You are on page 1of 2

Kuya Itanan Mo Ako

Akda ni Criselda B. Ildefonso

Kuwentong Pag-ibig ni Jesus at Maria Bata

“Kung gusto mo kuya, ako nalang ang itanan mo,” ang umiiyak na sambit ni
Maria kay Jesus. Laking gulat ni Jesus ng marinig ang tugon ni Maria, samantalang hindi naman
siya ang nililigawan. At sa isang iglap nagising sa katotohanan na si Maria ay hindi na dalaga.
Sa baryo ng La Torre, bayan ng Bayombong lumaki at nagkamulat si Maria.
Bunso siya sa anim na magkakapatid. Hindi na nakita ni Maria ang kanyang ama dahil nasa
sinapupunan pa lamang siya ng namatay ang ama sa sakit. Lumaki siyang ang tanging
nakagisnan ay ang kanyang Ina. Labis na pagmamahal ang naranasan ni Maria sa piling ng
kanyang pamilya. Kasabay ni Mariang lumaki ang kanyang pamangkin sa panganay niyang
kapatid hanggang sila’y nagdalaga.
Nang tumuntong ng sekondarya si Maria naging kamag-aral nila si Jesus. Limang
taon ang agwat ng edad ni Jesus sa kanyang kamag-aral kaya naging “kuya” ang tawag sa kanya
ng kanilang klase. May hitsura si Jesus at tahimik, may taglay din siyang karisma na sadyang
nakakapang akit din ng mga dalaga. Napusuhan ni Jesus si Rosenda, na pamangking buo at
matalik na kaibigan ni Maria. Nagsinimula ang panliligaw ni Jesus kay Rosenda at madalas siya
dumalaw sa bahay nila tuwing araw ng Sabado. Si Maria naman ay karaniwan lamang siyang
nakikipag-usap kay Jesus dahil nga kamag-aral niya ito.
Dahil sa makalumang kaugalian ng matatanda sa kanilang lugar, si Maria ay
ipinagkasundo ng kanyang Ina sa kababata niya na nagkakagusto sa kanya, si Alfredo. Subalit
hindi gusto ni Maria si Alfredo dahil bukod sa kamag-anak nila ito ay talagang ayaw niyang
makapag asawa ng kahit ninuman sa baryo nila dahil sa halos magkakamag anak ang nakatira
doon.
“Ipinagkasundo na kita kay Alfredo, mamanhikan na sila mamayang gabi,” ang sabi ng
Ina ni Maria. Tumanggi at halos umiiyak si Maria at sinabing, “Inang ayaw ko sa kanya, malapit
natin siyang kamag-anak, ayaw kong magka-anak ng may diperensiya sa pag-iisip o di kaya’y
pilay o magkaroon ng anumang kapansanan,” ang pangangatwiran ni Maria. Ngunit buo na ang
desisyon ng Ina ni Maria.
Nung araw ding iyon, namasyal si Jesus kay Rosenda. Nagulat siya ng makasalubong
niya si Maria na umiiyak. Nag-aalalang tinanong niya si Maria kung bakit siya umiiyak. “Kung
gusto mo kuya, itanan mo na ako.” ang tangis ni Maria. Nagulat man ay tumalima si Jesus at
sumunod sa sinabi ni Maria.
Dinala ni Jesus si Maria sa bahay ng kanyang Lola sa Aritao Nueva Vizcaya ng gabi ding
iyon. At naganap ang pangyayaring nagpamulat sa litong desisyon at kaisipan ni Maria. Magsisi
man siya, ay wala na siyang magagawa.
Umuwi lamang sila pagkaraan ng isang taong paninirahan sa bayan ng Nanay ni Jesus
pagkatapos isilang ang panganay na anak. Binigyan din sila ng basbas at pagtanggap at sila’y
nag-isang dibdib noong June 1955. Marami ding unos at pagsubok ang nangyari sa kanilang
pagsasama. Wala ring naganap na sisihan at awayan sa pagitan nina Rosenda at Maria dahil
sadyang hindi rin ibig ni Rosenda si Jesus. Sa pagdaan ng panahong napanatili nila ang
katatagan at pagmamahalan at sila’y nabiyayaan ng pitong supling.

You might also like