You are on page 1of 19

A AN

LI
AL I
H
IB
8
A
GBPA
M

I NG
NA
G-
AAR
IPI
P A
DI
I N
H
Filipino
Unang Markahan, Modyul 5
Ugnayang Sanhi at Bunga
MARITESS G. ADRIATICO

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT


(SMILE)
A Joint Project of
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikawalong Baitang
Support Material for Independet Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 5: Ugnayang Sanhi at Bunga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maritess G. Adriatico


Editor: Zenaida M. Sebumpan
Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS - Filipino
Tagaguhit :
Tagalapat : Kevien Ian I. Albon
Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division


Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Nabubuo ang isang makatotohanang


unawa sa mga akdang pampanitikan sa proyektong panturismo
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

Paksa: Ugnayang Sanhi at Bunga

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang


modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Week 1)

1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan,


maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at
bunga ng pangyayari
F8PN-Ig-h-22

Inaasahang din na ikaw ay:


a. nailalahad ang layunin sa napakinggan.
b. naipaliliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari.
c. nauuri ang sanhi at ang bunga.

Subukin

PANIMULANG GAWAIN 1: PAGTATAYA


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang
tamang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot. Isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.

1. Sino ang may problema sa epikong Bantugan?

1
a. Prinsesa Datimbang c. Prinsipe Madali
b. Haring Miskoyaw d. Prinsipe Bantugan
2. Ano ang pahiwatig ng pagmamadali ni Pinsipe Madali papunta sa langit upang
kunin ang kaluluwa ng kapatid na si Prinsipe Bantugan?
a. Lukso ng dugo para sa kapatid
b. Tawag ng magulang at ng langit
c. Iyon ang tama at ang nararapat
d. Tawag ng pagiging hari sa kanyang nasasakupan
3. Sa anong sitwasyon sa akda makikita ang epekto ng inggit?
a. Ipinagbawal sa mga tao na makipag-usap kay Prinsipe Bantugan
b. Sumalakay nang bigla-bigla
c. Lumipad sa langit para kunin ang kaluluwa
d. Naglakbay at narating ang kaharian ni Prinsesa Datimbang
4. Ano ang nais iparating ng may –akda sa mambabasa?
a. Isipin muna kung tunay ba siyang nangangailangan
b. Pinagbabawal ang mapagsamantala
c. Laging may ganti ang langit sa mga mapagsamantala
d. Iwaglit ang inggit, galit at magmahalan
5. Ano ang problema ng epikong Bantugan?
a. Hindi sang-ayon ang mamamayan sa bagong pamamalakad ng hari
b. Maraming astig na asawa ang hari
c. Inggit at galit ng kapatid sa kapatid
d. Walang bait sa sarili ang hari, anupa’t maraming naghahari-harian
6. Paano sinagot ni Prinsipe Bantugan ang galit at inggit ni Prinsipe Madali?
a. Nag-asawa at nagnegosyo
b. Naging pasaway sa kaharian
c. Sinuklian din ng galit at pakikipag-away
d. Umalis sa kaharian at naglakbay
7. Ano ang ipinapahiwatig sa kilos ni Prinsesa Datimbang sa hindi pagtalikod sa
bangkay sa kanyang pintuan?
a. Matalik na kaibigan ang bangkay sa pintuan
b. Isusumpa ng langit ang di marunong tumulong sa kapwa
c. Ang pagtulong ay hindi namimili
d. Katungkulan ng isang Prinsesa ang pagtulong
8. Ano ang aral na napulot ni Miskoyaw sa akalang wala si Bantugan sa Bumbaran?
a. Pinagpala ng langit ang mabait sa kapwa
b. May masayang buhay ang mapagsamantala
c. Ang mapagsamantala ay laging may mapapalang masama
d. Lalong lumalakas ang mapagsamantala
9. Ano ang naging epekto nang magkabalikan ng loob ang magkapatid sa kaharian?
a. Namamayani pa rin ang inggit at2 galit
b. Dalawa silang ginawang hari
c. Nagkaroon ng kasiyahan at katahimikan ang bawat loob
d. Minabuti nilang iwan ang kaharian at ibinigay sa iba ang pamamahala

