You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 9 IKALIMANG LINGGO


KWARTER 4
KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG SA PILING TAUHAN NG NOBELANG
NOLI ME TANGERE
Kasanayang Pampagkatuto

• Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa


kasintahan, sa kapwa at sa bayan. (F9PB-IVd-58)

Unawain Natin

Panuto: Basahin at unawain ang iba’t ibang uri ng pag-ibig na ipinakita ng mga piling
tauhan sa nobelang noli me tangere.

Pag-ibig, salitang makapangyarihan na nagsisilbing pundasyon ng isang tao upang maging


matatag sa anumang pagsubok sa buhay, Sa ngalan ng pag-ibig,nagiging posible ang mga bagay na di
Ibarra-prayle
natin inaakalang mapagtagumpayan,Tunay nga na ang pag-ibig ang nagbibigay lakas at tatag sa tao
na magpatuloy sa hamon ng buhay.Katulad ng mga pangyayari sa ating buhay, hindi lingid sa atin na
maging sa mga tauhan ng nobelang noli me tangere ay kakikitaan din ng iba’t ibang uri ng pag-ibig na
lalong nagpatingkad sa mga pangyayari na hango sa tunay na karanasan ng mga tauhan sa panahon
ng pananakop ng mga dayuhan.Ating tunghayan ang ilang mahahalagang pangyayari sa buhay ng
mga piling tauhan ng nobela na nagpakita ng iba’t ibang uri ng pag-ibig sa kapwa, kasintahan, kapatid,
magulang at sa bayan.

• Basilio- panganay na anak ni Sisa, bagama’t musmos pa lamang ay tumutulong na ito sa kanS
Si Basilio ang panganay na anak ni Sisa ay namamasukan bilang tagatugtog ng kampana o
kampanaryo sa simbahan katuwang ang nakababata niyang kapatid, sapagkat nais niyang
makatulong sa kanyang ina at makapag-ipon na rin ng maliit na halaga upang makapagpatuloy
sa pag-aaral si Crispin. Sa pag-uwi niya sa kanilang tahanan nanaginip siya ng masamang
pangyayari ukol kay Crispin sa kamay ng sakristan mayor,dahil batid niya na kapag kinuwento
niya ito sa ina ay mag-aalala ito at malulungkot, kaya minarapat na lamang niya na hindi ito
banggitin at sa halip ay ibinaling na lamang niya sa kanyang pangarap sa pamilya .

• Sisa- mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin,Sa labis na pagmamahal niya sa kanyang Siya
Siya si Sisa na naging hibang at sunud-sunuran sa nais ng asawa,sa katunayan naisangla na
lahat ng kanyang asawa na si Pedro ang natitirang alahas niya upang isuporta sa kanyang bisyo,
wala ng magawa pa si Sisa sapagkat takot na rin siya sa maaaring gawin nito sa kanya at sa
kanyang mga anak kaya hinahayaan na lamang niya ito . Nakapokus na lamang si Sisa sa pag-
aalaga at pag-aaruga sa kanyang dalawang anak, kaya nang gabing hindi nakauwi si Crispin,
kinaumagahan ay dali-dali siyang pumunta sa simbahan upang hanapin ngunit hindi niya ito
nakita tanging mga manang sa simbahan na lamang ang nakita nya at pinaringan pa siya ng
masasakit na salita laban sa kaniyang anak, aniya ni sisa kahit na mahirap lamang sila ay pinalaki
niyang marangal at di magnanakaw ang kanyang mga anak na di naman pinaniwalaan ng mga
ito sapagkat batid nila ang ginagawa ng asawa ni Sisa. Sa pag-uwi niya nakita niya ang duguang
damit ni Basilio na labis na nagdulot sa kanya ng pag-aalala sa tinamong kasawian ng kanyang
mga anak kaya naman tumakbo itong nagsisigaw ng ngalan ng kanyang mga anak na naging
hudyat ng tuluyang pagkawala ng isip nito.

