You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Unang Markahan
Ikalimang Linggo

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Kasanayang Pampagkatuto
3.1 Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya
( EsP9PL-le-3.1)
3.2 Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya
( EsP9PL-le-3.2)

Mga Layunin

1. Naipaliliwanag kung ano ang mabuting ekonomiya


2. Nasusuri ang magandang ekonomiya; at
3. Nakagagawa ng isang picture islogan tungkol sa mabuting ekonomiya

Simulan Natin
Panimula

Ang pagkakaroon ng kapatid ang isa sa pinakamagandang regalo sa atin ng


Diyos at ng ating magulang. Kapatid ang siyang nagsisilbing inspirasyon,
gabay at katuwang sa habang buhay. Ngunit minsan hindi maiiwasan sa mga
magkakapatid ang simpleng bangayan at problema na pinagdadaanan.
Humahantong sa tanong na "Sino ang paborito ni Nanay?" o "Sino ang
paborito ni Tatay?." Nagdaramdam lalo na kung pabor sa isang kapatid o mas
maluwag sa isa pang kapatid. At hindi rin maiwasan na naghihinanakit dahil
sa tingin nila ay mas malapit ang kanilang mga magulang sa kanilang
bunsong kapatid. Kung ikaw naman ay masasabing paborito ng iyong
magulang, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa
mo?

1
Alalahanin Natin:
Tinalakay sa nakaraang aralin ang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa, ito ang mga prinsipyo upang
makamit ang kabutihang panlahat.

Panuto: Hanapin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang


tumutukoy sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa.

T U N G K U L I N P

O L I P U N A N G I

B A T A S N A E J N

M A A Y O S L O I U

P A M A H A L A A N

M A M A M A Y A N O

R I S T U L O N G A

A P R O Y E K T O S

K A B U T I H A N T

Unawain Natin:
Ang salitang “Ekonomiya” ay nagmula sa mga salitang Griyegong na “oikos”
(bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad din ng pamamahala sa
bahay. Mayroong sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong
pagkasyahin sa lahat ng mga pangangailangan tulad na lamang ng kuryente, tubig,
pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa upang makapamuhay nang mahusay ang mga
tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at maging
tahanan ang bahay. Pinagsisikapan ng estado na maging patas, matugunan ang
pagkakaiba-iba ng tao sa lipunan at sa gayon ay makalikha ang bawat isa ayon sa
kanilang tunguhin at kakayahan. Bilang kabahagi ng lipunang ekonomiya, ang
bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nakapangyayari sa
kolektibong pag-unlad ng bansa.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa – isang tunay
na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay.

2
Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya

❖ Maunlad ang bansa


❖ Sinisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan
❖ May pagkakataon na tumaas ang antas ng pamumuhay
❖ May pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital.
❖ Naipapamalas ng mga mamamayan sa kanilang mga sarili sa
paghahanapbuhay
❖ Pinapangunahan ng estado ang pangangasiwa sa patas na pagbabahagi ng
yaman
❖ Ang mga tao ay may pagkakataon na makalikha ng bawat tunguhin ayon
sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan

Bing.com

1. Bakit ang estado ang dapat na nangunguna sa pangangasiwa at patas na


pamamahagi ng yaman ng bayan? (5 puntos)
2. Paano makakasiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa lipunang
ekonomiya? (5 puntos)

RUBRIK SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS


Wasto at mahusay na
NILALAMAN nailahad ang mga 5
impormasyon
Maayos na naipresenta
ORGANISASYON/
ang mga mahahalagang 5
PRESENTASYON
detalye
10
Kabuuan

3
Gawin Natin:

Bing.com

Masasabi ba natin na may mabuting ekonomiya ang Pilipinas sa kabila ng


kinakaharap na Covid-19?
Isulat sa sagutang papel ang iyong paliwanag , sundan ang rubrik sa
deskripsyon (10 puntos)

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
Wasto at mahusay na nailahad ang mga
impormasyon at nagpakita ng apat o
NILALAMAN 5
mahigit pang katangian ng mabuting
ekonomiya
ORGANISASYON/ Maayos na naipresenta ang apat o
PRESENTASYON NG MGA mahigit pang katangian ng mabuting
5
KATANGIAN NG ekonomiya
MABUTING EKONOMIYA
Kabuuan 10

