You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 9 IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


KWARTER 4
NOLI ME TANGERE
PAMAGAT

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela


(F9PN-IVc-57)
2. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan. (F9PN-IVd-58)

Layunin
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito sa loob ng dalawang linggo,
naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa tungkol sa kahalagahan
ng bawat tauhan sa nobela at nakikilala nila ang mga pangunahing
tauhan sa nobelang Noli Me Tangere.

Unawain Natin

Mga Dapat Tandaan:


Ang isang manunulat ay lumilikha ng mga tauhang siyang
nagbibigay buhay sa pangyayaring inilalahad sa akda. Sa pagtamo
ng isang makabuluhang pagpapakilala ng tauhan, nararapat
maging makatotohanan at parang mga buhay na tao ang tauhang
lilikhain ng manunulat. At upang maging makatotohanan ang isang
tauhan ito ay kumikilos hindi ayon sa kagustuhan ng manunulat kundi
ayon sa kagustuhan ng kaniyang katauhan.
Samantala maraming tauhan sa Nobelang Noli Me Tangere
ngunit may tinatawag tayong mga mahahalagang tauhan na higit
lumitaw sa akda kung saan sila ang mga nagpakita ng mga
pangyayaring nais ihayag ni Dr. Jose Rizal.
Mahahalagang tauhan sa Noli Me Tangere:
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin- Bugtong na anak ni Don Rafael
Ibarra na nag-aral sa Europa sa loob ng pitong taon. Kinakatawan ni
mismo si Dr. Jose Rizal bilang Pilipino na nakapag-aral at may
maunlad at makabagong kaisipan. “Ang isang tao ay di
makakaiwas sa mga pangyayaring likha ng panahon, ang kasawian
ang nag-alis sa akin ng piring.”
María Clara de los Santos-Anak-anakan ni Kapitan Tiyago at
kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Si Leonor Rivera sa tunay na buhay
tubong Camiling, Tarlac na nakapag-asawa ng Ingles. “Dapat ko
bang unahin dahil sa aking pag-ibig ang dangal ng aking amang
turing o banal na pangalan ng aking amang tunay”

1|
Sisa- Ina ng dalawang sacristan na sina Basilio at Crispin na nakapag-
asawa ng pusakal na sugalero at lasenggero na si Pedro.
Kinakatawan ang mga babaeng biktima ng karahasan ng kanilang
asawa, mahina sa larangan ng pag-ibig ngunit gagawin ang lahat
para sa mga anak, mapagmahal na ina. “Mga anak ko, Nasaan na
kayo?”
Don Anastacio o Pilosopo Tasyo- tinatawag na pantas para sa
mga nakapag-aral ngunit inaakalang baliw ng mga hindi nakapag-
aral dahil sa kanyang kakaibang paniniwala. Kinakatawan niya si
Ponciano nakakatandang kapatid na lalaki ni Dr. Jose Rizal. “Ang
bayan ay hindi pa dumadaing sapagkat siya’y piping tagasunod,
hindi kumikilos sapagkat nahihimlay.”
Basilio at Crispin- Mga anak ni Sisa, Si Basilio ang panganay na
anak na naging saksi sa pagkamatay ni Elias at Sisa siya ang
nakakaalam sa ibinaon na kayamanan sa gubat. Si Crispin ang
bunsong anak napagbintangang nagnakaw at nawalang parang
bula.
“Sila ang kumakatawan sa mga kabataang biktima ng kahirapan ng
buhay na maagang nagtrabaho dahil sa matinding pagmamahal sa
magulang.”
Don Santiago Delos Santos/Kapitan Tiyago- Ama-amahan ni Maria
Clara, nagpapanggap na isang Espanyol, malapit sa mga kura at
gobernadora. “Ang mga Espanyol ay karapat-dapat at kapuri-puri”.
“Kinakatawan ang isang mayamang Pilipinong mangangalakal
buhat sa Malabon na mabuting nakikitungo sa simbahan at
pamahalaan upang yumaman”.
https://www.youtube.com/watch?v=gtkiTomByWw

Ilapat Natin:

