You are on page 1of 15

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 10
Ang Pagiging Makatotohanan at
Di-Makatotohanan ng mga
Pangyayari
LELIT B. BANGA

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)


A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 10: Ang Pagiging Makatotohanan at Di-
Makatotohanan ng mga pangyayari sa Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lelit B. Banga, MAED


Editor: Marietta R. Engcol
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay nakabuo ng kritikal


unawa at pagpapahalaga sa mga na pagsusuri sa mga isinagawang
akdang pampanitikan. critique tungkol sa alinmang akdang
pampanitikan.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


1. Ang pagiging Makatotohanan at Di-Makatotohanan ng mga pangyayari sa
maikling kuwento
2. Mensahe ng Butil ng Kape (Lunsaran)

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC (Week 12)

Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang


pagiging makatotohanan at di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento. (F10PB-Ic-d-64).

Inaasahan din na ikaw ay:


a. Natutukoy ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan o di-makatotohan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento.

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA


A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.

1. Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nagyari at hindi
suportado ng mga ebidensiya o katwiran.
a. makatuwiran
b. di-makatuwuran
c. makatotohanan
d. di-makatotohanan

1
2. Ang opinyon na batay sa pansariling pananaw ng isang tao.
a. makatuwiran
b. di-makatuwiran
c. makatotohanan
d. di-makatotohanan

3. Ito ay mga pahayag na nangyari o nagyayari na may dahilan o basehan at


suportado ng mga ebidensiya o katwiran.
a. makatuwiran
b. di-makatuwiran
c. makatotohanan
d. di-makatotohanan

4. Isang pahayag na batay na napapatunayan sa mga makatotohanang basehan.


a. makatuwiran
b. di-makatuwiran
c. mkatotohanan
d. di-makatotohanan

5. “Ngumiti ang anak, kasunod ng tugon “ako ay magiging butil ng kape”


katulad mo mahal na ama”. Ano ang ipinapakitang makatotohanan sa
pahayag?
a. maging mabuting anak
b. maging alibughang-anak
c. mapagmahal na anak
d. anak na walang pakialam

B. Panuto: Piliin ang angkop na reaksiyon sa sumusunod na paglalahad, bilugan


ang letra ng tamang sagot at tukuyin kung ito’y makatotohanan at di-
makatotohanang pangyayari.
6.______________ 7. Unang araw ng pasukan, masayang gumising si Laika at
nasasabik na pumasok sa paaralan. Tinawag sila isa-isa ng
guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Laika.

a. hindi nakinig si Laika dahil siya’y nakipagkwentuhan


b. hahiya siya sa kanyang mg kaklase kaya hindi siya
nakapagsalita
c. tumalikod siya sa guro at kaklase
d. umiyak si Laika

8.______________9. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang Brgy.


Estaka upang maging malinis ang kapaligiran at kumita ng
pera buhat sa basurang itinapon ng mga mamamayan.

a. lalong dumami ang nagkalat na basura sa kapaligiran


b. nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa
ng salapi
c. walang pakialam ang namumuno sa barangay sa maruming
kapaligiran
d. walang pakialam ang mamamayan

2
10._____________11. Ilang linggo nang hindi nakausap ni Laika ang kasintahan
dahil sa tampuhan. Nasasabik na siyang makita ang mga
kaibigan ng biglang nakita niya ang kasintahan na may
kasamang iba na magkahawak-kamay.

a. si Laika ay nagulat at umiyak na lamang sa nakita


b. nilapitan niya at sinabunutan ang babae.
c. wala siyang pakialam sa nakita.
d. ipinabugbog niya ang kasintahan.

12. _____________13. Sa isang madilim na eskenita kayo naglalakad at may biglang


nakasalubong kayong grupo ng mga lalaking nagtatakbuhan
na hinahabol ang isang-daang mga aso.

a. inyong pinagtatawanan lamang


b. nagulat, natakot at tumakbo papalayo
c. nagtanong kung ano ang nagyari
d. tumabi at umiyak sa takot

14. ______________ 15. Isang taon ng biyuda si Aling Laika sa edad na 63.
Ipinatawag niya ang labing-dalawang anak para ipaalam
na siy’ay mag-asawang muli sa kanyang 20 taong gulang
na kasintahan upang may makasama sa buhay.
a. nagalit ang kanyang mga anak
b. sumang-ayon sila para sa ikaliligaya ng ina
c. ipinaghiwalay dahil hindi sila bagay
d. sila ay nagulat at hindi makapaniwala

Modyul Ang Pagiging Makatotohanan at Di-


Makatotohanan ng mga pangyayari
10 sa maikling kuwento

Mahalaga ang pagbibigay ng reaksiyon sa anumang mga kaisipang nabasa o


narinig upang mapalalawak at mabibigyang-diin ang mga kaisipang ipinahahayag sa
anumang binabasa, ito’y sumang-ayon o sumalungat, pumupuna o pumupuri.