10. Ano ang pinag-ugatan kung bakit makagagawa ng masama sa kapwa?


a. Laging aasa sa tulong ng iba c. Di makuntento
b. Walang tiwala sa sarili d. Inggit at selos

2
Gawain 2- Panuto: Ibigay ang tamang bunga sa mga sumusunod na bilang. Letra
lamang ang isulat pagkatapos ng bilang. Sagutang papel ito isulat ang sagot.

Sanhi Bunga

11. A.

12. B.

13. C.

14. D.

15. E.

3
Aralin
Ugnayang Sanhi at Bunga
1

Sa nakaraang aralin ay natutunan natin ang tungkol sa paghahambing.


Nalaman natin na ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Sa pagpili ng ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na
kakainin, sa sasakyang ating sasakyan o sa lugar na ating pupuntahan o maging
sa tao o kaibigan na nais nating makasama, kadalasan ang mga ito ay
naisasagawa natin kung mayroon tayong paghahambingan.
Napalawak din natin ang paghahambing at nalaman na ito pala ay inuri
sa dalawa at ito ay magkatulad at di magkatulad. Patas ang katangian sa
magkatulad at di naman patas ang katangian sa di magkatulad. May mga salita o
susing salita rin itong ginamit para mas mapadali ang pagkilala sa paghahambing.
Pinalawak nating ang mga susing salita sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling
karunungang –bayan gamit ang paghahambing. Unti-unti rin nating napukaw ang
inyong abilidad sa pagsulat ng isang sanaysay na paghahambing sa panahon noon
at ngayon.
Ngayon ay alam kong handa ka na sa susunod nating paglalakbay.
Lalakbayin natin ang mundo ng mga may kapangyarihan. Tara!

Balikan

Gawain A: Cheese Miz? Isulat ang mga di kapani-paniwala pangyayari na


iyong narinig o maaaring nabasa o napakinggan

1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

4
Tuklasin

Gawain A: Sino ang sa iyo?

Panuto: Ipakilala at ipaliwanag ang gustong mong lokal o Hollywood na


superhero at kung bakit mo ito nagustuhan.

1. Si_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Si_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Si_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Suriin

Sa pagkakataong ito, ating himay-himayin ang nilalaman ng isang kwento na


puno ng kababalaghan o mga pangyayaring kapanipaniwala at hindi
kapanipaniwala. Mga rason kung bakit nangyari at kailanngang mangyari ang isang
pangyayari at ano ang naging epekto nito. Malalaman natin ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari upang mas makita ang tunay na rason at masasabing
tama lamang na nangyari ang nasabing pangyayari. Halungkatin at kilalanin natin
ang buhay -buhay ng ating mga hinahangaan sa tulong ng Epiko. Anong uri ng
kwento ang epiko? Tara at buklatin natin ang bawat pahina at siguradong
kababalaghan iyong makikita.

5
Si Prinsepe Bantugan (Buod ng Epikong Muslim)

May isang hari sa malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak
na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe
Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang
katangiang higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging
sinasabi ng kanilang guro at kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay
napakatalino. Mabilis siyang matuto kahit sa paggamit ng espada at palaso.
Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-
manong labanan.
Ang unang tanday na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang
mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwayang pumatay sa ilang taong-
bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos
ng patutuos.
“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang
napatay na buwaya.
Paano nakaya ng isang taong ganito kabata na patayin ang buwaya?
“Sinasapian siguro siya ng mga diyos!” sabi naman ng isa.
“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!”
sabi ng pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay
naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang
mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalaban sa mga
kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga
sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharaing
nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa
kaharian dahil natamo nila ang respeto’t pagkilala ng mga kalapit na kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na
si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga
nasa ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang
mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas
karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong
protektahan laban sa mga kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.
“Sang-ayon ako sa iyo” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe
Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagmana
ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo
ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

6
“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-
aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno,” sabi niya sa kapwa niya
sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang pamamalakad
sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda
ang buhay ng bawat mamamayan!”