A. Panuto: Ngayon naman subukin natin ang kakayahan ninyo upang


ipahayag ang sariling damdamin sa mga pangyayaring naganap sa buhay
ng mga tauhan.
1. Mula sa pahayag ni Maria Clara “Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-
ibig ang dangal ng aking amang turing o ang banal na pangalan ng aking
amang tunay”. Ipinapakita dito na kailangan mamili at magdesisyon ang
dalaga. Kung ikaw si Maria Clara ano kaya ang damdaming nararapat
mong pairalin sa pagkakataong ito? Magpahayag ng paglilinaw.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Mahal na mahal ni Sisa ang kanyang pamilya. Itinuturing niyang Diyos ang
kanyang asawa kahit na ito ay isang malupit na asawa at mga anghel
naman ang kanyang dalawang anak na si Basilio at Crispin para sa kanyang
pamilya handa niyang isakripisyo ang lahat. Sa iyong palagay tama lang ba
ang katangiang ipinamalas ni Sisa bilang isang asawa at anak?

2|
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
B. Panuto: Ngayon naman subukin natin kung kilala na ninyo ang ilan sa mga
tauhan ng nobela. Kaya naman nais kong ikaw ay pumili ng tatlong tauhan
na nagustuhan mo at ilarawan ang mga katangian nila, isama mo na ring
isulat ang kahalagahan ng mga pinili mong tauhan sa nobela. Itala ang
sagot sa loob ng kahon.
Piniling Tauhan Nagustuhang Kahalagahan
katangian

1.

2.

3.

Suriin Natin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga larawan: Batay sa larawan, bigyang hinuha ang
maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan.

Crisostomo Ibarra

3|
Maria Clara

Sisa at Basilio

Elias at Ibarra

Padre Damaso at Maria Clara

Kapitan Tiyago

4|
Gawain 2
Panuto: Paghambingin ang dalawang piling tauhan ayon sa ginampanan papel sa
nobela at iugnay ito isa sa mga kilalang personalidad sa kasalukuyang panahon.
Tauhan Pagkakaiba Pagkakatulad ng Kilalang
ng katangian katangian Personalidad
Pagkakatulad
/Pagkakaiba

Crisostomo Ibarra

Elias

Tayain Natin

Pagsasanay 1
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng
kahalagahan sa mga piling tauhan at tukuyin kung sino ang angkop na
tauhan sa nabanggit na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kinakatawan ko si Leonor Rivera ang tunay na pag-ibig ni Dr. Jose Rizal,
Itinuturing na mutya sa bayan ng San Diego mayumi at masunuring anak.
A. Donya Pia Alba C. Maria Clara
B. Sisa D. Sinang
2. Ako ang kumakatawan kay Dr. Jose Rizal, pitong taong nag-aral sa Europa
pangarap kong makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego
upang matiyak ang magandang kinubukasan ng mga kabataan dito.
A. Don Rafael C. Elias
B. Kapitan Tiyago D. Crisostomo Ibarra
3. Maituturing ko ang aking sarili bilang isang kaibigan at tagapagligtas ni
Crisostomo Ibarra sapagkat mula ng magkrus ang aming landas at iniligtas
niya ako ay buo sa aking kalooban na ipakilala sa kanya ang kanyang
bayan at mga suliranin nito. Hindi ako nag atubiling iligtas siya mula sa kamay
ng mga Prayle kahit ibuwis ko pa ang sarili kong buhay.
A. Kapitan Tinong C. Kapitan Tiyago
B. Elias D. Tinyente Guevarra

5|
4. Lingid sa kaalaman ng lahat marami akong alam sa bayan ng San Diego
dahil sa marami kong nalalaman naging tagapayo ako ng mga marurunong
na mamamayan sa bayan ng San Diego ngunit sa mga hindi nakapasok sa
paaralan ako ay tinaguriang isang baliw.
A. Pilosopo Tasyo C. Kapitan Tinong
B. Kapitan Tiyago D. Tenyente Guevarra
5. Ako ay isang masintahing ina sa dalawa kong anak na itinuturing kong
anghel ng buhay ko. Ang tanging kasalanan ko lamang ay magkaroon ng
malupit at pabayang asawa.
A. Donya Pia Alba C. Maria Clara
B. Sisa D. Tiya Isabel
B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin ang tauhang
nagwika nito. Piliin ang angkop na sa sagot sa loob ng kahon at isulat ang
titik sa patlang.
1. “Ang kasawian ang nag-alis sa akin ng piring.” _______________________
2. “Ang bayan ay hindi na dumadaing sapagka’t siya’y piping tagasunod, hindi
kumikilos, sapagkat’ nahihimlay” ______________________
3. “Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-ibig ang dangal ng aking amang
turing o banal na pangalan ng aking amang tunay”. _______________________
4. “Ang mga Espanyol ay karapat-dapat at kapuri-puri”. _____________________
5. “Mamamatay akong di man lang nakikita ang maningning na
pagbubukang-liwayway sa aking bayan”. _________________________