3
Balikan

Gawain A. Reaksiyon Mo! Panagutan Mo!


“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong
ito sa paggawa nang mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos
na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”

Ano ang iyong maging reaksiyon sa kaisipan na ito?

Tuklasin

Gawain B: Reaksiyon Mo, Gawing Malupit!


Panuto: Panoorin ang video na pinamagatang “If I could Change the World”
na matagpuan sa link na ito: hhtp:wwwyoutube.com/watch?v=YRMMIG4c3dc.
Ibigay ang reaksiyon sa pinanood sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pahayag na
ito:

Kung mababago ko ang mundo _____________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Sanggunian: google. Brainly.ph

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay


dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang
anak at tinawag niya papunta sa kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang


narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang
palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli,
butil ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking
inilahok?” tanong ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang
anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na


kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at
matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

5
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog
at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos


mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan.
Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang
ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang
sangkap na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.

“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka
tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok
ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat
ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig?
Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso
subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan,
sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng
kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng


pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa
paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butyl ng kape...” katulad
mo mahal na ama.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Sanggunian: Pluma 10, pahina 392

6
Suriin

Makatotohanang pangyayari ito ay mga pahayag na nangyari o


nagyayari na may dahilan o basehan. Ito din ay suportado ng mga ebidensiya o
katwiran. Ang katotohanan ay isang pahayag na batay na napapatunayan sa
mga makatotohanang basehan.
Narito ang mga halimbawa ng makatotohanan.
1. Si Presidente Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.
2. Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay ang tatalong pangunahing isla ng
Pilipinas.
3. Ang mga mata ay ginagamit upang makakita ng mga bagay-bagay.
4. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
5. Ang isang oras ay may 60 na minute.
Di-makatotohanang pangyayari ito ay ang mga pahayag na walang
basehan kung bakit nagyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o
katwiran. Ang opinion na batay sa pansariling pananaw ng isang tao.

Narito ang mga halimbawa ng opinion o di-makatotohanang pahayag:

1. Mas magandang gamitin ang Facebook kaysa Twitter dahil limitado


lang ang maaring masabi sa Twiter.
2. Para sa akin, ang Pilipinas ay ang pinakamaayos na lugar sa buong
mundo.
3. Mas nakakaaliw ang mga palabas sa ABS-CBN kaysa palabas ng GMA.
4. Mas matibay at maganda ang Nike kaysa Adidas.
5. Para mabawasan ang trapik sa Pilipinas, sa tingin ko ay kailangan
nang magpatayo ng maraming tren sa bansa.

Pagyamanin

Gawain C: Kilalanin Mo AKo!


Panuto: Lagyan ng tsek ang hanay ng makatotohanan kung ang pahayag ay
nangyari sa tunay na buhay at kung hindi naman, lagyan ng tsek ang hanay sa di-
makatotohanan. Pagkatapos, ibigay ang reaksiyon o ipaliwanag ang inyong sagot.

1. “Habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang


kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at
pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.”

Makatotohanang Di-Makatotohanang Paliwanag/Reaksiyon


Pahayag Pahayag

7
2. “Ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay.”

Makatotohanang Di-Makatotohanang Paliwanag/Reaksiyon


Pahayag Pahayag

3. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang


pagsubok ay naging matatag pa rin?”

Makatotohanang Di-Makatotohanang Paliwanag/Reaksiyon


Pahayag Pahayag

4. “Ang magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan


ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig?”

Makatotohanang Di-Makatotohanang Paliwanag/Reaksiyon


Pahayag Pahayag

5. “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari.”

Makatotohanang Di-Makatotohanang Paliwanag/Reaksiyon


Pahayag Pahayag

Isaisip

Gawain D. Babalik ka’t Iisipin Ako!


Panuto: Balikan ang mga pangyayaring isinalaysay sa akda. Gamit ang grapikong
representasyon, tukuyin ang mga makatotohanan at di-makatotohanang
pangyayaring binanggit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.

8
Mensahe ng Butil ng Kape

MAKATOTOHANANG DI-MAKATOTONAHANG
PANGYAYARI PANGYAYARI

REAKSIYON

Isagawa

Gawain E. Sino Ako!


Panuto: Magtala ng Makatotohanan at Di-Makatotohanan na mga pangyayari sa
inyong buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa pagsasalaysay
na mga pangyayari.

9
Ako bilang

Makatotohanan

Di-Makatotohanan

Reaksiyon

Tayahin

Gawain E. Kilala Mo Ba Ako?


