You are on page 1of 9

TITSER

I T O AY G I N A W A N I
RAPHAELA PEARL M. CARBONELL
GALING SA
GRADE 6 ROOM 1
PANGUNAHING PANGYAYARI (INTRODUCTION)
Ang nobelang ito ay sumesentro sa buhay nila Amelita at Mauro na kapwa pinili
ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni
Aling Rosa, ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Ang apat na anak ay
nakapagtapos sa kolehiyo ng may “titulo” ni Aling Rosa sa pagkuha ng kursong
edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang
pagiging “titser”, bukod pa sa kakarampat na sweldong nakukuha ng anak.
nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, binata mula sa
pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Nabigo muli si Aling Rosa
sapagkat iba ang iniibig ni Amelita, at ito’y walang iba kung si Mauro, guro sa
pampublikong paaralan.
PASADHI (RISING ACTION)
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa kay Osmundo, agad
nagkipasigang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo at dahil na rin sa
poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa
mga anak sa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis
pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at
ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad
ang buhay. sa probinsiya, nagdesisyon rin si Osmundo na umalis na sa nayon at
magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng
maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga
kitawala na ipatay si Mauro. Wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito
ginagawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring
pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
KARURUKAN (CLIMAX)
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang
ipinanganak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata kailangan niya
manatili sa ospital. Nalaman ni Aling Rosa at binisita ang anak. Kahit ganito
ang sitwasyon, hindi pa rin tumigil si Aling Rosa sa pagsasaring ukol sa
mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki na si Rosalida na mabait at matalinong bata.
Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya. Doon muling nagkatagpo
sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan.
Taliwas naman dito ang naramdamang pangangamba ni Amelita sa pagbabalik.
Nararamdaman nitong may plano itong masamang laban sa kanyang pamilya.
KAKALASAN (FALLING ACTION)
Mahal parin ni Osmundo si Amelita, kahit may asawa’t anak pa ito. Nagkaroon
ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa
bata. Isang araw ay naisipang ipasyal niya si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala
ito sa kaalaman nia Mauro at Amelita, at nag-alala ang mag-asawa. Buong
akala nila’y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay
nagbalik rin ang bata, ipinag mamalaki ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di
nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa bansa at
kalimutan mahal niya kay Amelita
WAKAS (RESOLUTION)
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang
kanyang mga anak ngunit walang dumating maliban kay Amelita na nagasikaso
sa kanya. Pawang gamut at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak
at doon natauhan ang matanda sa kanyang pakakamali
BAKIT ITO ANG PINILI KO?

Nakatulong ito sa akin na malaman kung bakit


hindi dapat hatulan ang mga tao at pwede din
tayo mag bago.
ANONG ANG MAHALAGANG
NATUTUNAN KO?
Ang mahalagang natutunan ko ay huwag ka
hatulan at huwag kang gumawa ng mga mali para
kunin ang dusto mo at huwag mong ipahirapan
ang buhay ng iba
SALAMAT SA PAGKIKINIG !!

You might also like