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng


isang bitak sa pagitan nina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si
Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas siya rin ay napakakisig.
Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit
ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa
kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
“Hindi ko gusto na nakikipag-usap ang kahit na sino sa aking kapatid na
si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay
ipapakulong o kaya ay parurusahan nang malubha.”

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapati. Nakita niya


ang sariling parang may nakahahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit
ang kababaihan at kahit ang taong kanyang minamahal. Walang gustong
kumausap sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari. Dahil
hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipeng lisanin ang
kaharian.
Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot
siya ng kamatayan sa pintuan ng kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang
Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan.
Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.
Habang pinagpupulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang
gagawin, isang loro ang biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang
nakaburol ay si Prinsipe Bantugan, ang mabunyi at balitang Prinsipe ng
Bumbaran. Pagkatapos ibalita ng loro ang tungkol kay Prinsipe Bantugan,
bumalik naman siya sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali, ang
kanyang kapatid, ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Nang malaman ni
Haring Madali ang nangyari kay Prinsipe Bantugan ay nanaig ang pagmamahal
niya rito at naalis ang kinikimkim niyang inggit sa kapatid. Agad na lumipad sa
langit ang hari kasama ang kassangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe
Bantugan. Samantala’y ang bangkay ni Bantugan ay dinala naman ni Prinsesa
Datimbang sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pilit na isinauli ang
kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan at muling nabuhay si Prinsipe
Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik ang dating mabuting pagtitinginan
ng magkapatid.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali,
na si Bantugan ay namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na
sandatahan upang salakayin ang Bumbaran. Nang sumalakay sina Haring
Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni
Prinsipe Bantugan.

7
Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya
nagkaroon ng pagdiriwang. Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian
ay naglaban. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at sa pamamagitan ng
kanyang kampilan ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang na
lumaban si Prinsipe Bantugan ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling lang
niya sa kamatayan, kaya siya ay nabihag. Iginapos siya ngunit nang
manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya ang gapos at siya’y nakawala.
Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa mapuksa ang mga kaaway.
Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni
Prinsipe Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan
ang lahat ng Prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa Bumbaran. Buong
galak siyang sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng panibagong
pagdiriwang. Ang buhay ni Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hangang sa
kanyang mga huling sandali.
-Halaw sa Pluma 8, 2017

Gabay na Tanong:
1. Paano nawalay si Prinsipe Bantugan sa kanyang kapatid na si
Prinsipe Madali?
2. Bakit minahal ng mga tao si Prinsipe Bantugan kaysa kay Prinsipe
Madali?
3. Paano nalaman ni Prinsipe Madali na namatay ang kapatid?
4. Bakit natalo si Prinsipe Bantugan labanan sa unang pagkakataon?
5. Paano nagkapalagayan ng loob ang magkapatid na Bantugan at
Madali?

Ano ang napansin mo sa iyong mga naging sa


mga sagot sa itaas?

Ito ay ba ay naglalahad ng sanhi at bunga?


Dahilan at epekto? Tama ba ako? Paano kaya
malalaman na ito ang sanhi at ito naman ang
bunga?
Ngayon ay ating pakikialaman ang tungkol sa
sanhi at bunga. Go lets!