Panuto: Kilalanin ang sumusunod na mga pangungusap kung ito’y Makatotohanan
at Di-Makatotohanan ng mga pangyayari sa teksto. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

_______________1. “Nararamdaman ng anak na hindi makatarungan ang kaniyang


buhay dahil sa hirap na nararanasan sa pagsasaka sa bukid.”

10
__________2. Ang hindi pagsunod ng anak sa kagustuhan ng kanyang ama ay
nakabubuti sa kanya.
_______________3. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag
subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging
malambot na kumakatawan sa kahinaan.
_______________4. “Kapag ang suliranin ay kumatok sa ating pinto, ikaw ba ay
maging carrot.”
_______________5. “Ang butil ng kape ay sumisimbolo ng pagiging mahina sa mga
pagsubok na dumating sa buhay.”
_______________6. “Patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot
ng di magagandang pangyayari sa buhay.”
_______________7. Napaiyak ang anak at nagtugon” ako ay magiging butil ng kape”
katulad mo mahal na ama.
_______________8. “Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay
may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad
ng sigalot sa pamilya o kaibigan, sila ay nagkaroon ng tigas ng
kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala.
_______________9. “Ang pagkalahok sa kumukulong tubig sa carrot, itlog at butil ng
kape ay walang kinalaman sa buhay ng tao”
_______________10. “Ang ginawang presentasyon ng ama ay nagpamulat sa murang
isipan ng bata.”
_______________11. “Tulad kaba ng butil ng kape na ikaw mismo ang mgapapabago
sa mga pangyayari sa paligid mo.”
_______________12. “Magsususmikap kang maging matatag sa harap ng mga
pagsubok sa iyong buhay.”
_______________13. Ang Carrot sa una ay matigas, malakas at tila hindi matitinag
subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay nanatiling
matigas katulad ng buhay.”
_______________14. Ang butil ng kape ay sumisimbolo sa kabutihan ng isang tao.
_______________15. Malinaw ba ang presentasyon ng ama sa anak upang mabago
ang pananaw sa nito buhay na kinakaharap.
_______________16. Tumugon sa mga hindi mabuting pangyayari sa buhay upang
masolusyunan agad ito.
_______________17. Pareparehong inilahok sa kumukulong tubig ang Carrot, Itlog at
Butil ng Kape subalit parepareho ang naging reaksiyon nito.
_______________18. Ikaw ba ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng
kumukulong tubig.
_______________19. Hindi tumugon ang bata sa ipinapakitang presentasyon ng ama.
_______________20. Ang Butil ng Kape ay sumisimbolo sa katatagan ng isang tao.

Karagdagang Gawain

Gawain F. Sa Isang Sulok Ng Mundo!


Magsaliksik o gumupit ng mga larawan ng makatotohanan at Di-makatotohanang
pangyayari sa kapaligiran at magbigay ng sariling reaksiyon ukol sa larawan at idikit
sa papel/bondpaper.

11
Halimbawa sa makatotohanang pangyayari

Halimbawa sa Di-Makatotohanang Pangyayari

Sanggunian: facebook.com

12
13
makatotohanan-ang-mga-pahayag.html
https://pdfslide.tips/education/filipino-9-napatutunayan-kung-makatotohanan-o-di-
Sanggunian: facebook.com
Sanggunian: google. Brainly.ph
Pluma 10, pahina 392
Kape pahina 50-52
Akdang Pampanitikan Pandaigdigan: Mensahe ng Butil ng
Sanggunian
Subukin Tayahin
1. MAKATOTOHANAN
1. D 2. DI-
2. D MAKATOTOHANAN
3. C 3. MAKATOTOHANAN
4. C 4. DI-
5. A MAKATOTOHANAN
6. MAKATOTOHANAN 5. DI-
7. B MAKATOTOHANAN
8. MAKATOTOHANAN 6. MAKATOTOHANAN
9. B 7. DI-
10. DI-MAKATOTOHANAN MAKATOTOHANAN
11. B 8. MAKATOTOHANAN
12. DI-MAKATOTOHANAN 9. DI-
13. B MAKATOTOHANAN
14. DI-MAKATOTOHANAN 10. MAKATOTOHANAN
15. B 11. MAKATOTOHANAN
12. MAKATOTOTHANAN
13. MAKATOTOHANAN
14. MAKATOTOHANAN
15. DI-
MAKATOTOHANAN
16. DI-
MAKATOTOHANAN
17. DI-
MAKATOTOHANAN
18. DI-
MAKATOTOHANAN
19. DI-
MAKATOTOHANAN
20. MAKATOTOTHANAN
Susi sa Pagwawasto

You might also like