A. Pilosopo Tasyo B. Maria Clara C. Elias D. Crisostomo Ibarra


E. Kapitan Tiyago

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang naging kaganapan sa mga piling tauhan sa
nobela magpakita ng pansariling damdamin gamit ang “emoticon” sa loob ng
kahon sa ibaba. Ilagay ang sagot sa patlang na nakalaan:
1. Nabigo sa mga balakin si Crisostomo Ibarra para sa bayan ng San Diego
dahil sa mga maling paratang sa kanya hinggil sa isang lihim na samahan na
tumutuligsa sa simbahan at pamahalaan. ______________
2. Dahil sa pagkakaligtas ni Ibarra sa bangkerong si Elias sa muntik nang
pagkapahamak nito sa isang buwaya. Kaya naman sila ay napalapit sa isa’t
isa at ipinangako niya kay Ibarra na tutulungan niya itong tuparin ang mga
pangarap sa bayan ng Sandiego. _________________
3. Nahirapan si Maria Clara tanggapin na patay na ang pinakamamahal
niyang si Crisostomo kaya naman nagpasya siyang magmongha/madre na
lang sa kumbento habang-buhay. ___________
4. Ibinuwis ni Elias ang kanyang buhay upang mailigtas ang kaibigan niyang si
Ibarra. _________
5. Labis-labis ang kalungkutan ni Padre Damaso sa naging desisyon ng kanyang
anak kaya naman siya ay tuluyang nanghina at nagkasakit. _____________

6|
Pagsasanay 3:
Panuto: Ngayon alam kong kilala mo na ang mahahalagang tauhan sa nobela
kaya naman nais kong malaman kung sino sa kanila ang lubusan mong nakilala.
Ikaw ay hahayaan kong pumili ng isang tauhan na nagustuhan mo at bubuo ka ng
“Character Profile” tungkol sa kanya. Malaya kang mag-isip ng estratehiya sa
pagsasagawa nito. Ngunit maaari mo rin gamitin ang ibinigay ko.
Character Profile ni: ______________________________________________________________
Buong Pangalan: ________________________________________________________________
Tirahan: _________________________________________________________________________
Hanapbuhay: ___________________________________________________________________
Katangian: ______________________________________________________________________
Prinsipyo sa buhay: ________________________________________________________
RUBRIK SA PAGMAMARKA
MGA PAMANTAYAN NATAMO NG BAHAGYANG
LUBUSAN NATAMO
5 1
Katiyakan sa tauhang napili
Pagpapakilala sa tauhan at papel na
ginampanan
Kahusayan ng presentasyon sa pagbuo
ng Character Profile
Kawastuan sa pagbabaybay
Kabuoang puntos 15

Likhain Natin:

Magaling ikaw ay nasa huling bahagi na ng ating modyul kaya naman inaasahan
kung mas lalo mo pang paghuhusayan ang iyong gawain:
Panuto:
Ikaw ay isang mag-aaral na nagkaroon ng pagkakataong makapagpadala ng
liham sa isa sa mga mahahalagang tauhan sa nobela, upang ibahagi sa kanya ang
iyong pansariling damdamin sa kinahinatnan niya sa nobela.

Sa Pagsasagawa ng Liham dapat Isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Mula sa mga mahahalagang tauhan sa nobela ikaw ay pipili ng isang


tauhan na nais mong padalhan ng iyong liham.
2. Ang nilalaman ng iyong liham ay pagbabahagi ng iyong damdamin sa
kinahinatnan ng napiling tauhan sa nobela.
3. Ang liham ay isasagawa sa espasyong nakalaan sa inyong Modyul o kaya
naman sa maayos na pansariling sagutang papel.

7|
Pamantayan

Pamantayan sa pagsulat ng liham 5 4 3 2 1

Nasunod ang wastong gamit ng


balangkas sa pagbuo ng isang
liham. (simula, gitna at wakas)
Organisasyon ng diwa at angkop na
gamit sa mga salita.
Mahusay na naibahagi ang pansariling
damdamin sa napiling tauhan.
Kabuoang puntos 15

8|

You might also like