8
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa


maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga
rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang
higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng
sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang
may kalinawan.
Sanhi – ito ang dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari at
kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.
Bunga – ito ay epekto/ resulta ng pangyayari at tumutugon sa tanong
na paano.
Halimbawa:
Alin dito ang sanhi at bunga; at ang susing salita o palatandaan o
hudyat na ito ang sanhi at bunga?
1. Nais ng mga tao na si Bantugan ang maging bagong hari dahil sa
ipinakitang tapang at lakas.
hudyat /susing salita
Sanhi: Dahil ipinakitang tapang at lakas
Bunga: Gawing bagong hari

2. Naguluhan si Prinsesa Datimbang kaya’t nakipagpulong ito sa konseho.


hudyat /susing salita
Sanhi: Naguluhan kung ano ang gagawin kay Bantugan
Bunga: Nakipagpulong sa konseho
● Hudyat na nagpapahaayag ng sanhi o dahilan:
Sapagkat/pagkat . . .
Dahil/dahilan sa . . .
Palibahasa, at kasi . . .
● Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:
Kaya/ kaya naman . . .
Kung kaya . . .
Bunga nito . . .
Tuloy . . .

* maaaring dagdagan ang mga hudyat o susing salita sa sanhi at bunga

Sa puntong ito, alam kong nais mo nang ipalabas ang naisip


mong sanhi at bunga. Sige nga at nang masubukan natin.

9
Pagyamanin

Gawain A. Alam Mo ba? Lagyan ng tsek ang gilid bago ang numero kung
nagpapahiwatig ng layunin ng epikong Bantugan at ekis kung hindi. Sa
sagutang papel isulat ang sagot.

_____1. Huwag magtanim ng galit sa kapwa.


_____2. Manmanan ang kahinaan ng iba upang makahanap kaagad ng daan na
makasalakay
_____3. Gagawin ang lahat sa ngalan ng pagmamahal sa pamilya
_____4. Maghanap ng ibang opinyon bago bigyang desisyon ang isang bagay.
_____5. Sundin ang utos nang walang pagpapaliwanag kahit itoy maging mitsa ng
buhay.
_____6. Dapat mainggit sa kapwa upang makapanira.
_____7. Matutong magparaya at maging maligaya sa kaligayahan ng iba.
_____8. Ang pagtulong ay hindi namimili.
_____9. Mag-asawa ka ng marami.
_____10. Dapat sundin ang nakatatandang kapatid.

Gawain B. Konekted Ba Ako? Punan ang mga hinihinging impormasyon sa ibaba.


Gamitn ang sariling sagutang papel.

Epikong Bantugan

1. Sino ang problema?


Sagot: 1.
2.
2. Sino ang may problema?
Sagot: 1.
2.
3. Saan nag-umpisa ang problema?
Sagot: 1.
2.
4. Kailan nagsimula ang problema?
Sagot: 1.
2.
5. Bakit ito naging problema?
Sagot: 1.
2.

6. Paano ito naging problema?


Sagot: 1.
2.
7. Ano ang mga tangkang solusyon
Sagot: 1.
2.

10
8. Ano ang mga naging resulta?
Sagot: 1.
2.
9. Ano ang kinalabasan ng pangyayari?
Sagot: 1.
2.

Gawain C. Saan Ako Dapat? Pag-ugnay-ugnayin ang sanhi at bunga na nasa loob
ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Sanhi Bunga

Nainggit si Prinsipe Madali Sumalakay si Miskoyaw sa kaharian

Nagkasakit at namatay sa daan Inutos na bawal kausapin si Bantugan


Nalamang namatay si Bantugan Nagalit at nainggit ang kapatid
Mabilis na umakyat sa langit Nalamang namatay ang kapatid
Nagpatawag ng pulong sa konseho Naglayas at naglakbay

1.___________________________________ _________________________________
2.___________________________________ _________________________________
3.__________________________________ _ ________________________________
4.__________________________________ _ ________________________________
5.__________________________________ _ ________________________________

11
Isaisip

Gawain A. Ako na Dito? Ibigay ang katangian at kahulugan ng epiko ayon sa


nabasang pangyayari sa akda. Sagutang papel isulat ang sagot.