1|
• Maria Clara- ang babaeng iniibig ni Crisostomo Ibarra,lumipas man ang maraming panahon ng
kanilang paghihiwalay bunsod ng pag-aaral ng binata sa bansang Espanya ay nanatiling tapat at
dalisay ang pagmamahal nito. Sa muling pagbabalik ng binata pinatunayan ni Maria Clara kung
gaano katatag at kalalim ang kanilang pagtitinginan,bagama’t may ilang di sang-ayon sa kanilang
pagmamahalan ay lubos na pinahahalagahan ng dalaga ang bawat oras na kapiling niya ang
kanyang iniibig. Sa nangyaring kaguluhan na ipinupukol kay Crisostomo Ibarra ay patuloy na
umaasa at umiibig ang dalaga bagamat pinutol na ang kasunduan ng pag-iisang dibdib niya sa
binata at itinakdang ipakakasal kay Alfonso Linares ay nanindigan siya na si Ibarra lamang ang
lalaking iibigin.Sa napabalitang kamatayan ni Crisostomo Ibarra sa lawa ay ninais ng dalaga na
mawala na lamang kasama ng mahal niya ngunit dahil batid niyang kasalanan sa Diyos ang naiisip
niyang gawin ay hiniling niya kay Padre Damaso na pumasok na lamang sa kumbento at
magmadre kaysa magpakasal sa lalaking di niya iniibig.

• Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay nagbalik sa
bayan ng San Diego upang muling makita ang kasintahang si Maria Clara at alamin ang
katotohanan sa pagkamatay ng kaniyang ama. Sa kanyang pagbalik ay pinamahalaan niya ang
naiwang ari-arian ng kanyang ama at ginamit ito upang makatulong sa kanyang kapwa at bayan
sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang paaralan na makatutulong sa mga kabataan, dahil
naniniwala siya na ang edukasyon ang susi upang tuluyang mapuksa ang kamangmangan at
mabago ang pamumuhay ng mga tao na magiging daan sa pag-unlad ng bayan, sapagkat nabatid
niya ang mabagal na pag-unlad ng bayan dulot ng maraming suliraning panlipunan at maling
pamumuno ng mga lider. Dahil sa kanyang ginawa umusbong ang marami niyang lihim na kaaway
na siyang nangasiwa upang siya ay pabagsakin at idawit sa iba’t ibang pag-aaklas, bunsod nito
ay naging komplikado ang buhay at pangarap ni Crisostomo Ibarra para sa kanyang minamahal
na bayan na nadamay na rin ang personal niyang relasyon sa kasintahang si Maria Clara, sa huli
nagtagumpay ang mga kalaban na siya’y pabagsakin, Ngunit hindi siya basta basta padadaig
sapagkat siya’y muling magbabalik para sa maghiganti.

Ilapat Natin

• Bilang anak at kasapi ng pamilya, Masasabi mo bang isang huwarang kabataang


Pilipino ang pag-uugali ng tauhang si Basilio? Bakit? At kung ikaw si Basilio, Gagawin
mo rin bang hanapin ang iyong ina kahit batid mong nawala na ito sa tamang pag-iisip
at hindi ka na makilala? Ipaliwanag.

Suriin Natin

Panuto: Pansinin ang larawan sa ibaba at ilahad ang sariling opinyon hinggil sa tanong.

