You are on page 1of 2

Diyosesis ng Malolos

Bikarya ng Inmaculada Concepcion


Pambikaryang Komisyon ng Kabataan ng Malolos
Lungsod ng Malolos, Bulacan

“Sta. Maria Goretti: Ang Martir ng Kadalisayan”

 Si Maria Teresa Goretti ay isa sa anim na mga anak ng mag-asawang Luigi at


Assunta Goretti mula sila sa bansang Italya na pagsasaka ang hanap-buhay.
 Nang siyam na taong gulang na si Maria, lumipat ang kanilang pamilya sa Le
Ferriere di Conca, ilang milya lamang ang layo mula sa Roma at doon nila
naging kapit-bahay ang mag-amang Giovanni at Alessandro na hindi nila
akalaing magkakaroon ng malaking bahagi kanilang buhay.
 Dumating ang panahon na tinamaan ng peste ang sakahan ng ama ni Maria, na
naging sanhi ng sakit nitong malaria at ng kamatayan nito.
 Si Maria, bagama’t bata pa ay siya nang tumayong panganay sa kaniyang mga
kapatid. Hindi siya nakapag-aral kaya’t hindi siya sanay sumulat at magbasa.
Ngunit pinili niyang mabuhay ng may kabanalan lalo’t higit nang tumanggap na
siya ng sakramento ng banal na pakikinabang at sa mga naririnig na rin niyang
katesismo.
 Sa kabilang banda si Alessandro na kanilang kapit-bahay, na noon ay labing-
siyam na taong gulang pa lamang ay lumaki sa hindi maayos na pamilya. Ang
kanyang ina ay namatay na noong siya’y ipanganak at ang kanyang ama naman
ay isang lasinggero.
 Dumating ang pagkakataon na nakaramdam si Alessandro ng paghanga kay
Maria. Tinangka niyang pagsamantalahan ang dalaga, na noo’y labing-isang
taong gulang pa lamang.
 Dahil sa gustong mamuhay ni Maria sa kabanalan, hindi niya hinayaang makuha
ni Alessandro ang kaniyang puri’t dangal.
 Lumuhod siya at isinisigaw ang mga katagang “Hindi! Kasalanan ito! Ayaw ito ng
Diyos!”
 Kaya ng hindi magtagumpay si Alessandro sa kaniyang plano, labing-apat na
beses niyang sinaksak ang dalaga na naging dahilan upang mag-agaw buhay
ito.
 Sa ospital binisita si Maria ng isang pari upang patanggapin siya ng banal na
komunyon at pahalikin sa krus. Nauhaw noon si Maria ngunit ipinaalala sa kanya
ng pari na hindi lamang uhaw kun’di hirap at pagtitiis ang dinanas ng Panginoon
mula sa Krus para sa atin. Kaya’t nagpasya ang dalaga na sundan ang ginawang

1|Pahina
ito ng Panginoon, na sa pagtitiis niya sa sakit na nadarama mabigyan niya ng
kaluguran ang Panginoon.
 May isang araw na siyang nagtiis sa sakit hanggang maghingalo ang dalaga na
sinabayan ng pananalangin ng mga taong nasa paligid niya.
 Habang nananalangin ang lahat bilang nagsalita si Maria at kaniyang sinabi na
na pinatatawad na niya si Alessandro
 Sa isang panaginip naman, dinalaw ni Maria si Alessandro at iniabot dito ang
labing-apat na puting liryo (lily) simbolo ng labing-apat na saksak na ginawa niya
sa dalaga.
 Nagising bigla si Alessandro na tumutulo ang luha, napatingin ito bigla sa isang
krusipiyo at nanghingi ng tawad kay Maria.
 Sabay ng pagkahingi ng tawad ni Alessandro, tuluyan nang nalagutan ng hininga
ang dalaga.
 Malaking biyaya na dahil kay Maria nagbago si Alessandro.
 Si Alessandro na mismong kumitil ng buhay ng dalaga ang nagpatotoo sa
kanyang kabutihang gawa na dapat tularan ng lahat upang maihanay siya sa
mga santo at banal na pinangunahan ng noo’y Santo Papa Piuz XII.
 Si Sta. Maria Goretti ang kauna-unahang Santo sa kasaysayan ng Simbahan na
kinanonisa bilang santa na nasaksihan ng kanyang Ina kasama pa ang kanyang
apat na kapatid at ni Alessandro ang taong pumatay sa kanya.
Nais maipakita sa manonood
 Si Sta. Maria Goretti ay isang halimbawa para sa bagong henerasyon na
pinagbabantaan ng mga di kaaya-ayang saloobin, na nahihirapang maunawaan
ang kahalagahan nang pag-amin na walang kompromiso.
 Bagamat siya ay mahirap, si Maria na kahit hindi pa tumutuntong ng
labindalawang taong (12) taong gulang ay may isang malakas at malaim na
pagkatao, na hinubog ng relihiyosong tagubilin na natanggap niya sa kanyang
pamilya. Ginawa niya ito na may kakayahang hindi lamang ipagtanggol ang
kanyang sarili sa kabayanihan ng kalinisang-puri, kun’di maging sa
pagpapatawad sa taong nagkasala sa kanya. Sa mga magulang, ang
pamumuhay at pagtuturo ng ating pananampalataya sa ating mga anak ay
napakahalaga!
 Ang kanyang pagkamartir ay nagpapa-alala sa atin na ang tao ay hindi natatapos
sa pamamagitan ng pagsunod sa ating mga kasiyahan kundi sa pamamagitan ng
pamumuhay ng may pagmamahal at responsibilidad. Tinatawagan tayo ni Maria
Goretti na maging alisto at maingat na "tagamasid", maging tunay na mga
kampeon sa maka-bagong henerasyon.

2|Pahina

You might also like