Katangian ng Epiko

1.______________________________________________________________________________

2.______________________________________________________________________________

3.______________________________________________________________________________

4.______________________________________________________________________________

5.______________________________________________________________________________

6. Epiko - ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

7. Paano nakatulong ang ugnayang sanhi at bunga sa araw-araw na


pakikipagsaparan?
__________________________________________________________________________________

8. Kailan at saan mo nagamit ang ugnayang sanhi at bunga?


__________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1. Ano ang mahahalagang aral na napulot mo sa epikong Bantugan at bakit?

1.________________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________________

12
Gawain 2- Ipakilala ang sanhi at bunga na ipinapahiwatig ng larawan Isulat sa
sariling sagutang papel ang sagot.

Sanhi:__________________ Sanhi:__________________ Sanhi:__________________


Bunga:_________________ Bunga:_________________ Bunga:_________________

Sanhi:__________________ Sanhi:__________________
Bunga:_________________ Bunga:_________________

13
Tayahin:

Gawain A. Panuto: Ikabit sa pamamagitan ng pagguhit ng arrow mula sa hanay


ng sanhi patungo sa hanay ng bunga. Lagyan lamang ng ilustrasyon at papel
para masagot ito sa inyong sariling sagutang
14 papel.

Sanhi Bunga

1. A.

2. B.

3. C.

4. D.

5. E.

14
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang
letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

6. Sino ang may problema sa epikong Bantugan?


a. Prinsesa Datimbang c. Prinsipe Madali
b. Haring Miskoyaw d. Prinsipe Bantugan
7. Ano ang pahiwatig ng pagmamadali ni Pinsipe Madali papunta sa langit upang
kunin ang kaluluwa ng kapatid na si Prinsipe Bantugan?
a. Lukso ng dugo para sa kapatid
b. Tawag ng magulang at ng langit
c. Iyon ang tama at ang nararapat
d. Tawag ng pagiging hari sa kanyang nasasakupan
8. Sa anong sitwasyon sa akda makikita ang epekto ng inggit?
a. Ipinagbawal sa mga tao na makipag-usap kay Prinsipe Bantugan
b. Sumalakay nang bigla-bigla
c. Lumipad sa langit para kunin ang kaluluwa
d. Naglakbay at narating ang kaharian ni Prinsesa Datimbang
9. Ano ang nais iparating ng may –akda sa mambabasa?
a. Isipin muna kung tunay ba siyang nangangailangan
b. Pinagbabawal ang mapagsamantala
c. Laging may ganti ang langit sa mga mapagsamantala
d. Iwaglit ang inggit, galit at magmahalan
10. Ano ang problema ng epikong Bantugan?
a. Hindi sang-ayon ang mamamayan sa bagong pamamalakad ng hari
b. Maraming astig na asawa ang hari
c. Inggit at galit ng kapatid sa kaptid
d. Walang bait sa sarili ang hari, anupa’t maraming naghahari-harian
11. Paano sinagot ni Prinsipe Bantugan ang galit at inggit ni Prinsipe Madali?
a. Nag-asawa at nagnegosyo
b. Naging pasaway sa kaharian
c. Sinuklian din ng galit at pakikipag-away
d. Umalis sa kaharian at naglakbay
12. Ano ang ipinapahiwatig sa kilos ni Prinsesa Datimbang sa hindi pagtalikod sa
bangkay sa kanyang pintuan?
a. Matalik na kaibigan ang bangkay sa pintuan
b. Isusumpa ng langit ang di marunong tumulong sa kapwa
c. Ang pagtulong ay hindi namimili
d. Katungkulan ng isang Prinsesa ang pagtulong
13. Ano ang aral na napulot ni Miskoyaw sa akalang wala si Bantugan sa Bumbaran?
a. Pinagpala ng langit ang mabait sa kapwa
b. May masayang buhay ang mapagsamantala
c. Ang mapagsamantala ay laging may mapapalang masama
d. Lalong lumalakas ang mapagsamantala
14. Ano ang naging epekto nang magkabalikan ng loob ang magkapatid sa kaharian?
a. Namamayani pa rin ang inggit at galit
b. Dalawa silang ginawang hari
c. Nagkaroon ng kasiyahan at katahimikan ang bawat loob
d. Minabuti nilang iwan ang kaharian at ibinigay sa iba ang pamamahala
15. Ano ang pinag-ugatan kung bakit makagagawa ng masama sa kapwa?
a. Laging aasa sa tulong ng iba c. di makuntento
b. Walang tiwala sa sarili d. Inggit at selos