2|
Paano ipinakita ng
dalawang nasa
larawan ang wagas
nilang pag-ibig sa
bayan? Sa paanong
paraan sila
nagkapareho at
Dr. Jose P. Rizal nagkaiba? Crisostomo Ibarra

Tayain Natin

Pagtataya 1
Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Tinuturing na simbolismo ng mga kababaihan noong panahon ni Dr. Jose P. Rizal


ayon sa kanyang nobela.
a. Sisa b. Maria Clara c. Huli d. Donya Victorina
2. Ang pag-ibig ni Sisa sa kanyang asawa ay nagpapakita ng pagiging _____ nya rito.
a. Sunud-sunuran b. baliw c. hibang d. matatakutin
3. Ang planong itayo ni Ibarra sa kanyang pinakamamahal na bayan upang makatulong
sa pag-unlad nito.
a. paaralan b. palaruan c. negosyo d.pamilihan
4. Napagpasyahan ni Maria Clara na pumasok sa _______ matapos malamang patay
na ang lalaking kanyang iniibig.
a. magpakasal b. magmadre c. magpakamatay d. umalis ng bayan
5. Naging _____ang magkapatid na Basilio at Crispin sa simbahan.
a. agwador b. kampanaryo c. sakristan d. utusan
6. Bagama’t matagal na nagkalayo sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra, mahihinuha
na ang kanilang pag-ibig ay _____.
a. Laro-laro lamang c. pansamantala lamang
b. Wagas o dalisay d. unti-unting lumalamlam
7. Nakatakdang ipakasal ni Padre Damaso si ________ kay Maria Clara.
a. Crisostomo Ibarra c. Basilio
b. Alfonso Linares d. Tenyente Guevarra
8. Ang Lugar na ginawang tagpuan ng ating bayani sa kanyang nobelang Noli Me
Tangere.
a. Bayan ng Malabon c. Bayan ng San Nicholas
b. Bayan sa Laguna d. Bayan ng San Diego
9. Sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay magkasintahan at pinagkasundong ipakasal
ng kanilang mga magulang pagdating ng panahon sapagkat _______.
a. Mayaman ang pamilya ni Ibarra.
b. Magkaibigan ang kanilang mga magulang
c. Kilala ang pamilya ni Ibarra sa kanilang bayan
d. Kasosyo sa Negosyo ni kapitan Tiyago ang ama ni Ibarra
10. Tuluyang nang naabaliw ni Sisa bunga ng _______.
a. Pagkahabag ng langit sa sinapit niya sa buhay.
b. Parusa sa kanya ng Diyos
c. Kawalang pag-asa sa buhay

3|
d. Sumpa sa kanya ng kalangitan.

Pagtataya 2:

Nakitaan ng pag-ibig sa kapwa, magulang, kapatid, kasintahan at sa bayan ang mga


pangunahing tauhan na nabanggit sa nobelang Noli Me Tangere, Ngayon naman ikaw ay
magsasalaysay ng isang pangyayari sa buhay mo na nagpapakita ng isang uri ng pag-ibig.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat , maglahad ng ilang patunay at paliwanag na iyong
naranasan na magpapatibay sa tunay na pag-ibig . Isusulat ito sa isang malinis na papel
gamitin ang pamantayan.

Pamantayan sa Pagsasalaysay
Puntos
• Angkop sa tema o uri ng pag-ibig na naranasan = 5
• Magkakaugnay ang mga pangyayari = 5
• Di bababa sa 10 pangungusap = 5

Kabuoan = 15 puntos

Likhain Natin

Binabati kita! Batid kong lubos mo nang naunawaan ang kaisipan na nais ilahad ng
ating modyul. Ngayon naman ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
paglikha ng islogan ukol sa kung paano mo maipakikita ang iyong pag-ibig sa mga sumusunod
na paksa, pag-ibig sa magulang,sa kapatid, sa kapwa,at sa bayan. Maaring pumili lamang ng
dalawang paksa .Gawin ito sa isang malinis na papel o bondpaper. Sa paglikha nito
kinakailangang isaalang-alang ang pamantayan na nasa ibaba.

RUBRIK SA PAGGAWA NG ISLOGAN

Puntos

• Kalinawan ng kaisipan sa islogan = 5


• 2 Islogan ang ginawa = 7
• Angkop o maayos ang disenyo = 3

Kabuoan = 15 puntos

4|

You might also like