Suriin Natin:
Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang mga salita
na tumutukoy sa katangian ng mabuting ekonomiya. (10 puntos)

Patas Pagsasapribado Kaalaman Kagamitan Kakayahan

Sarili Makalikha Kompetisyon Tunguhin Hanapbuhay

Tao Maunlad Inggit Karamdaman Pagbabahagi

Puhunan Kultura Pamumuhay Pag-aari Yaman

4
Tayahin Natin:
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga aytem. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapapangasiwaan nang wasto ang
perang kinita?
A. Hindi muna gagastos para may magamit
B. Walang magagamit sa mga darating na araw
C. Masisira ang mga planong nais maisakatuparan
D. Mapipilitang galawin ang naipong pera para may pantustos sa mga
pangangailangan.
2. Alin ang naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Binibigyan ni Aling Lupe ng trabaho ang mga kakilala lang niya
B. Sinisikap ni Kapitan Lucio ang pagkilos para sa pantay na pagbabahagi
ng relief goods ng Brgy. Mapayapa
C. Ibinili ni Ana ng sapatos ang pera na pinadala ng kaniyang ina na
pambayad ng kaniyang matrikula
D. Si Pedro lamang ang napili na siyang magpakita ng kaniyang nilikha
sa kanilang hanay
3. Naapektuhan ang buhay ng lahat dahil sa Covid-19. Maraming mga
establisyemento ang nagsara dahil sa pagkalugi at marami rin naman ang
nawalan ng trabaho. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na
pangangasiwa upang makapamuhay ng mahusay ngayong panahon ng
pandemya?
A. Matapos mawalan ng trabaho bilang flight attendant si Zandro ay
umuwi na lamang siya sa kanilang probinsya
B. Nagtanim si Aling Lita ng mga gulay sa kanilang bakuran para ibenta
at upang makabawas sa mga gastusin habang di pa nakakapamasada
ng jeep ang kaniyang asawa
C. Nagbebenta paminsan-minsan ng manok si Mary habang matumal ang
benta niya bilang real state agent.
D. Nag online business sina Paolo at Pristine para magkaroon ng extra na
pera pero nag-iisip huminto dahil sa dami ng kakompetensiya
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng yaman
ngayong panahon ng pandemya?
A. Nag order ng maraming liptint sa online shopping si Rosa
B. Bumili ng maraming alcohol at face mask si Rio para may magamit siya
C. Nagshopping ng maraming damit at sapatos si Joseph dahil bigayan ng
bonus
D. Nagtanim ng mga gulay para may maibenta si Keline upang
makabawas ng mga bilihin
5. Paano makakaraos ang mga tao sa loob ng Lipunang Pang-ekonomiya?
A. Makakaraos sila dahil sinisikap ng estado ang pagbabahagi ng yaman
B. Makakaraos sila dahil may mga namumuhunan sa bansa na maaaring
magbigay ng pagkakataon sa mga may kaya sa buhay
C. Makakaraos sila dahil lilikha ng trabaho para lamang sa mga may
kakayahan sa buhay.
D. Makakaraos sila dahil sila ay may pagkakataon na tumaas ang antas
ng kanilang buhay. 5
Buuin Natin:
Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga
yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao.
Gamit ang talento at kakayahan gumawa ng picture slogan tungkol sa
mabuting ekonomiya. Ang picture slogan ay bibigyan ng grado ayon sa
inihandang rubriks ng iyong guro.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Picture Slogan

1. Pumili ng larawan mula sa mga balita o babasahin tungkol mabuting


ekonomiya.
2. Bumuo ng islogan tungkol sa mabuting ekonomiya.
3. Gupitin ang napiling larawan at idikit sa long bond paper na may
oryentasyong portrait.
4. Sa baba ng larawan isulat ang nabuong islogan na may kaugnayan sa
mabuting ekonomiya.
5. Kulayan kung kinakailangan.
6. Maaari itong ipost sa FB Class Messenger.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PICTURE SLOGAN


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
Wasto at mahusay na nailahad ang mga
impormasyon tungkol sa mabuting
NILALAMAN 5
ekonomiya

Maayos na naipresenta ang mga


ORGANISASYON/
mahahalagang detalye 5
PRESENTASYON
May sariling istilo sa pagpapakita ng
PAGKAMALIKHAIN presentasyon 5

15
Kabuuan

You might also like