15
Karagdagang Gawain

Gawain 1. Sumulat ng sariling kwento na nagpapakita ng ugnayang sanhi at


bunga. Salungguhitan ng makalawang beses ang sanhi at bilugan naman ang
bunga. Gawin ito sa sagutang papel.

RUBRIKS

Pamanta- 5 4 3 2
yan
Organi- Malinaw at Di gaanong Di malinaw at Magulo ang
sasyon maayos ang malinaw at maayos ang ayos at ang
pagkakasunod- maayos ang pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng pagkakasunod- sunod ng sunod ng
kaisipan sunod ng kaisipan kaisipan
kaisipan
Nilalaman Ginamitan ng Ginamitan ng Ginamitan ng
Ginamitan ng
sampung sanhi walong sanhi at anim na
apat sanhi at
at bunga bunga sanhi at bunga
bunga
Kawastu- Wasto ang May mga mali Maraming mali
Halos lahat
hang paggamit ng sa paggamit ng sa paggamit ng
may mali sa
Gramatikal bantas, bantas, bantas,
paggamit ng
baybay, maliit baybay, maliit baybay, maliit
bantas,
at malaking at malaking at malaking
baybay, maliit
titik titik titikat malaking
titik
Kakintalan Nag-iwan ng Di gaanong Nag-iwan ng Walang iniwan
impresyon sa nag-iwan ng impresyon sa na impresyon
mambabasa impresyon sa mambabasa sa mambabasa
upang mambabasa ngunit di upang
mahikayat upang mahikayat mahikayat
mahikayat
KABUUAN 20

16
Susi sa Pagwawasto

15. C
14. B 15. D
13. D 14. C
12. A 13. C
11. E 12. C
10. D 11. D
9. C 10. C
8. C 9. D
7. C 8. A
6. D 7. A
6. C
5. C
5. C
4. D 4. B
3. A 3. D
2. A 2. A
1. C 1. E
Subukin Pagtataya

Mga Sanggunian:
1. Pluma8, 2017 edition
2. https://www.google.com/search?q=sanhi+at+bunga&client=ms-android-samsung-ga-
rev1&prmd=ivsn&sxsrf=ALeKk02Zfu1EJ_5urcJULWf8tRsvUJ2FlA:1595425673961&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj8-77k_-
DqAhWlyIsBHSLFBaMQ_AUoAXoECAwQAQ&biw=412&bih=782&dpr=2.63#imgrc=zoN9yw6JOF2EnM

https://www.clipartmax.com/middle/m2i8b1b1m2K9Z5A0_painful-sprained-ankle-painful-sprained-
ankle/

https://www.google.com/search?q=Illustration+kid+have+tootache&tbm=isch&ved=2ahUKEwjsrJDI
huHqAhW-x4sBHbLZAtEQ2-
cCegQIABAC&oq=Illustration+kid+have+tootache&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzIECCE
QCjoECCMQJzoGCAAQCBAeOgQIABATOgYIABAeEBM6BAgeEApQifMFWMm6BmCNwwZoAHAAeACA
Ab0BiAGHIJIBBDAuMjeYAQCgAQHAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=pUoYX6zGH76Pr7wPsrOLiA0&bih=782&biw=412&client=ms-android-samsung-ga-
rev1&prmd=isvn&hl=fil#isa=y

17

You might also like