit siya ay arogante, makamundo at maykayabangan.

Norberto Martinez

- kapatid nila Amelita na isang inhinyero.

Jose Martinez

- dikong nila Amelita na isang abogado.

Lourdes Martinez

- kapatid nila Amelita na isang parmasiyutika.

Felisa Martinez-Castro

- ditseng nila Amelita na isang doktora.

Peping

- kapatid ni mauro.

Dado

- bunsong kapatid ni Enteng at Mauro.

Nena

- kaibigan ni Amelita.

Enteng

- dating nakakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makalaya, inutusan siya niOsmundo na


patayin si Mauro, subalit hindi niya ito nagawa, dahil utang niya sa kabaitan niMauro ang pagpapa-
aral sa anak.

Aling Tinay

- matagal nang kusinera ni Osmundo, at itinuturing na din siyang pamilya ngmayamang binata.

Cesar

- anak ni Aling Tinay, at pinag-aral ni Osmundo hanggang maging manananggol.

Mister Batac

- isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo.

Doktora cruz
- isang mahusay na doktora sa kanilang nayon.

Bien castro

- isang doktor na napangasawa ni Felisa.

Estela Martinez

- isang abogada tulad ng kanyang kabiyak na si Jose.

Mariana Martinez

- isang propesora at ang maybahay ni Norberto.

Poleng

- kanayon nina Mauro at Amelita.

Bastian

- engkargado ni Osmundo.VII. TAGPUAN O PANAHON

Nayon

- Ito ang pangunahing tagpuan sa nobelaDito makikita ang tahanan nina Amelita atMauro sa may
sangandaan Karamihan sa mga pangyayari ay naganap dito Matatanaw ang bukidsa mismong
sangandaanNarito rin ang lugar kung saan nagtatrabaho sina Amelita at Mauro.VIII. BUODAng
nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita atMauro na
kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di- pagsangayon ni
Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat angkanyang apat na anak ay
nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulongmaituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa
katauhan ni Osmundo, isang binata mulasa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita.
Subalit nabigo muli si Aling Rosasapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung
hindi si Mauro, isang ringguro sa pampublikong paaralan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling
Rosa sa binatang si Osmundo, agad nanagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo,
at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga
anak na nasa Maynila.Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahilsa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang
abala angmga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang
siOsmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito
aygumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mgakatiwala
na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ngkanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan
pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak angkanilang anak na si Rosalida. Dahil
kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili saospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad
na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit
ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na
pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang nasi
Mauro.Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isangaraw ay
nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sakanyang pagdating.
Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ngdalawa ang nakaraan.
Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalikng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.Hindi pa rin nawawala
ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong
makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni
Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sakaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na
nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y siRosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di
naglaon ay nagbalik rin ang bata,ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal,
napagkuro na rin niOsmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si
Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mgaanak
ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sakanya. Pawang
gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhanang matanda sa
kanyang pagkakamali.IX. ARALKung ang isang propesyon ang nagbibigay-kaligayahan sa isang tao,
walang sinuman angmakapipigil sa kanyang maabot ito. bawat isa sa atin ay may karapatang
magdesisyon para saating mga sarili.

kinakailangang tayo’y tumayo sa ating sariling paninidigan

.Hindi lahat ay nakasalalay sa pera o salapi Hindi lahat ng bagay sa mundo ay masusukatsa salaping
pagmamay-ari ng isang taoAng pamilya ay mas mahalaga kaysa sa pera o salapi, ito ang nagsisilbing
pundasyon ng pagmamahal, pagtitiwala at kaligayahan.

You might also like